Ellah
"Juskong bata ka! Sa'n ka na naman nag sususuot ha? At bakit basa ka?" Nag-aalalang tanong sakin ni mommy pagkatapos kong umuwi ng basa galing sa ulanan.
"Where did you go? I told you to wait for me! Tsk! Hard headed brat!" Sabat naman nitong si kuya. Ayos na sana yung hard headed e. Pero yung brat?
"Tss! I heard that!" Bulyaw ko sa kaniya habang nag pupunas ng twalya sa katawan.
"And about that, kasalanan ko bang nainip ako? Psh. Ang tagal mo kaya!" Angal ko pa rito.
"Tsk! What if pinag tripan ka ng mga tambay d'yan? 'Yang katigasan ng ulo mo talaga ang magpapahamak sayo! God! Ellah,bat ang abnormal mo?"
G na G kuya? Kala mo siya yung pag t-tripan e!
"Edi bugbugin mo sila pag pinag tripan ako! As simple as that! Simple-simple, ginagawa mong komplikado!" Bulyaw ko rito pabalik. Kala mo ikaw lang a!
"Bangag ka ba?" Tanong nito sa akin.
"Hey, that's enough!" Awat saamin ni mommy.
"Jao, sa kusina. Help me to prepare our dinner. And you, " turo sa akin ni mom.
"Go to your room. Change your clothes immediately." malumanay ngunit maotoridad na utos nito.
"Whatever!" Walang nagawang sagot ni kuya.
"K, mom." Sabi ko rito at dali-daling umakyat sa room to change my clothes.
---
Kasalukuyan akong naka upo sa dulo ng kama ko habang nag papatuyo ako ng buhok ko nang biglang maalala ko yung lumang libro na naiwan ng matanda sa likod ng school.
FLASHBACK :
"Little brat! Hey,wait me here, ha? Don't you ever try to escape, sandali lang ako.
Puntahan ko lang sandali yung mga kaibigan ko." Paalam sa akin ni kuya.
Psh..anong tingin niya sa'kin? Stupid little kid?
"Dalian mo ah?" Paalala ko rito bago siya sumuong dala ang payong dahil makulimlim at mukhang uulan.
After 36 minutes-
"Asan naba yung balahurang 'yon?! Malapit ng umulan o? Kung bakit ba naman kasi dinala-dala n'ya pa yung payong e!"
Shit! Mukhang isang pitik nalang uulan na ah!
Should I follow him na ba?
"Yes, you should! Stupid gorgeous b***h! Pag hindi mo siya sinundo, baka mabasa ka ng ulan dito!" Parang tangang pag kausap ko sa sarili ko.
At dahil nga dakilang pasensyosa ang ate mong maganda, umalis ako. Haha. Tagal kasi n'ya at gusto ko ring tignan kung anong nangyari at natagalan siya. Nagpaalam ako kay kuya guard para makapasok sa loob. Sabi ko susunduin ko lang si kuya. Pumayag naman siya kaya tumakbo nako papasok.
Nak nang! San nga ba dito Building nila kuya? Jusme...
Nag lalakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa likod ng school. Dito sa bandang mapuno.
"May gubat pala dito?" Wala sa sarili kong tanong.
Sumisipol sipol pa ako ng biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan.
'My God!'
Buti may shed dito na may upuan! Whooo! Mukha 'kong basang sisiw! Nag simula nakong i-secure yung mga gamit ko kung may basa ba o hindi ng biglang...
"Ineng,anong ginagawa mo rito? Kaunting saglit na lamang at mag gagabi na,umuulan pa." May nag salita sa likod ko. Pag lingon ko ay nakita ko ang isang matandang babae na naka suot ng itim na cloak.
'Weird.' Sabi ng utak ko.
Tanging tango lamang ang isinagot ko rito.
"Siya nga pala't ano ang iyong ginagawa rito? Delikado dahil baka mamaya'y may bigla nalang sumulpot na mabangis na hayop dito." Sabi nito habang may mapag-larong ngisi ang labi nito.
"I'm just searching for my brother.I didn't intend to go here. I'm just waiting for the rain to stop so i can go home." I said using my cold voice.
It's not that i'm being rude, okay? I just really don't trust people easily. And plus the fact that i feel something negative towards her.
Hays. I said it awhile ago, I'm not rude! Malakas lang pakiramdam ko.
