CHAPTER III

1634 Words
Mainit na sikat ng araw at isang hampas ng alon sa mukha ang gumising kay Marie. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at ang malinaw at asul na langit ang una niyang nakita. Dahan-dahan niyang pinilit na umupo. Napatigil siya dahil agad siyang nakaramdam ng p*******t ng buong katawan at ulo. Tumingin siya sa paligid. Napapaligiran siya ng dagat at pinong buhangin. At sa bandang likuran niya ay isang malawak na kakahuyan. “Nasaan ako? Ito na ba ang paraiso? Bakit puro dagat at buhangin?” sabi niya habang dahan-dahang tumatayo at inililibot ang paningin sa paligid. Lalong sumakit ang ulo niya nang simulang maglakad. Hinilot niya ang magkabilang sentido habang naglalakad papalayo sa dagat. Biglang pumasok muli sa isipan niya ang mga nangyari. Na nasa eroplano siya papuntang Taiwan at nang biglang itong bumagsak. Pero hindi na niya maalala ang nangyari pagkatapos ng mga sigawan at pagsabog bago tuluyang nawalan ng malay.  Kinurot niya ang sarili. Umaasa siyang panaginip lang ang lahat ng ito at magigising din siya. Pero hindi siya nananaginip. Ito ang reyalidad. Kinapa-kapa niya ang katawan kung meron siyang sugat o nawawalang parte. Parang nabunutan siya ng tinik ng malaamang buo siya at walang masyadong galos maliban sa basang damit. Napaluhod si Marie at tumulo ang kanyang mga luha. Nagpasalamat siya sa Diyos dahil buhay siya at halos walang galos. Tumingin siya sa dagat at tinanaw kung saan niya tingin bumagsak ang eroplano. Pero wala siyang makita ni isang bakas nito sa dagat. Maaaring swerteng naanod lang siya sa isla. Napa-upo siyang muli at napaluha. Naisip niya ang mga sakay ng eroplano, lalo na ‘yong batang tinulungan nila kanina. Pero hindi lang ‘yon ang problema, hindi rin niya alam kung anong gagawin at kung paano makakauwi. Tumayo siyang muli at tumingin sa paligid. Umaasa siyang may iba pang kagaya niya na nakaligtas. At sa 'di kalayuan ay may napansin siyang lumulutang- lutang. Alam niyang katawan ng tao ang nakita pero nag-aalangan siyang lapitan ito. Natatakot kasi siya dahil maaring malamig na bangkay na lang 'yon. Natatakot siyang makakita ng patay. “Pero paano kung buhay ang taong 'yon?” biglang tanong niya sa sarili. “Hindi. Kailangan kong tignan kung patay o buhay ang taong 'yon. Pwedeng nakaligtas din siyang kagaya ko,” sabi niyang muli sa sarili. Kaya naman pinuntahan ni Marie ang palutang-lutang na katawan. At laking gulat niya nang makita kung sino 'yon.  Ang taong palutang- lutang ay si Eric. Ang lalaking nakaaway niya sa airport at katabi sa eroplano. Dahan-dahan niyang hinila ang lalaki sa may pangpang. Pinulsuhan niya ito agad at nabuhayan siya ng maramdamang may pulso pa ang lalaki. Agad siyang nagsagawa ng CPR pero hindi nagre-react ang katawan ni Eric. Inulit ni Marie ang ginawa kanina pero wala talaga. “Oi! Gumising ka naman! Please! Ayaw kong mag-isa dito sa isla!” sabi ni Marie habang hinahampas ang katawan ni Eric at umiiyak. Maya-maya ay biglang umubo ang binata at unti-unting lumabas sa bibig niya ang tubig na nainom. “Eric?” sabi ni Marie. ''Wag mo kong iyakan. Ugh! Hindi pa ko patay,” mahinang sagot ni Eric na panay ang ubo. “Hello? Sinong umiiyak?” sabi ni Marie habang patagong nagpupunas ng luha.  “Naiinis nga ako dahil sa dami ng tao doon sa eroplano ikaw pa ang makakasama ko dito,” dugtong ng dalaga sabay irap sa binata. “Whatever, miss,” sagot ni Eric habang dahan-dahan na umuupo. “Marie. Call me Marie. Mr. Arrogant,” pakilala ni Marie sabay abot sa kamay ni Eric para tulungan itong umupo. “It's Eric. Narinig mo naman at binanggit mo na kanina. Not Mr. Arrogant,” sagot ni Eric na inabot ang kamay ni Marie. Natawa si Marie ng bahagya pero hindi niya iyon ipinahalata sa binata.. Oo, medyo naiinis pa rin siya kay Eric pero masaya siya dahil meron siyang makakasama sa isla at masaya siya dahil ligtas din ito. Humiga si Marie sa buhangin at tumingin sa langit at napabuntong hininga ng malakas. Hindi niya kasi alam kung anong gagawin para makauwi at hindi rin siya sigurado kung ligtas ba siya na kasama si Eric. “Hay, ano ng gagawin natin?” tanong ni Marie na muling napabuntong hininga. “Survive,” maikling sagot ni Eric. “Pero sa ngayon, patuyuin muna natin 'tong mga damit natin habang maaraw pa. Kung hindi, magkakasakit tayo at mas malaking problema 'yon,” dugtong ni Eric na sinisimulan ng hubarin ang mga damit niya. “Wait! Don't tell me paghuhubarin mo ko?” biglang bangon ni Marie. “AYY! At bakit naka brief ka na lang?!” sigaw ni Marie habang tinatakpan ng mga kamay ang mga mata na may siwang naman sa pagitan ng mga