Shantal POV:
Ang bilis lang ng araw, kakarating lang namin nung sabado dito at ngayon ay lunes na.
May pasok ako ngayon sa bago kong nilipatan na paaralan. Habston Academy ang school na papasukan ko ngayon, medyo kinakabahan ako dahil one week na simula ng mag start ang klase at ngayon lang ako papasok.
Pagkagising ko ay agad na akong tumungo sa cr para maligo at pagkatapos ay nagbihis na ako. Sinuot ko ang aking uniform at inayos ko na ang aking sarili. Naglagay lang ako ng pulbos dahil maputi naman ang mukha ko at hindi na rin ako naglagay pa ng liptint or lipstick dahil mapula naman ang labi ko.
Ang itim na buhok ko naman ay inilugay ko na lang dahil hanggang balikat lang ang haba nito.
Pagkababa ko ay nadatnan ko si papa na nag-aalmusal kaya inaya niya na din ako. Kaagad naman akong tumungo sa mesa at nag-almusal na din. Si mama ay hindi na namin kasama dahil palaging maaga siyang umalis.
Pagkatapos namin ay sabay na din kami ni papa'ng umalis. Sumakay na ako sa kanyang taxi dahil mamasada naman siya ngayon kaya sasabay na ako sa kanya papunta sa paaralan.
"Sige na anak, itext mo na lang ako mamaya pag-uwian na ninyo para masundo kaagad kita"
Sabi sa akin ni papa habang pababa na ako ng sasakyan dahil nandito na ako sa bago kong school.
"Sige po papa bye, ingat kayo sa byahe ninyo" Ngiting sabi ko sa kanya at humalik na ako sa kanyang pisngi.
Pagkababa ko ay agad bumungad sa akin ang malaking gate ng paaralan at mga estudyanteng naglalakad papasok. Ang laki din nitong paaralan kahit private school lang. Dati galing na din ako sa private school pero mas malaki itong South Park Academy.
Bumuntong-hininga muna ako bago naglakad papasok. Kinakabahan ako dahil wala akong ka kilala man lang dito. Kasi naman kung kailan Grade 11 na ako tsaka naman kami naglipat ng bahay kaya pati tuloy school ko ay lilipat din ako.
Late na nga ako ng one week dahil inasikaso pa ni mama at papa yung mga requirements ko dito at doon sa school na pinangalingan ko.
Humarang kaagad yung guards sa akin kaya napatigil ako at kinakabahang tumingin sa kanya.
"Nasaan ID mo?"
Tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa damit ko bago ko ibinilak ang tingin sa kanya.
"Sorry po sir, kaka-transfer ko lang kaya wala pa akong ID"
Nahihiyang sabi ko at kaagad naman siyang tumango dahil transfer nga ako sa kanila kaya wala pa akong ID.
"Sige, pasensya na"
Paumanhin niya din sa akin at sinenyasan niya na akong dumiretso na papasok.
Habang naglalakad ay nakayuko lang ako dahil nahihiya ako sa mga estudyanteng nakatingin sa akin. Siguro naninibago sila sa akin dahil ngayon lang nila ako nakita. Hindi ko alam kung ano ang tingin nila sa itsura ko kaya hindi ko na lang sila pinansin.
Hinanap ko yung third buildings dahil doon daw ako nakalagay. Nasa fourth floor's ang room ko kaya dali-dali na akong naglakad para hindi ako malate.
Marami akong nadadaanang estudyante pero hindi ako sa kanila tumingin dahil nahihiya ako.
Nang makarating na ako sa third buildings ay agad na akong tumungo sa fourth floor's. Nakita ko agad yung nakasulat sa may pintuan na 'Grade 11 ABM Section 2- Iron'.
Nag inhale and exhale muna ako bago naglakad papasok pero may teacher na pala, mukhang kakarating lang din niya dahil kakababa niya rin ng kanyang bag at gamit. Bigla akong kinabahan dahil late na ako at nakakahiya dahil nasa loob na ang mga kaklase ko.
Napatingin sa akin yung teacher at agad akong ngitian.
" Good m orning po.. ma'am"
Kinakabahang bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sumenyas na pumasok na daw ako.
"Ikaw ba si Shantal Candoval? Yung nag transfer dito?"
Tanong niya sa akin kaya agad akong tumango sa kanya.
"Opo" Sabi ko dito.
Mukhang mabait ang guro dahil naka-ngiti siya sa akin.
Ramdam ko na tumahimik yung klase dahil siguro sa akin pero hindi pa ako sa kanila nakatingin dahil kausap ko pa yung bago kong teacher dito.
"Good morning class"
Masiglang bati niya sa lahat at agad naman silang tumugon dito kaya humarap na ako sa kanila kahit kinakabahan at nahihiya ako. Nakatayo lang ako sa harapan katabi ni ma'am pero halos matunaw na ako dahil sa akin sila nakatingin kaya iniyuko ko muna ang aking ulo.
"So this is your new classmate Shantal Candoval, she transfer here from the other school. Let's welcome our new student and your new classmate class"
Sabi sa kanila ni ma'am kaya bumati sila sa akin na 'Good morning'. Tipid na ngumiti din ako sa kanila dahil yung iba kong kaklase ay naka-ngiti din sa akin.
"Ma'am introduce herself daw muna. Sabi ni Drick kasi ang ganda niya daw"
Biglang sabi nung lalaki sa bandang hulihan na puro mga lalaki ang naka-upo Pumalakpak pa sila at sumang-ayon naman yung iba kong kaklase na magpakilala daw muna ako kaya mas lalo akong nahiya dahil nasabihan pa ako ng maganda at kailangan ko pang magpakilala.
"So, introduce yourself daw muna para makilala ka ng mga kaklase mo" Sabi ng guro sa akin.
Kaya napakagat muna ako ng labi bago magsalita para pigilan yung aking kaba at hiya lalo na't nakatuon ang atenayon nila sa akin.
"Good morning po sa inyo, My name is Shantal Candoval and I'm 17 years old. I came from the school of Havard Academy"
Pakilala ko sa kanila kaya agad naman nila akong pinalpakan kaya tipid na ngumiti din ako sa knanila.
Pagkatapos kong magpakilala ay hinanapan na ako ni ma'am ng mauupuan. Doon niya ako itinuro sa pangatlong bilang ng linya na nasa gilid at malapit sa may bintana. May isang babae na naka-upo doon wala naman siyang katabi kaya ako ang pinaupo doon ni ma'am.
Mukhang mabait din ang katabi ko dahil agad niya akong nginitian kaya tipid na ngumiti din ako sa kanya. Pagka-upo ko ay nakahinga ako ng maluwag. Nag simula nang mag discuss yung teacher namin. Siya pala ang adviser class namin at Oral Communication ang subject niya. Nagpakilala din siya sa akin para daw malaman ko kung ano ang pangalan niya at ang araling hawak niya.
Tahimik lang akong nakinig sa kanya maging sa mga sumunod na subject teacher pa. Nagpakilala muna ako sa kanila dahil nga transferee ako. Matapos ito ay break time na muna namin. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa canteen o dito na lang ako sa room kasi nahihiya pa ako at wala naman akong kasama.
Lumabas na yung iba kong kaklase at ako naka-upo lang dito busog pa naman kasi ako.
"Hi"
Napatingin ako sa aking tabi dahil sa pagsalita nito kaya tipid na ngumiti ako sa kanya.
"Hello"
Tugon na sabi ko dito.
"Pupunta ka bang canteen? Sabay na tayo"
Ngiting aya niya sa akin kaya nagdadalawang-isip pa muna ako kung sasama ba ako sa kanya.
"By the way, My name is Edellyn Vasquez"
Pakilala niya sa akin at inilahad pa ang kanyang kamay para makipagkamay sa akin kaya tinanggap ko naman ito. Magpa pakilala din sana ako pero agad na siyang nagsalita.
"Opss... No need to introduce yourself to me because you already introduce your name in front of our classes"
Natatawang sabi niya kaya mahinang natawa din ako sa kanya.
"So, what's your nickname na lang? Para yun na lang ang itawag ko sayo" Sabi niya sa akin.
"Sha na lang that's my nickname for short of Shantal"
Ngiting sabi ko sa kanya kaya naka ngiting tumango naman siya sa akin.
Mukhang mabait din siya at talkative kaya nagpasalamat ako dahil may kausap na ako ngayon at kakilala.
"Sha, is beautiful name"
Natatawang asar niya kaya napangiwi ako sa sinabi niya sa akin.
"Maganda ka kaya. Kanina nga narinig ko na pinag-uusapan ka nila Drick"
Dagdag na sabi niya pa kaya napakunot noo ko sa kanya na kinatawa niya naman.
"Hahaha! Hay naku! Hayaan mo na muna sila. Tara punta na tayo ng canteen"
Sabi niya at tumayo na din ako kahit medyo nahihiya pa ako at sumunod na lang din ako sa kanya dahil may kasama naman ako.
