HINATID na ng waiter yung mga pagkaing in-order ni Charles. Hinayaan ko na lang siya pumili dahil hindi ako makapag-concentrate ng maayos. Paano naman kasi ten minutes lang ang ibinigay na palugit sa akin ni Gunter bago simulan ang meeting namin. I know, this is all my fault! Bakit naman kasi nakalimutan ko ang appoinment namin ngayon. Bakit naman kasi wala rin siyang consideration! Bakit hindi na lang bukas? Ang lakas niyang mang-pressure! Hindi ko tuloy alam paano magpapaalam kay Charles. Nakakahiya, dahil na-late na nga ako ng dating tapos aalis pa ako kaagad. Pero hindi ko naman gustong mawala yung business deal. Sayang. Bukod sa malaki ang potential ng club na 'yon, almost a year din akong naghintay na makilala ang owner na walang iba kundi si Gunter pala! Kung alam ko lang! S

