Prologue

2316 Words
"I really don't know Dad if what's your problem with me?! Palagi na lang mali ko ang nakikita ninyo!" Malakas na sigaw ko sa kanya pagkapasok ko sa bahay dahil palaging sermon ang salubong niya sa akin sa tuwing uuwi ako dito. "Don't shout to me like that Jervey! Hindi ko na talaga gusto ang pag-uugali mo lalo na kong makasagot ka sa akin. Dahil diyan sa impluwensya ng mga barkada mo ganyan kana at pati pag-aaral mo ay pinapabayaan mo na!" Malakas na sigaw niya din sa akin kaya napa-ngisi ako sa kanya bago ko siya nilampasan at ibinato ko ang aking bag sa sopa bago naupo. "Sayang ang perang binibigay ko sayo para sa pag-aaral mo inuubos mo lang naman ito sa kakatambay!" Sabi niya pa ulit sa akin. "You know what Dad? Pera yun ni mommy sa kompanya niya kaya wala kang karapatan dahil hindi mo naman yun pinaghirapan at hindi mo naman yun pera" Sabi ko din sa kanya kaya hinarap niya ulit ako at kitang-kita ang galit niya sa akin dahil naka-tiim bagang na siya pero hindi ako sa kanya natatakot kahit magalit pa siya sa akin. "Ako pa rin Jervey ang namamahala ng kompanyang inawan ng mommy mo! Kaya huwag kang magsalita na hindi ko yun pinaghirapan dahil pinaghihirapan kong pagtraba-uhan yun! Simula ngayon hindi kana sa akin makakatanggap ng pera at hindi na rin kita bibigyan hanggat hindi mo inaayos ang buhay mo!" Sabi ni Dad sa akin bago siya umalis sa harapan ko. Malakas akong napabuntong-hininga at mariing ipinikit ang aking mata para pakalmahin ang sarili ko. Ganito kaming dalawa, hindi kami magkasundo dahil palagi ko siyang sinasagot at sinusuway kaya ganon na lang ang galit niya sa akin. It's been a two years and I'm still missed my mommy. Palaging ganito na kami ng aking ama simula ng mamatay ang aking ina. Paulit-ulit akong nagsisisi na sana ay hindi siya namatay ng maaga para hindi sana ako naging ganito. Since she left me pakiramdam ko ay wala na akong kasama at magmamahal sa akin. Kasi nung buhay pa siya ay palagi siyang nandiyan sa akin. Si Dad ay palaging nasa kabit niya, uuwi lang siya dito kung kailan niya gusto at puro sermon pa ang aabutin ko sa kanya. I really hate my father after I know that he have an another woman and he hurt my mom. That's the reason if why my mother died because of heart attack after she know that my father have a mistress at yung kabit niya ay inaway pa si mommy. Hindi ko silang dalawa mapapatawad dahil sa ginawa nila sa aking Ina. Kaagad din akong tumayo at tumungo sa aking kuwarto at pabagsak akong nahiga sa aking kama. Buong araw akong hindi pumasok dahil may gig kami kanina ng mga barkada ko. Kaya galit na galit na naman sa akin si Dad dahil nag report na naman siguro yung guro ko na hindi naman ako pumasok. Last month of schooling year naman kaya wala namang lessons na dapat kong pasukan bukod sa nag-papractice for the upcoming junior high school graduation ay hindi naman ako interesadong mag-attend dito. Wala naman si mommy, wala namang sasama sa akin at wala namang magiging proud kong ga-graduate ako kaya mas mabuti pang hindi na lang ako sumabay. Pagkatapos ng ilang minutong pagkakahiga ko sa kama ay tumayo na ako at tumungo sa banyo para maligo. Pagkalabas ko ay naupo ulit ako kama habang nakasabit ang tuwalya sa aking balikat at pinupunasan ko ang basa kong buhok. Wala naman akong magawa kaya kinuha ko ang aking cellphone sa bag na dala ko kanina. 9:00 PM na pala, pero hindi pa naman ako inaantok kaya naisipan kong tawagan si Wilson isa sa barkada ko. Kanina ay hindi siya nakasam sa gig namin dahil busy siya. "Hey bud" Bungad na bati ko sa kanya sa kabilang linya. "Problema mo? Matutulog na sana ako kaso tumawag ka pa" Agad na sagot niya din sa akin. "Bar" Maiklang sabi ko dito. "What the f**k Jervey! Sa ganitong oras may balak ka pang magyaya sa bar!" Malakas na sigaw niya sa akin kaya napasinghal ako sa kanya. "Ganitong oras naman talaga tayo nagba-bar ah?" Tanong ko sa kanya dahil kahit nga alas onse dati ay pumupunta pa kami ng bar. "What I mean bud, may pasok pa kasi tayo bukas. Oo nga ganitong oras tayo minsan lumalabas pero weekend yun eh bukas may pasok pa tayo at magpa-practice pa tayo para sa graduation natin" Paliwanag na sabi nito sa akin kaya napabuntong-hininga na lang ako. Biyernes pa lang bukas kaya nga may pasok pa kami pero wala akong ganang pumasok bukas at nababagot naman