Habang naglakad ay hindi pa rin ako komportable dahil marami ang nakatingin sa akin kaya nakayuko lang akong naglalakad na naka sunod sa kanya.
"Huwag ka ngang yumuko, maganda ka kasi kaya tinitingnan ka nila" Biglang sabi niya sa akin at nahihiyang tumingin ako sa kanya.
"Hindi naman" Iling ko sa kanya.
"Ano?! Huwag mo ngang idown sarili mo at huwag kang mahiya dapat palagi kang confident"
Dagdag na sabi niya pa sa akin kaya napangiti ako sa kanya.
"Oh ayan! Dapat ganyan ka palaging naka-ngiti. Huwag kang mahiya sa school na ito dahil ganoon talaga sila na kapag may transferee ay agaw atensyon sa kanila lalo na kung maganda at gwapo"
Ngiting paliwanag niya.
Nang makarating kami sa canteen ay ang dami na ngang tao hindi ko alam kung saan kami pupuwesto buti na lang hinila ako ni Edellyn doon banda sa may gilid.
"Dito na lang tayo pumu-westo" Aniya niya sa akin kaya sumunod naman ako.
"Ako na lang oorder ng pagkain natin at hintayin mo na lang ako diyan".
Pagkatapos kong isabi sa kanya ang order ko ay agad naman siyang tumungo. Tahimik lang akong naka-upo dito at lumilinga-linga sa paligid. Nahihiya parin ako dahil may iba pang mga eatudyante ang nakatingin sa akin.
"Grabe, Hindi pa rin talaga nagigising si Jervey?"
Rinig kong sabi ng babae sa kabilang table. May mga eatudyante doon na naka-upo at naguusap-usap din. Tatlong babae sila at apat na lalaki.
"Hindi pa nga eh, nag-aalala na nga ako sa kanya"
Dagdag na sabi naman nung isang lalaki na Moreno ang kulay.
"Ano ba talagang nangyari? Sinasadya niya ba yun o aksidente talaga?"
Tanong ulit nung babae na nagsalita kanina. Matangkad siya at maputi, blondy ang buhok at maganda rin ang kanyang mukha pero parang mataray siya lalo na't nakataas ang kanyang kilay na nagtatanong.
"I don't know. Ang nasabi niya lang kasi sa akin pupunta siya ng bar, niyaya nga ako kaso may klase tayo that time kaya sabi ko sa kanya pass muna ako"
Sabi naman nung isang lalaki na maputi rin at may itsura naman siya.
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya nakinig lang ako dahil malapit lang sa tabi nitong table namin.
"At ikaw lang ang inaya niya samantalang kami ay hindi"
Giit naman nung isang lalaki sa may gilid.
Napatango naman yung lalaking maputi na nagsasalita kanina at napairap naman yung isang babae.
"Siguro before siya pumunta sa bar nangyari na yun kasi yung direksiyon ng kanyang sasakyan hindi naman pauwi" Dugtong na sabi naman nung medyo kulot na babae.
"It means hindi pa siya nun lasing?"
Tanong naman nung isang lalaki sa may gilid.
"Yes, and I think sinadya niya yun kasi that night mainit ang ulo niya kasi nagkasagutan na naman siguro sila ng kanyang Dad"
Sabi nung lalaking maputi.
Yung isang lalaki sa gitna ay hindi naman nagsasalita na parang ang lalim ng kanyang iniisip. May itsura din ito parang may halo siyang ibang lahi dahil medyo singkit ang kanyang mata at bagsak lang ang buhok niya sa kanyang noo. Parang koreano ang itsura niya at mukhang hindi ito palasalita dahil hindi naman siya sumasali sa usapan ng mga kasama niya.
Pero halos mahugot ko ang aking hininga ng mabigla ako dahil napabaling ang tingin niya sa akin. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya bumaling siya sa akin.
Diretsong tiningnan niya ako sa aking mata kaya mas lalo akong kinabahan at nahiya.
Kinagat ko na lang ang aking labi at inalis na yung tingin sa kanya. Nakita ko na rin si Edellyn na naglalakad patungo sa akin at inilapag na yung pagkain sa mesa.
"Sorry natagalan ako ang haba kasi ng pila" Paumanhin niya sa akin kaya tinanguan ko siya.
"Ayos lang hindi ka naman masyadong natagalan"
Tugon ko naman sa kanya kaya ngumiti rin ito sa akin. Buti na lang nakilala ko si Edellyn kung hindi ay wala akong kasama at kilala man lang dito.
"Woi, anong iniisip mo at nakatunganga ka diyan sa sandwich na kinakain mo?"
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Salamat Edellyn kasi sinamahan mo ako dito"
"Suss, yun lang pala nakatunganga ka na diyan Hahah"
Natatawang sabi niya sa akin kaya napangiti ako sa kanya.
"Wala naman kasi akong mga friends dito. Yung dalawang friends ko kasi lumipat na sila ng school, hindi na sila dito nag senior high kaya wala na akong kasama"
Malungkot na wika niya sa akin.
"Ayos lang yan. Ako nga nalulungkot din dahil umalis ako sa school ko dati. Na mimiss ko din yung friends ko doon"
Wika ko din sa kanya. I missed my friends Kate and Liza sila din yung mga kaibigan ko sa Havard Academy.
"Hay naku! Huwag na muna tayong malungkot ngayon dapat masaya na tayo kasi ako may kaibigan na ako at ikaw yun, tapos ako kaibigan mo naman. Diba?"
Masigla at nakangiting sabi niya sa akin kaya nakangiting tumango na din ako sa kanya. Kahit kakikilala lang namin ay napangiti ako dahil friends na agad turing niya sa akin.
Very talkative talaga siya, siguro masarap siyang maging kaibigan kaya buti na lang siya kaagad yung nakilala ko dito.
"Oh diba! Mas maganda ka talaga pag naka-ngiti kaya huwag ka ng mahiya dahil masasanay ka din dito at sa akin"
Sabi niya ulit sabay kindat kaya mas lalo tuloy akong napangiti samantalang siya ay natatawa sa akin.
"Hoy Gio! Nakikinig ka ba?! Kanina pa kita tinatanong"
Napabaling kami ni Edellyn sa katabi naming table dahil sumigaw yung babae.
Nang tingnan ko ay sila yung mga nag-uusap kanina at yung babaeng sumigaw ay yung blondy ang buhok.
Sinigawan niya si Gio, yung lalaki kanina na nagka-tinginan kami kasi tinatanong ito pero mukhang hindi naman nakikinig. Maiingay na din sa paligid pero nangibabaw talaga yung lakas ng boses nung babae'ng nagtatanong kaya pati ang ibang eatudyante ay napabaling din dito pero hindi naman nila pinansin.
"Naks pare, saan ba kasi tingin mo at mukhang ang layo?"
Natawang asar sa kanya nung morenong lalaki sa harap niya kaya binatukan niya ito.
"Wala"
Maikling sagot naman ni Gio na parang naaasar sa kanya kaya mas lalong napahalakhak yung morenong lalaki pati na din yung iba pang kasamahan niya.
"Pare sa tabi nitong table natin siya nakatingin"
Ngisi at mahinang sabi nung lalaking maputi pero naririnig parin ang sinasabi niya kaya mas lalo silang nagsitawanan. Inalis ko na yung tingin ko sa kanila at ipinagpatuloy ko na ang aking kinakain samantalang si Edellyn ay nakatingin pa din doon.
"Sha, feeling ko sayo nakatingin si Gio kanina"
Mahinang sabi sa akin ni Edellyn at kinalabit pa ako kaya tiningnan ko naman siya na nakakunot ang aking noo. Pinandilatan niya ako ng kanyang mata at sumensyas at tumingin ako sa katabi naming table kaya tumingin din ako. Nagtatawanan naman sila at mukhang nag-aasaran pa. Hindi naman nakatingin yung Gio sa akin kaya ibinalik ko ulit ang aking tingin kay Edellyn.
"Hindi naman eh"
Mahinang sabi ko sa kanya.
"Ah basta, kanina yun. Nakita ko pa nga eh"
Irap na sabi niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya dahil baka nagkataon lang na tumingin ito sa gawi ko katulad kanina pero parang nahihiya tuloy ako. Hindi ko na ito pinansin at inubos ko na lang ang aking kinakain.
"I ask you Gio if Jervey texted or chat with you before he went in bar?"
Rinig ko ulit na tanong ng isang babae hindi na ako sa kanila bumaling ng tingin ulit dahil tapos na din si Edellyn sa kanyang kinakain.
" Nope. I didn't receive any texted from him" Rinig ko ulit na sagot ng isang lalaki parang si Gio yun.
"So, bukod kay Wilson wala na talagang iba na nakausap si JV bago siya pumunta doon? Paanon yan guys? Hindi parin siya nagigising ano na ang gagawin natin?"
Nag-aalalang boses nung babae kanina.
Hindi na ulit ako nakinig sa usapan nila dahil tumayo na si Edellyn kaya sumunod naman ako sa kanya.
