Chapter VIII

2205 Words
Nanlaki ang mga mata at nalaglag ang panga ni Marco nang makita niya ang isang taong kakakita niya lang sa telebisyon. Replay kasi ng isang interview ni Eric kanina sa isang news channel at hindi makapaniwala ang binatang kapatid ni Marie na nasa bahay nila ang isa sa pinaka pinag-uusapan ngayon at pinakamayamang bachelor sa buong bansa. “A-ate? Si-siya 'yong nasa TV 'di ba? Ayan, oh!” nauutal na tanong ni Marco sabay turo sa TV. Papapalit-palit din niyang ibinaling ang mga mata kay Eric at sa TV para siguraduhing hindi siya namamalik mata. Kinurot pa niya ang sarili at tinapik-tapik ang mga mukha. “Oo. Siya nga ‘yan,” sagot ni Marie sa kapatid. “Hindi ba kamukha? Pati damit, oh. Kaya iligpit mo na 'yang mga kalat mo diyan at nakakahiya sa bisita natin,” utos ng dalaga sa kapatid na agad agad namang sinunod nito habang nakapako pa rin ang mga mata kay Eric. Bumungo pa ang kanang tuhod nito sa maliit na lamesang nasa harap ng telebisyon at halos magtalsikan ang mga nasa ibabaw noon. “Hi. Nice to meet you. I'm Eric,” magalang at nakangiting pakilala ni Eric kay Marco. “Ha-hi. I'm Marco. Finance student sa P.U.P. Ahm... Here, take a sit po,” pakilala ni Marco sabay ayos ng upuan na inialok kay Eric na pinaunlakan naman ng binata. “Ahm... bakit po kayo nandito?” biglang tanong ni Marco na hindi na napigilan ang pagtataka kung bakit nasa bahay nila ang sikat na binata. “Pumasok ka na sa kwarto at mag-uusap kami,” biglang singit ni Marie para putulin ang pagtatanong ng kapatid. Nang biglang may isang boses pa mula 2nd floor ang narinig nila na sinasabayan ng malalakas na yabag ng paa na tila tumatakbo. Hindi napigilan ni Eric ang mapatingala habang tumatakbo papunta sa hagdan ang nasa itaas. Umuuga kasi ang sahig sa bigat ng mga yabag. “Ano ba, Mark?! Pwede bang magdahan-dahan ka?!” pasigaw at madiin na saway ni Marie sa isang pang kapatid. “Ate! Sino 'yan? Bagong boyfriend mo?” nakangiting bungad nito nang makasilip mula sa hagdan at makita si Eric. “Ang gwapo, ah!” “Che! Tumigil ka! Bagong boyfriend ka d’yan?!” nakataas kilay na sabi ni Marie sa nang-aasar na kapatid. “Tutal andito na kayong dalawa ipapakilala ko na kayo kay Eric. Lumapit kayo dito,” sabi ng dalaga sabay senyas sa mga kapatid na lumapit sa kanya. “Eric. Ito nga pala ang mga kapatid ko. Si Marco ang sumunod sa akin at ito namang makulit na ito ay si Mark. May isa pa kaming kapatid kung natatandaan mo pa. Si Matthew na naka-confine sa ospital,” pakilala ni Marie sa mga kapatid niya. “Hi guys. Ako si Eric,” pakilala ng binata pagkatapos tumayo sa kinauupuan. “Nice meeting you all. Ako 'yung– “Wag mong sabihing ikaw 'yong…,” sabat ni Marco na muling lumaki ang mga mata sa pagkagulat. “Salamat sa Diyos at hindi pala nasisiraan ang ate namin,” nakangiti namang sabi ni Mark na may bahid din ng pagkagulat ang mukha. Natawa ng bahagya si Eric sa reksyon ng dalawa. Natutuwa siya dahil kahit mukhang makukulit at maloloko ang mga kapatid ni Marie ay makikita sa kanila ang pag-aalala at pagmamahal sa kanilang nakatatangdang kapatid. “Oo. Ako 'yong taong nakasama ni Ate ninyo sa isla,” sagot ni Eric sa dalawa na naging dahilan ng pagtalon-talon ng mga ito na tila nanalo sa lotto. “Hoy, kayong dalawa. Mahiya nga kayo!” naiinis nang saway ni Marie. Subalit lalong nang-asar ang dalawa na napalitan pa ng tawanan. Maging si Eric ay hindi na napigilan ang tawa. Nakaramdam naman ng hiya si Marie dahil sa ginagawa ng mga kapatid kaya naman tinignan niya ang dalawa ng matalim para sawayin. Ngunit sadyang makulit ang dalawa at hindi makuha sa tingin. “O, siya. Pakiusap. Kung manggugulo lang kayo umakyat na kayo. Alam ko rin na hindi kayo mauubusan ng tanong kaya aawatin ko na kayo,” muling sabi ni Marie sa mga kapatid na may halong gigil. “Saglit lang ate,” pahabol ni Marco na tila marami pang itatanong kay Eric. “Alam ko na ang mga tanong mo Marco. Sasagutin ko 'yan lahat pagkatapos namin mag-usap. So, pwede iwan n'yo muna kami? Okay?” taas kilay at may pagbabanta na