Pagkaalis sa presinto, dumiretso si Gavin sa Malacañang para kitain ang caregiver ni Bella. Nakangiti siyang binati ng Nanny at panay ang pagpapasalamat sa pagbabantay sa alaga nito. "Naku, hijo! Kung alam mo lang kung gaano katigas ang ulo n'yan at pati ako'y sumasakit talaga ang ulo sa kahahabol!" Nagsimula na ito sa pagkkwento. Hindi naman makasingit si Gavin dahil nakakahiya ring putulin ang sinasabi ng matanda. "At ayon nga, hanggang magdalaga ay halos wala pa ring sinusunod! Ngunit marespeto namang bata iyan at matulungin." "Opo... Nay, I came here to ask if she has any favorite dish I can give her po? She's been feeling down lately po eh." He made sure to include the formalities and cut her respectfully. "Aba meron! Mahilig iyon sa sinigang na baboy! Pero luto ko lang ang gusto