"Nakakawa naman talaga si Jervey, hindi pa rin siya nagigising"
Biglang sabi ni Edellyn habang naglalakad kami kaya napakunot noo ko sa kanya dahil yun din ang pinag-uusapan ng mga eatudyante sa tabi ng aming table.
"Sino ba yun?"
Curious na tanong ko din sa kanya. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.
"Parang yun din kasi ang pinag-uusapan sa tabi ng ating table" Dagdag na sabi ko ulit sa kanya kaya tumango naman siya sa akin.
"Oo, yun kasi ang mga barkada ni Jervey. Dito rin yun nag-aaral. Famous nga yun dito kaso bad boy at bihira lang pumasok sa klase. Ang sabi na comatose daw dahil sa aksidente"
Paliwanag niya sa akin kaya biglang sumagi sa isipin ko yung pasyente din ni mama pero hindi naman siguro yun.
Yun pala ang pinag-uusapan nila si Jervey. Napatango na lang ako kay Edellyn dahil nakakaawa nga lalo na't eatudyante pala yun dito. Siguro kung kilala ko din yun ay maawa din ako ngayon nga na hindi ko pa naman yun nakikita ay nakakaawa naman ang kalagayan nito.
"Tara na nga, huwag na nating isipin yun. Hindi mo pa naman kilala yun dahil kakalipat mo pa lang dito"
Natatawang sabi niya sa akin. Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya papunta sa room namin.
Pagkarating namin doon ay maiingay pa ang mga kaklase ko dahil wala pa siguro yung next subject teacher namin. Papasok na sana ako sa loob ng biglang humarang sa akin yung tatlong lalaki kaya napatingin din ako sa kanila.
"Hi, I'm Drick"
Sabi nung lalaki na nasa gitna at naglahad pa siya sa akin ng kamay. Tiningnan ko yun hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Pero nakakahiya naman kaya tinggap ko na lang ito at tipid akong ngumiti sa kanya kaya naman ay napangisi din ito sa akin ganun na din ang mga kasamahan niya na ngumiti din sa akin.
Tatanggalin ko na sana ang kamay ko pero hindi pa rin ni Drick binibitawan kaya medyo napangiwi ako.
"I'm Shantal"
Pakilala ko din sa kanya.
"Yeah, I already know you"
Sagot nito sa akin at binitawan na din ang kamay ko pero halos matalisod ako dahil hinila ako ni Edellyn.
"Hoy! Kayo. Huwag niyo ngang pagtripan si Shantal kaka-transfer niya lang dito tapos ginaganyan niyo na agad siya" Sabi niya at itinuro pa yung tatlo.
"Nagpapakilala lang naman kami sa kanya, hindi naman namin siya pinagtritripan"
Sagot nung isang lalaki na kasama ni Drick. Hindi siya sinagot ni Edellyn sa halip ay inirapan lang siya nito.
"At ikaw naman!"
Sabi pa ni Edellyn at itinuturo din si Drick kaya naman tinaasan siya nito ng kilay.
"Kung makikipag-kamay ka huwag mo masyadong higpitan dahil kitang-kita ko na hindi mo kaagad binibitawan kamay ni Shantal"
"Relax Miss, parang ang sama ko naman yata sa paningin mo pati kay Shantal parang sinisiraan mo na din ako"
Natatawang sabi niya kaya Edellyn kaya mas lalong nainis sa kanya si Edellyn.
Pagsasalitaan niya pa sana ito nang ako na din ang humala sa kanya para maupo na kami at huwag na itong pansinin. Buti na lang ay nahila ko din siya pero ang sama pa rin ng tingin niya doon sa tatlo.
Pagkaupo namin ay malakas siyang napabuntong hininga. Ngitian ko na lang siya at sinabihan na ayos lang ako. Nakita ko rin yung iba kong kaklase na nakatingin sa akin, yung iba ay ngitian din ako pero yung iba ay tumingin lang sa akin. Yumuko na lang ako dahil nahihiya ako sa kanila lalo na sa nangyari kanina baka kung ano ang isipin nila.
Tumingin ako sa gawi nila Drick na nasa bandang likod. Nagulat ako dahil nakatingin din pala ito sa akin, nang makita niyang lumingon ako sa kanila ay ngumiti siya akin at ngumisi. Yumuko na lang ako at ibinalik ko na din yung tingin ko sa harapan dahil pumasok na yung next subject namin.
Nakita ko din si Edellyn na sinundan ako kung saan ako nakatingin kanina kaya pinandilatan niya ako ng kanyang mata na huwag daw ako kila Drick tumingin kaya napatawa ako sa kanya.