“Better offer? At ano naman ‘yon?” Hindi nawawala ang curiosity na tanong ko. Itinukod ni Gunter ang siko sa sandalan ng sofa at sumalumbaba habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “I have a newly built club. Hindi pa nag-o-operate pero papatapos na ang construction.” Kumunot ang noo ko. Pumihit na rin ako ng upo paharap sa kaniya. “Gusto mong doon ako mag-invest kaysa sa club mo na madalas kong puntahan?” “Yes.” Tumango siya. “That way, pwede mong ilagay ang ideas or input mo sa club. Open naman ako sa mga suggestion.” Napatitig ako sa kaniya, napapaisip. Magandang offer ‘yon honestly. Ngayon pa lang may mga naiisip na akong ideas. Ang problema nga lang, ibig sabihin ninyo ay mas magiging madalas na ang communication at pag-uusap namin. At hindi ‘yon magandang idea! Pero sayang