ako ngayon dito sa bahay. "Tss. Sige ako na nga lang ang magba-bar" Sabi ko sa kanya. "Sa Saturday na lang bud, para makapunta tayong lahat. Pero kung gusto mo na ngayon tawagan mo ang ibang tropa natin baka gusto din nilang mag-bar" "Wag na, busy na ang mga yun. Ako na lang ang pupunta magrerelax muna ako saglit" "Mag-rerelax o mang-chichicks? Hahha!" Natatawang tanong niya sa akin kaya napasinghal ako sa kanya. Kung malapit lang ito sa akin nabatukan ko na man ito. "Tangina! Magpapalamig lang ako ng ulo ko dahil puro sermon naman inabot ko sa pamamahay na ito! " Pakarinig niya sa sinabi ko ay agad din siyang tumigil sa pagtawa at napabuntong-hininga, narinig ko pa yun kahit na sa kabilang linya siya. "Joke lang bud, but I'm serious na kung pupunta ka ng bar huwag ka masyadong maglasing dahil may practice pa tayo bukas hindi ka na nga kanina nag-aatend" "Hindi lang naman ako ang hindi nag-attend kanina sa practice ah" Giit ko sa kanya dahil kasama ko sila Hence at Ked. Siya kasi at si Gio ay hindi sumama sa amin dahil masyadong loyal sa kanilang pag-aaral. "Oo nga kayong tatlo nag escape naman kayo" "Tss" Maikling sabi ko sa kanya dahil ang dami pa niyang sinasabi hindi naman sasama sa akin. "Sige na, ibababa ko na'to" Sabi ko sa kanya. "Sige bud umuwi ka ng maaga. Sorry pass muna ako ngayon dahil mapapaglalitan ako nito ni mommy" Natatawang sabi niya sa akin kaya mapait na lang din akong napangiti nang bigla kong maala din si mommy. Kung sana buhay siya ay hindi rin yun papayag na umalis o lumabas ako ng gabi pero wala na siya ngayon kaya nakakalungkot dahil agad akong nawala sa kanya. Bago pa tumulo ang nagbabadya kong luha ay tumayo na ako at pipinditon ko na sana ang cellphone ko para patayin na yung tawag nang bigla ulit na magsalita si Wilson. "Ingat bud, walang beer sa langit" Natatawang sabi niya sa akin. Akala ko pa naman kung seryoso siya pero puro lang kalokohan. "Oo na tangina mo! Hindi kita nanay para maghabilin sa akin!" Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya dahil kung ano-ano pa ang sinasabi niya sa akin. In-end ko na yung tawag kahit naririnig ko pa siyang natatawa sa akin. Inayos ko na kaagad ang aking sarili. Nagsuot lang ako ng black maong pants, white T-shirt at nagsuot din ako ng black leather jacket with coat dahil malaming na sa labas. Ibinulsa ko na kaagad ang aking cellphone at kinuha ang susi ng aking BMW. Pagkalabas ko sa kuwarto ay dumeritso na ako sa aking sasakyan at agad na pumasok dito. Hindi ko na pinansin kung makita pa ako ni Dad na lumabas dahil hindi naman ako sa kanya nagpaalam. Tahimik lang akong nagmamaneho. Hindi ko alam kung saang bar ako pupunta kaya nagmaneho lang ako habang nag-iisip kung saan ang tungo ko. Habang nagmamaneho ay si mommy na naman ang laman ng aking isipan. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil ga-graduate na ako for junior high school dahil kung buhay si mommy I'm sure na sobrang saya niya ngayon. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nakapasa sa mga subjects ko, eh bihira nga lang akong pumasok kaya yung aking ama ay palaging galit na galit sa akin dahil pinapahiya ko daw siya sa school namin. Isa siyang stockholder's doon kaya ganon na lang ang galit niya tuwing malalaman niya ang mga kalokohan ko sa paaralan. Madalas din kasi akong mapa-away, mag-cutting classes, escape at iba pa. Samantalang hindi niya rin naiisip na mas nakakahiya siya bilang ama ko dahil may kabit siya at Head Teacher pa ng school na pinapasukan ko kaya naman palagi siyang updated kapag hindi ako pumapasok dahil ito ang taga-sumbong sa kanya. "s**t!" Halos mabitawan ko ang aking manibela dahil paliko na sana ako ng biglang may nag-overtake sa akin kaya halos mabunggo ko na ang kanyang sasakyan. Walang-hiya dahil dire-diretso lang siyang nagmamaneho at hindi man lang bumusina. Sinasadya nitong mag overtake sa akin dahil ang luwag pa ng daanan pero sa gawi ko siya dumaan. Kaya dahil sa inis ko ay hinabol ko ito. Mabilis ang pagpapatakbo nito kaya mas binilisan ko din. Buti na lang walang masyadong sasakyan at hindi ngayon traffic kaya madali ko siyang naabutan. Nang mapantayan ko siya sa kanyang pagpapatakbo ay napa-ngisi na lang ako dahil gagawin ko din yung ginawa niyang pag-overtake sa akin kanina. Pero halos kumulo ang aking dugo ng bumukas ang bintana ng sasakyang sinusundan