NAPADPAD kami ni Gunter sa Pizza Hut na bukas 24 hours. Nagyaya siyang kumain since, lunch time pa raw ang huling nila ng banda dahil naging busy sila sa pag-pa-practice para sa gig. Sakto naman nagugutom na rin ako. Hindi kasi ako nakakain ng maayos sa restaurant. Sino ba naman kasi gaganahan kumain, kung alam mong may ibang agenda ang dinner na 'yon? At 'di nga ako nagkamali. Napapailing na ininom ko ang coke na sinalin ko sa basong may yelo. "Is everything okay?" Nilingon ko si Gunter na nakaupo sa tabi ko. I forced a smile at him. Gutom talaga siya ang dami niyang in-order eh! Bukod sa pizza, may chicken wings at pasta pa. Sabagay, mahigit kalahating oras rin siyang tumugtog ng drums sa bar kanina. Daig pa nga niya ang nag-work sa sobrang pawisan. "Nothing." Tugon ko saka

