Malakas na isinara ni Bella ang pinto ng comfort room at hindi na napigilan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kaniyang pisngi. Mabilis niya iyong pinalis para hindi masira ang makeup ngunit natigil siya sa paglakad nang magtama ang tingin nila ni Diane. Dahil hindi pwede ang hindi lalaking staff sa backstage, si Diane ang naatasang magbantay sa kaniya mula sa loob. Walang naging reaksyon si Diane ngunit sigurado siyang nakita nito ang dramatic niyang paglabas sa comfort room. Sighing, Bella neared Diane and whispered, "You don't need to tell anyone else. Keep this a secret between us." Diane merely nodded. "The staff are looking for you, Miss. You should get back there," ang tanging sagot niya lamang. Tahimik na sumunod si Bella at nagpokus na lamang sa pagpapakalma sa sarili. She