"Lola,saan po ba kayo gali---" Hindi na natuloy yung itatanong ko ng pag lingon ko ay wala na siya at isang luma at maalikabok na libro nalang ang naiwan sa kinauupuan niya kanina. Nang kunin ko ito ay pakiramdam ko'y may gumapang na electricity sa sistema ko.
Tok*Tok*Tok*
Nabalik ako sa katinuan ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Dali-dali kong itinago ang libro sa ilalim ng unan ko para walang makakita. Pag bukas ko ng pinto ay agad na sumalubong saakin ang disgusting face ng kuya kong balahura.
"God! I've been knocking on your door mula pa kanina!" Bulyaw na naman nito sa akin.
"Aray! Di mo kaylangan sumigaw okay? Hindi naman ako bingi!" Bulyaw ko rin dito.
Kala niya a!
"Ang panget mo talaga!"
Aba!
"Okay lang 'yan! Wala ka namang kwenta!" Bigla naman itong napikon kaya naman piningot niya ako.
"Aba'y marunong kanang sumagot a? Gamitin mo kaya yang bunganga mo sa eskwelahan, hindi dito ka nag hahasik ng kababalaghan!" sabi nito sabay bitaw sa tenga ko.
Aba'y sa ganda kong ito? Naghahasik ng kababalaghan?!
Pinaglololoko mo ba 'ko?
Suntukan nalang oh?
Pero dahil ako si Ellah Dennise Grimme ay hindi ako nag patalo.
"Kuya, are you nuts? Edi pag sinagot ko yung mga Personels, teachers and staffs edi na Guidance naman ako?Buti sana pag tinuro kita ay aamin ka? E, bahag buntot mo!" Muli na naman sana nitong hahawakan ang kaliwa kong tenga at kumaripas ng takbo pababa ng hagdan habang sumisigaw.
"Mommy! Daddy! Ate! Kuya! Bunso!" Pasigaw kong tawag pero naharang ako ni kuya kaya muli niya akong napingot.
'Aray nakakarami na 'to ah!'
"You're so stupid as hell, brat! Tinatawag mo si dad? E alam mong nasa office pa siya! Ate? Baka! (Idiot) You don't have one! Kuya? E ako nga yung humahabol sayo?! And Last Bunso? f**k! 'Di naman ako na inform na lumala na talaga yang sayad mo! Ikaw yung bunso!"
"Ay oo nga noh?" Manghang-mangha kong pakikiayon dito.
"E ano ba! Aray! My precious ears! Bakit mo ba ako pinipingot ingit kaba sa bagong bili kong hikaw ah?! Sana sinabi mo,ready naman akong pahiramin ka!" Bulyaw ko sa kan'ya.
"Ang G*go,ayaw pang lumadlad!" Hirit ko pa rito.
Muli niya sanang pipingutin ang tenga ko ng marinig namin ang boses ni mom.
"Jao! Ellah! Para kayong mga bata,umayos nga kayo!" Sermon nito habang nag hahain ng mga pagkain sa mesa.
Ay sakto!
"Ay, Mother Rainbow! Andiyan kana pala! Mabuti't tapos kana. Kausapin mo nga iyang anak mo at pakiusapan mong mag ladlad na nang sa gayo'y hindi niya na kaylangang magpanggap! Pakisabi ho na ready tayong tanggapin kung sino man siya, kung tao ba siya o i c-classify siya bilang sirena o ihahanay siya sa mga shokoy! At para hindi naman niya sabihing kinakawawa natin ang beauty niya kung meron man ay ready akong maging sponsor ng mga make-ups at damit kung saka-sakaling lalandi kamo siya!" Mahaba-habang litanya ko with matching kumpas kumpas pa ng kamay sa hangin.
"f**k! What did you say?" Walang emosyong tanong nito sa akin.
Oh no!
"Hindi kuya, sabi ko samahan moko mag shopping bukas, bibilhan kita ng bagong sneakers!" Bigla naman ito ngumiti ng pag laki-laki pag katapos ay yumakap sa akin.
"Ay wehh? You're the best baby sister na talaga!" sabi nito habang nakayakap sa'kin.
Sabi na nga ba! Ang kapal talaga ng mukha noh? Nang uto pa, wala akong piso!
Lol, sinong niloko ko? May pambiling sneakers pero walang piso? Sinong maniniwala?
"Hay nako kayo talagang dalawa! Siya, mag hapunan na kayo!" Sabi ni mom kaya agad naming nilantakan yung pagkain na niluto ni mom.