"WHAT do you think?" Tanong ni Gunter na nakatayo sa tabi ko. Hinimas ko ang babà ko ang habang iniikot ang tingin sa sasakyan na pinapakita sa amin ng agent na nakilala namin online. Nandito kami ngayon sa garage ng mga secondhand cars. Since, ang tour na sasamahan namin ay magkakatabing cities lang rin ang destination— we've decided na bumili na lang ng van para hindi hassle na humanap motel or hotel na pwede namin pag-stay-an every stop. "Hindi kaya tayo mahihirapan i-customize 'to?" Nilingon ko si Gunter. Lumapit siya sa van na nakabukas ang likod at sinilip ang loob saka binalingan yung seller. "May talyer naman kayo rito, di ba?" Tumango yung lalaki. "Yes, sir! May dagdag bayad lang po para services na balak niyo ipagawa." Bumalik ang tingin sa akin ni Gunter. "Kunin na natin

