“Anong nangyayari sa’yo? Bakit hindi ka mapakali? Kanina ka pa pabalik-balik sa harap ng salamin,” naiiritang tanong ni Jigs kay Eric. “Huwag mong sabihing kinakabahan ka?” “Hindi ko nga rin alam kung bakit. Pero kinakabahan talaga ako,” seryosong sagot ni Eric na muling humarap sa salamin para siguraduhing maayos ang buhok. Isang oras na lang kasi at magsisimula na ang kasalang pinakahihintay ng lahat. At sabik na sabik na si Eric na makita si Marie na naglalakad papunta sa kanya para patibayin pa ang kanilang pag-iibigan. Pero nangangamba pa rin siya. Bigla kasi siyang nagduda kung talagang karapat-dapat siya sa napakayumi at napakabuting kasintahan. “Kung ang iniisip mo po ay ‘yong sinabi mo kahapon, ay huwag n’yo na pong isipin ‘yon,” sabi ni Marco na naka-upo at naghihintay na lang