daliri. Kitang-kita ng dalaga ang makisig na pangagatawan ng binata. “Wala kang pake. Kailangan kong patuyuin 'yung damit ko. Sorry,” sagot ni Eric. “I'm not going to undress lalo na sa harap mo!” sigaw uli ni Marie na nakatitig sa katawan ng binata. “Bahala ka d'yan. You have your underwear, right? Pwedeng hindi mo 'yan hubarin,” sagot ni Eric na tamayo na at inilatag ang damit at pantalon sa isang malapad na bato. “Okay. Mag-eexplore ako doon sa loob ng isla. I'll try to look for food and water habang maaga pa. Isa pa, baka may mga tao dito na makatulong sa atin. Dry your clothes hindi ako titingin,” sabi ni Eric sabay sipat kung saan papasok sa kakahuyan. “Paano naman ako makakasigurado? Na hindi ka titingin? I can't trust you,” sagot ni Marie. “Hindi kita type!” malamig at matigas na sagot ng binata. “Kahit maghubad ka d'yan wala akong mararamdaman. So, bahala ka kung magpapatuyo ka ng damit o magkakasakit ka,” dugtong ni Eric na labis na kinainis ni Marie. Sa tingin niya walang karapatan si Eric na sabihan siyang hindi siya type nito. Siya yata ang Ms. Campus ng school nila mula highschool hanggang college. “Sige! 'Wag kang titingin ha?! Kala mo kagwapuhan! Siguro lalake ang gusto mo!” sigaw ni Marie sa papalayo ng si Eric. “Don't challenge me! Baka magsisi ka! Magpatuyo ka na lang d'yan!” pasigaw na sagot ni Eric. “Hmp! Magsisi mukha mo! Arogante. Kala mo pogi. Pero infairness ang ganda ng abs niya,” sabi ni Marie sa sarili habang nakatingin kay Eric na papasok na sa kakahuyan. Ang totoo, sa paningin ni Marie ay gwapo si Eric. Mayroon itong mapang-akit na mga mata at matangos na ilong. Idagdag mo pa ang pagiging maputi nito at matangkad. Bonus pa ang malapad nitong balikat at hubog na abs. Pinasok ni Eric ang kakahuyan ng isla. Medyo masukal ito pero sagana ito sa mga puno na may mga prutas kagaya ng saging, mangga at niyog. Hindi lang siya sigurado pero maaaring nasa Pilipinas pa rin sila. Mabuti na lang at may alam siyang kaunting survival skills. Dahil din siguro sa pagiging adventurous niya at pagsi-seminar tungkol sa kalikasana at camping. Gumawa siya ng isang sibat mula sa isang sanga ng kahoy at nag-ipon ng malalaking dahon. Kumuha din siya ng mga baging na gagamitin niyang panali. Sa ‘di kalayuan ay may nakita siyang maliit na ilog na nakakonekta sa dagat. Sakto at may mga isdang nabubuhay dito at mapagkukunan ito ng tubig. Dinala muna ni Eric ang kahoy at dahon na nakolekta niya sa labas ng kakahuyan pero sa lugar na hindi niya nakikita si Marie. Ayaw kasi niyang isipin ng dalaga na sinisilipan niya ito. Pero nagulat siya ng makita ang dalaga na papalapit sa kanya at wala na ang pang-ibabaw na mga damit. “Oh, ba't naglalakad ka ng nakaganyan lang? Akala ko ba you'll not undress in front of me?” nang-aasar na tanong ni Eric. “Che! Ayaw ko lang magkasakit 'no?” pagalit na sagot ng dalaga na halos maging kulay kamatis ang mukha. “You don't look so bad,” mapang-asar na komento ni Eric. Habang nakatingin sa dalaga. “Ooops! 'Wag mo kong titigan! Huwag! Sabi na eh! Magnanasa ka rin sa 'kin eh!” sigaw ni Marie sabay takip ng mga kamay sa katawan. “Not even in my dreams! Makasigaw kala mo virgin,” sagot ni Eric na ibinaling na ang atensyon sa ginagawa. “Excuse me! Virgin pa po ako ‘no?!” inis nanamang sabi ni Marie na ngayon ay nakapamewang na. “Kaya siguro binato mo ko ng pera sa airport kasi akala mo lahat ng babae na makakasalubong mo ay hindi na virgin at mabibili, ano?!” “Bakit hindi ba?” nagbago ang tono at mood ni Eric. “Hindi ba pera lang ang gusto ninyong mga babae? Shopping, salon, jewelries, bags, shoes. Pera ang nagpapaandar sa mga utak ninyo! 'Pag wala nang perang maibigay ‘yung asawa, boyfriend, or whatever, hahanap naman kayo ng ibang source!” “Sinong may sabi sa 'yo?! Paano mo nasa–” “Dahil ‘yon ang nakita ‘ko! At ‘yon ang naranasan ko!” pagalit na singit ni Eric na hindi na pinatapos pa si Marie sa sasabihin nito. “Dahil lahat ng babaeng nakilala ko, pera lang ang gusto! Tapos mang-iiwan 'pag di mo binigay ang gusto nila!” may gigil na dugtong ng binata. Nabigla si Marie sa reaksyon ni Eric. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagalit ang binata. Naisip niyang maaaring may pinagdadaanan ito. Mukha itong galit pero mas nababakas niya sa mga mata nito ang lungkot kesa sa galit. At hindi niya maintindihan kung bakit parang nakadama siya ng awa para sa binata. Hindi na sumagot pa si Marie matapos noon. Bumalik siya sa dalampasigan at umupo na lang sa buhanginan. Muling inisip kung bakit biglang nagkaganoon ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD