NAG-INIT bigla ang ulo ko. Bibitiw sana ako sa pagkakayakap kay Gunter kaso kaagad niya akong hinila pabalik. "Oh, ano na namang problema?" Kunot noong tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo alam?" "Hindi. Kaya nga kita tinatanong,” sagot niyang pinihit ako paharap saka pinaunan sa braso niya. "We talked about this, Mavis. If we want this relationship to work out, we need to communicate with each other. “Hindi natin mareresolve ang misunderstanding between us kung ang una mong gagawin ay magalit at talikuran ako." Bakit parang tunog sermon ata 'yong pagkakasabi niya sa akin? Well, may katotohanan ang sinabi niya. Communication is really the key, lalo na nagsisimula pa lang kami. And of course kasama na yung patience. Pero ewan ko ba! Noon nga walang kasiguraduhan sa r