sa boses ni Marie. Naramdaman iyon ng dalawa sa wakas at ayaw nilang makita ang hagupit ng inis ni Marie kaya naman minabuti na ng dalawa na tumigil sa pang-aalaska. “Okay, ate,” sabi ni Mark habang pinipigilan ang ngiti na agad namang tinabig ni Marco bilang pagsaway. “Salamat Sir Eric sa pag-aalaga sa ate ko doon sa isla. Salamat dahil hindi mo siya pinabayaan. Diyan na muna po kayo,” sabi naman ni Marco sabay hila kay Mark na parang wala naman talagang balak umalis habang ibinubulong kung gaano kayamaman si Eric. Pinagmasdan muna ni Marie ang mga kapatid na pumasok sa kani-kanilang mga kwarto bago niya sinimulang ang usapan nila ni Eric. “Pasensya ka na sa mga kapatid ko. Makukulit talaga 'yong mga 'yon,” paumanhin ni Marie. “Wala 'yon ang cute n'yo ngang tignan,” nakangiting sagot ni Eric. “Uhm...,” pasubali ni Eric, sabay ngiti at tingin kay Marie.  “Ah, first, I want to use this opportunity to personally thank you.” “Thank you saan?” nakangiting tanong ni Marie. “If you didn't save me back then, wala siguro ako ngayon dito,” nakangiti ring sagot ni Eric. “Wala 'yon. I did what I could. Thank you din kasi hindi mo ako pinabayaan doon kahit na napaka-arogante mo n'ong una. Nasapak tuloy kita,” bahagyang natatawang sabi ni Marie. Natawa rin si Eric sa narinig ngunit pinigilan niya ang sarili. Naalala niya kung gaano kalakas ang suntok ni Marie noong araw na 'yon na ininda niya kahit doon sa isla. “And sorry for causing trouble and anxiety to you,” paghingi ni Eric ng paumanhin sabay yuko ng ulo. “Hindi ko ginusto ‘yong nangyari kanina.” Ramdam ni Marie ang pagiging tapat ni Eric sa paghingi ng tawad. Pero naglalaro pa rin sa isipan niya ang tanong kung ano ba talaga ang nangyari noong nawalan siyang malay. Na bakit tila may nagbura ng mga records tungkol sa nasabing aksidente at bakit tila iba ang impormasyong alam ng mga taong nakapaligid sa kanila. Gusto niyang malaman kung bakit kailangan pang gawin iyon ng mga nagligtas sa kanila. Nag-aalangan si Marie na tanungin ang binata. Pero alam niya na alam ni Eric ang sagot sa mga tanong niya. “Okay lang ‘yon, Eric. I understand,” sabi ni Marie. “Pero gusto ko pa ring malaman kung paanong naging ganoon na lang ang lahat pagkagising ko. Bakit kailangang baguhin ang records? Bakit kailangang ibahin ang totoo?” “Siyempre sasabihin ko sa’yo kung ano ang nangyari. Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit ako pumunta rito. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari sa ngayon,” sagot naman ni Eric na umayos ng upo bago simulan ang kwento. “Actually, my mom was the one behind it.” “Ha?” bahagyang nagulat si Marie sa narinig. “She doesn't want the public to know na naglayas ako at muntik ng mamatay sa isang plane crash. Ang totoo, they said that everyone in that plane crash died,” sagot ni Eric. “Ha? Eh paano ako? Hindi ako patay,” madiing sagot ni Marie. "My mom paid the airline. Pinabura n'ya ang pangalan ko sa list ng passengers and yours to avoid interviews. Pati 'yong ospital binayaran. 'Di ka ba nagtaka na kahit ikaw at ako lang ang survivors ng plane crash ay wala man lang nag-interview sa atin? Or wala man lang lumabas na articles about sa 'kin related to the plane crash?” sagot ni Eric. Napaiisip si Marie. Tama si Eric. Kung mayroong isang malaking aksidente kagaya noon at may mga nakaligtas, ay imposible na hindi ito pagkaguluhan ng media. Pero sa kaso nila ay wala ni isa ang nagtangkang mag-interview sa kanila. “Did your employer call you already?” sunod na tanong ni Eric. “Nope. Bakit?” may pagtatakang sagot ni Marie. “Nagpadala lang siya ng flowers doon sa ospital at sulat na nagsasabing I can go back to work kung kailan kaya ko na,” dugtong ng dalaga. “Your boss, my mom paid him, too. To shut his mouth na pinadala ka n'ya sa Taiwan and you were in the plane crash. At na dapat ka niyang tanggapin uli sa trabaho para hindi ka gumawa ng ingay at hindi magkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan pa ang aksidente,” sabi ni Eric. Hindi