BUMABA ang tingin ni Gunter sa hawak kong box. "We need to find the usb dated yesterday." Tumango ako at nagtulong kaming isa-isa at tingnan ang mga date na nakasulat sa usb. Pero naubos na namin lahat 'yon wala yung hinahanap namin. "Ma'am! Sir!" Nagkatinginan kami ni Gunter saka napalingon kay Elsa na natatarantang nakasilip doon sa pintuan. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "M-May paparating po! Si Mr. Ang!" "Who's that?" Baling sa akin ni Gunter. "Ang owner nitong building," sagot ko saka naglakad papunta sa pintuan. Pero pinigilan ako ni Gunter sa braso. "Where do you think your going?" "What?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako natatakot humarap sa kahit na sino. Lalo na mali ang ginagawa ng management nila!" "Trespassing tong ginawa natin. Pwede tayong idem

