SUMULYAP si Gunter sa babaeng kadarating lang bago bumalik ang tingin sa akin. "She's not my girlfriend. Kung 'yon ang iniisip mo." Napatanga ako sa kaniya. What the f**k! Harap-harapan talaga? Wala naman akong sinasabi, ah?! Kitang-kita ko na parang na-tense yung babaeng kasama niya. Medyo lumuwag yung pagkakayakap niya sa braso ni Gunter pero hindi niya totally binitiwan. Tumingin siya sa akin at pasimpleng pinasadahan ako ng tingin. Gusto kong taasan siya ng kilay, pinigilan ko lang. "W-Who is she?" Imbes na sagutin ang babae, bumaba ang tingin ni Gunter kay Laura. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anak mo ba yang batang yan?" Bakit gusto niyang malaman? Pasimple akong huminga ng malalim. "No. Anak siya ng friend ko." "Tinang!" Hinila ni Laura ang damit ko. Lumingon ako at