ko at nakita ko si Rohence na naka-ngisi sa akin. Siyang yung naka-away ko last week, isa siyang leader ng Black Spider Gang. Alam ko na malaki ang galit nito sa akin dahil napuruhan ko siya last week. Kaya siguro sinusundan niya ako ngayon dahil gusto niyang makabawi at makapag-higanti. Kaya naman ng makita ko siya ay ibinaba ko din ang aking bintana at naka-ngisi din akong tumingin sa kanya. "Kumusta Jervey?! Mukhang mabagal na ngayon ang sasakyan mo!" Sigaw niya sa akin at sakristong natatawa pa. Mas lalong uminit ang dugo ko sa kanya kaya mas binilisan ko ang aking pagpapatakbo para humurang sa kanya. Nahalata niya siguro ang gagawin ko kaya mas binilisan niya ang kanyang pagmamaneho at siya ang humaharang sa dadaanan ko. Mahigpit akong nakahawak sa aking manibela at naka-tiim bagang. Humanda ka lang sa akin Rohence dahil ibabangga kita. Pero masyado niya yata kong iniinis dahil hinarangan niya ang dinadaanan ko. Hindi ako papayag na mauto mo ako ngayon at malinlang. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo para pantayan at lampasan siya. Hindi ko alam pero sa bilis ng pagpapaandar namin ng sasakyan ay para na kaming nag-cacar racing Magkapantay na kami ngayon pero bigla siyang lumiko at nakaharang sa akin yung track na nasa unahan namin kaya nawala siya sa paningin ko dahil nahaharangan na ng truck ang nasa unahan ko. "f**k!" Mura ko sabay palo sa manibela dahil alam ko na pinagtatawanan ako ng gago. Sigurado ako na sa susunod na pagkakikita namin ay iinsultuhin at pagtatawanan niya naman ako dahil hindi ko siya nahabol. Nang medyo lumuwag na ang daanan ay mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan. Hindi ko alam kung susundan ko pa ba o hahanapin si Rohence dahil nakalayo na siya sa akin. Hindi na ako nag-aksaya pang habulin siya dahil medyo marami na ang mga sasakyan kaya napamura na lang ulit ako at napapalo sa aking manibela. Malakas akong napabuntong-hininga dahil sa init ng ulo ko ngayon, imbes na magpapalamig ako ay mas lalo yatang nadagdagan ang init ng ulo ko. Nakakapagod din pala ang ganitong buhay ko. Sobrang nasasawa na, sa bahay o sa labas man ay palaging magulo ang mundo ko. I'm just tired. Really, really tired, maybe if my mommy's alive I'm not like this kasi hindi niya hahayaan na maging malungkot ako at palagi siyang nakagabay sa akin sa bawat hakbang ko. Kaya ngayon siguro ay nahihirapan ako dahil wala na siya, wala nang gagabay at dadamay sa akin kapag may mga problema ako. I know my mommy is already happy if where she is. And me? Hindi ko na alam kung paano na ako sasaya o magiging masaya pa ba ako. Simula kasi ng mawala si mommy ay parang hindi ko na alam kung paano ko papasayin ang sarili ko. 'How I wish na sana buhay ka pa mommy' mahinang sambit ko sa aking isipan habang nagmamaneho at nagbabadya na namang tumulo ang aking luha. Napakagat na lang ako sa aking labi dahil hindi ko na napigilan ang pagtulo nito dahil sa sobrang sakit at kalungkutan na nararamdaman ko naman ngayon. 'I really miss you mom' sambit ko ulit habang malabo na ang aking paningin dahil sa mga luha ko. Hindi ko na din alam kung maayos pa ba ang pagmamaneho ko basta nakahawak lang ako sa manibela at pinapaandar ang aking sasakyan. Gulong-gulo na ang aking isipan ngayon at sobrang sakit na nang nararamdaman ko dahil nangungulila naman ako sa aking ina. Sobrang pagod na din ako sa buhay ko, hindi ko alam kung mahalaga pa ba ako sa bahay at kay Dad dahil pakiramdam ko wala naman akong kwenta. Puro lang naman ako away, tambay at bisyo siguro hanggang ganito na talaga ang buhay ko. Basang-basa na ngayon ang aking pisngi dahil sa pag-iyak ko at hindi ko na masyado makita ang aking dinadaanan dahil nanlalabo na ang aking mata sa mga luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya bago pa man mahuli ang lahat ay pinaandar ko ang aking kotse sa ibang direksyon na kung saan may mataas na pader. 'I'm sorry mommy' huling sambit ko sa aking isipan bago sumalpok ang aking sasakyan sa pader. Ang huling ala-ala ko na lang ay may mga dugo na sa aking katawan at ang aking sasakyan ay hindi na umaandar pa. Before I close my eyes I hope that I wake up with my mom. . . . . But I was wrong because I found myself in a room of a girl I didn't know and also I didn't know if why I was here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD