NAKASUNOD pa rin ang kotse ni Gunter pagpasok ng taxing sinasakyan ni Tita Maricar sa isang decent subdivision. Hindi 'yon tulad ng tinitirhan namin na exclusive at makakapasok through the approval of the owner— kaya walang kahirap-hirap na nilampasan namin ang guard house. Alam kong marami silang properties. Pero sa ganitong lugar? Lumingon ako sa labas ng bintana at nakita ang tabi-tabing townhouses. Ang ilan sa mga bahay ay halatang luma at hindi inaalagaan. May mga bakanteng lote rin. Hindi ko alam kung under developed ba ang lugar na 'to or malapit na abandonahin. Imposibleng bumili ang mga Villamin ng property dito. "Who are we following to?" Nagtatakang tanong ni Gunter. "Si Tita Maricar." Sumulyap siya sa akin, nagtataka ang anyo. Bago binalik ang tingin sa pagmamaneho.