masyadong maintindihan ni Marie ang sinasabi ng binata. Naiintindihan niya ang bawat salita pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangang gawin iyon ng ina ni Eric. Hindi siya makapaniwala na ganito kalakas ang kapangyarihan ng pamilya ng binata. At hindi niya maunawaan kung bakit handang gumastos ng malaki ang nanay ni Eric para pagtakpan ang ganoong klase ng trahedya. “Pero bakit? Para saan? Bakit hindi na lang ako ang binayaran to shut my mouth? I mean, hello ako 'yung survivor. Kapag sinabi ko na nakasama ako sa flight na 'yon at nakasama kita, mas kapani-paniwala 'yon di ba?” sunod-sunod na tanong ng dalaga. “No.” mabilis na sagot ni Eric. “Sa dami ng mga taong binyaran ni mommy para dito. Kahit pumunta ka ngayon sa radio station, pulis o kahit saan ka magsumbong, they will only think that you're insane. Dahil walang papanig sa'yo. Malamang na naisip ni mommy na kung ikaw ang babayaran niya, eventually magbabago ang isip mo at baka bigla mo na lang ipagkalat na naroon ka sa flight na ‘yon. Napatingin si Marie kay Eric at napahinga ng malalim. Hindi niya akalaing ganoon talaga katuso ang mayayaman sa totoong buhay. “So, that’s how money works?” tanong ni Marie na may pagka-inis. “Yes, money can do anything. And that's why my mom wants to protect it.  She did all of that para malinis kong mamana ang kumpanya at mapangalagaan ang mga ari-arian na mayroon kami ngayon,” sagot ni Eric. “Lahat ng ito ay para sa pera at kapangyarihan.” Napayuko si Marie at napahimas ng dalawa niyang sentido. Sumakit ang ulo niya dahil hindi niya akalain na ganito pala talaga gumalaw  at mag-isip ang mga mayayaman. Lalo na kapag pera at ari-arian na ang pinag-uusapan. Handa silang bayaran ang lahat maprotektahan lang ang kayamanan at kapangyarihan nila. “I'm sorry,” muling paumanhin ni Eric. “I’m sorry on my mom’s behalf.” Hindi sumagot si Marie sa huling sinabi ng binata pero nararamdaman niya ang pagiging sinsero nito. “That's what happened. Actually, sinabihan pa ako ng mommy ko na dapat kalimutan na rin kita. Na isipin ko na hindi talaga tayo nagkita. Na hindi na dapat kita hanapin at kausapin pa dahil wala ka namang magandang maidudulot sa akin,” sabi ni Eric. “Pero how can I do that to the person na nagligtas ng buhay ko?” “The real reason kaya hindi kita pinansin kanina nung tinawag mo 'ko is dahil akala ko makakalimutan din kita. Yes, I tried. Akala ko kaya kong baliwalain ka. Pero 'di ko maitago sa sarili ko na napakasaya ko no'ng nakita kita kanina,” nahihiyang dugtong ni Eric na nakatingin na lamang sa sahig. Hindi nakasagot si Marie sa mga sinabing iyon ni Eric. Hindi rin niya alam ang susunod na sasabihin sa binata. Tila paulit-ulit niyang narinig ang huling linyang binitiwan ni Eric. Nakatulala lang siya sa binata at hindi niya maintindihan ang naramdaman nang marinig ang mga sinabi nito. “And one more thing,” dugtong ni Eric. “You didn't only save my life, you saved me as a whole. I was already planning to die that time. You know it. But I chose to live because I met you. You gave me hope to continue. And I can't just forget that. I tried pero tuwing matutulog ako, tuwing kakain ako, naaalala kita. Ang totoo, akala ko hindi na ko makakaramdam ng ganito after what I experienced from my last relationship. Pero mukhang nagkamali ako,” sabi ng binata sabay tingin sa dalaga. “A-anong sinasabi mo?” tanong ni Marie, na sa 'di maipaliwanang na dahilan ay lumakas ang t***k ng puso dahil sa mga sinabi ni Eric. Hindi rin niya namalayan na nagkulay kamatis na ang kanyang mukha. “I can't get you out of my head. The reason kaya kita sinundan hanggang dito sa inyo ay hindi para magpaliwanag lang. Sinundan kita dito sa inyo kasi gusto kitang makita at makausap. I hope you can give me a chance to see you again. I mean, let’s date,” sabi ni Eric habang nakatingin sa mga mata ni Marie. “Ha? Ano... Eric?” tanong ni Marie na hindi alam ang sasabihin at patuloy ang malakas na pagkabog ng dibdib. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD