Chapter 2

2766 Words
Ramdam ko ang awkwardness at tension habang nandidito kami sa dining at nag-di-dinner. Tahimik lang si Mommy sa tabi ko pero makikita sa mukha niyang galit talaga siya. Well, who would not? Kung nag-uwi ba naman ang asawa mo ng anak niya sa kabit. Sa harapan ko pangiti-ngiti si Alexandra. Yes, that was her name. Mukha naman siyang mabait. But you know… sometimes looks can be deceiving. Marami ako kakilalang mukhang angel, pero devil in disguise pala. Si Daddy naman panay salita, like nothing happened. Na parang hindi siya nag-uwi ng anak sa labas, dito sa mismong pamamahay ng legal niyang pamilya. Everyone sees and picture us a happy and perfect family. Lahat ng taong kakilala ko— naiingit sa akin. Parehong businessman ang parents ko. Palaging nagdodonate sa charity si Daddy. Si Mommy naman sumasama sa mga movements. And both of them, palaging kinukuhang speaker sa mga talks— on how to have a successful marriage. But behind closed doors. Malayo sa ipinapakita ng mga parents ko kung sino at ano talaga sila. My Dad having a lot of marital affairs while my Mom was always on her medication that made her almost lost her mind, yelling and breaking things everyday. Noon, nalulungkot at nasasaktan pa ako sa set up namin sa bahay. I even cried and questioned myself, bakit pa kaya ako nabuhay sa mundo? Where all I’ve felt and see was cruelty. Hanggang nasanay na lang ako habang tumatagal. I slowly felt numb of everything. Kaso, sa pag-uuwi ni Daddy ng anak niya sa labas— I felt a sharp pain in my chest again that I don’t wanna feel anymore… Tao pa rin pala ako, ‘no? Hindi pa rin nawawala ng lubusan ‘yong emosyon ko. “Gene.” I looked up as I heard my Dad calling me. “Yes, Daddy?” “I want you and Alex to get along. Gusto kong turuan mo siya ng mga dapat niyang malaman.” I nodded even if I wanted to refuse. “Yes, Dad.” “Bago lang siya rito sa Manila. Tour her around if you have time. And I want you to help her enroll where you’re studying.” Humigpit ang hawak ko sa utensils. “What would I tell if someone ask me who is she?” He shrugged. “Tell them she’s your cousin.” Sumulyap ako kay Alex at nakitang napayuko siya sa plato niya. Hindi ako dapat maawa dahil isa lang ang Nanay niya sa maraming babae na pera ang habol kay Daddy at gustong sirain ang pamilya namin. But I can’t help to feel bad for her. Hindi naman niya rin kasi piniling ipanganak sa maling mga magulang. I nodded again. “Okay. I’ll bring her with me on monday.” “Good,” patango-tangong sagot ni Daddy. “Really, Ramon?” Hindi na napigilang sumabat ni Mommy, naniningkit ang mga matang tumingin siya kay Daddy. “Inuwi mo na nga ‘yang anak mo sa kabit mo sa mismong mapapamahay natin! Ngayon, pag-aaralin mo pa kung saan nag-aaral si Genesis! My ghad!” Histeral na sigaw niya. “Hindi ka na ba nahiya sa ginagawa mo sa akin!” I bit my lower lip. I could clearly hear the pain in her voice. “Hiya? Do you even know what’s that word means, Constancia?” Hindi nagpatalo si Daddy at nagtaas na rin ng boses. “Sa tuwing uuwi ako rito, wala kang ibang ginawa kundi bungangaan ako! Nakakasawa na ang ganyang ugali mo!” “And why do you think I’m nagging you?! It’s because of your affairs! Sa harapan ko mismo!” “Shut up!” Napapitlag ako sa malakas na sigaw ni Daddy. Pumikit ako, mahigpit na nakakuyom ang mga kamay sa kandungan ko. Memories of my childhood, flash into my mind. Ang araw-araw nilang pag-aaway. Ang mga nababasag na gamit. Ang masasakit na salitaan sa isa’t isa. It’s been a decade… but nothing has changed between them. “Kaya ako ganito dahil rin sa kagagawan mo! Wala kang ibang nakikita kundi ang mali ko!” “Huwag mong i-justify ang pagiging babaero at childish mo! Ever since, we got married ganyan ka na!” Palitan lang sila ng malalakas na sigawan at masasakit na salita. I took a deep breathe and stood up. I was walking away when they both called me. “Genesis! Where do you think you’re going! Hindi pa tayo tapos kumain!” I looked over my shoulder, staring to them with empty eyes. “I’m full of those words you spit on each other.” Hindi ko na sila narinig na nagsalita kaya lumabas na ako ng dining area. Umakyat ako sa second floor. As soon as I went inside my room, I threw myself on the bed. I buried my face on the pillow and screamed as loud as I could. “FUCKKKK!” Kinuyom ko ang mga kamay ko at pinagsusuntok ang kama. I was trembling with so much anger! Why does it always have to be like this? Minsan na lang kami magkakasama, pero pag-aaway pa ang bubungad sa akin? They didn’t even ask me… if Im okay, how’s my life going… how I do I feel… Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ayoko na umiyak. Dahil alam ko, kahit gaano karaming luha ang ilabas ko— walang magbabago. Sunod-sunod akong huminga ng malalim bago bumangon at naglakad papunta sa walk in closet. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin. Kumalat na ang mascara sa mata ko kaya kumuha ako ng tissue para punasan ‘yon. Then I re-applied my make up. Kinapalan ko ang lipstick at blush on ko. Dinampot ko ang shoulder bag sa kama saka lumabas ng kwarto. Natigilan ako nang makitang nakatayo roon si Alex. Nahihiyang ngumiti siya sa akin. “Why?” I asked her coldly. “Uh, sabi ni Papa… dito raw muna ako sa kwarto mo matulog. Hindi pa kasi natatapos ayusin yung magiging kwarto ko.” I smiled bitterly. Wala naman akong karapatan na tumanggi. “Go ahead.” Kibit balikat ko. “Sorry…” “Don’t be. Hindi mo naman ginusto na mapunta sa ganyang sitwasyon. I’m sure naiipit ka lang rin sa mga parents mo.” Tulad ko. Alex looked down, fidgeting her fingers. “Sumama lang naman ako rito kasi… kasi…” nabasag ang boses niya. “W-Wala na si Mamang… si Papa na lang ang pamilyang meron ako…” Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o kinukuha lang ang simpatya ko. But regardless na may katotohanan ‘yon— kawawa naman pala siya para isipin na pamilya niya si Daddy. All my life, hindi ko naramdaman na nandiyan si Daddy para sa akin. Palagi siyang wala. Kapag nasa bahay naman, ang mga mali ko lang ang nakikita niya. That’s why I grew up, scared of making mistakes and faking my real self for everyone to like me. Bumalik ang tingin sa akin ni Alex. “Hindi ko gustong sirain ang pamilya niyo, Ate Gene…” Umiling ako saka tumalikod. “Don’t worry. You can’t break what’s already broken.” Bago naglakad na ‘ko pababa ng hagdanan. Pagdating ko sa salas sinalubong ako ni Mommy. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako sa tagong hallway papunta sa library. She looked so stress out. Kitang-kita ang pagpapanic sa mukha at boses niya. “My god! Genesis! Papayag ka na lang bang dito titira ang anak ng kabit na ‘yon!” “Mom…” I sighed. “Calm down…” “Calm down? How could I!” Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko, nakasabunot sa buhok niya. “Hinahayaan ko ang Daddy mo sa mga affair niya as long as hindi lalabas ang mga ginagawa niyang ‘yon! Pero ngayong dinala niya ang babaeng ‘yan dito, malaking kakahiyan sa atin!” Hinawakan ko sa braso si Mommy at pinaharap sa akin. Natigilan ako ng bigla siyang malakas na humagulhol. “Is this my fault, G-Gene? Am I not enough? Am I a monster?” “No, Mommy..” I shooked my head and wiping the tears streaming down her cheeks. “You are more than enough.” Yumakap siya sa akin ng mahigpit pero wala pa rin akong naramdaman na kahit ano. I just feel empty. “Mangako ka sa akin.” Mayamaya ay sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Hindi mo hahayaang mapunta sa babaeng ‘yon ang pinaghirapan namin ng Daddy mo!” “Mom… she lost her mother. I don’t think my oras pa siya para isipin—“ “Just promise!” Giit niya. “Ikakamatay ko kapag napunta sa babaeng ‘yan ang mga pinaghirapan ko! Promise me! Gene!” Huminga ako ng malalim. “Okay… I promise. Will you calm down now?” Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko at kumalma. “Gawin mo ang lahat, Genesis. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa babaeng ‘yan! Lahat sila pare-parehas. Mga mukhang pera!” “I know, Mom. Pero kumalma ka na. I already promised you, right?” Tumango siya. “I trust you, Anak.” Pinilit kong ngumiti. “Anyway, I need to go. Take care of yourself, Mom. Don’t forget your medicine.” “Yes, anak. Next you’ll visit bring Lester, okay?” Napilitan na lang akong tumango at sumang-ayon bago magpaalam na aalis. Hindi na ako nagsabi kay Daddy. I just texted him. Ayoko muna siyang kausapin. Hindi naman lihim sa akin ang mga affair niya. But since, hindi ako nagsasalita akala niya ay okay lang sa akin ang lahat. Napapailing na binuksan ko ang stereo pagsakay ko sa kotse at nagdrive palabas ng garahe. It’s already past 11PM, kaya wala na masyadong sasakyan sa kalsada. Huminto sa gilid nang matanaw ko ‘yong batang lansangan na naglalako ng sigarilyo. “How much?” I asked him. “Limang piso only!” Pinakita niya ang limang daliri. “Give one packed.” Inabot ko sa kaniya ang one thousand peso bill. Nang susuklian niya ako sumenyas ako. “Keep the change.” Nilakasan ko ang stereo at binuksan ang mga bintana habang nag-da-drive sa kahabaan ng highway. Humithit ako sa sigarilyong hawak ko at binuga ‘yon sa labas ng bintana. I learned how to smoke way back highschool. Tinuruan ako ng isa sa mga naging boyfriends ko. Hindi naman ako talaga smoker. I do sometimes kapag stress. Pero mas gusto ang uminom ng alak para makalimot. Pumarada ako sa parking lot ng daanan kong bar. Bumaba ako sa kotse. Sumandal ako roon at inubos muna ang sigarilyo ko bago naglakad papunta sa entrance. Pansin ko kaagad na napapalingon sa akin ‘yong mga nakakasalubong ko. I stared straight, ignoring them. This is not my typical go to place— i was most of the time at a high end and famous club around BGC and Morato. Kaso kung doon ako pupunta, siguradong may makakakilala sa akin. Wala ako sa mood makipag-socialize at makipagplastikan. Umupo ako sa bar counter. Kaagad na lumapit yung bartender sa akin at nagtanong kung anong iinumin ko. I ordered any drink with high alcohol content and he gave me rum. Inisang lagok ko lang ‘yon isang shot glass. Sunod-sunod akong um-order ng alcohol. I just wanted to get drunk. Wala akong pakialam kung gaano na karami ang nainom ko. Naramdaman ko lang na medyo nahihilo na ako— pagtayo para mag-CR. Nawalan ako ng balanse. Pero may umalalay sa akin kaya hindi ako bumulagta na lang sa akin. “Okay ka lang?” Tanong ng lalaking may malalim at malamig na boses. Hinawakan pa niya ang beywang ko. “Okay?” Tumawa ako na parang naloloka. Dinaig ko pa si Violet at Friday sa laki ng bibig ko. But I dont f*****g care! Just tonight… I want to be free, happy and be me! Right! “Do you think I’m allowed to feel— not okay? Hindi! Kasi tingin nila hindi valid yung nararamdaman ko! Tingin nila wala akong pakiramdam! Get off me!!” Tinulak ko siya palayo sa akin. “Woah!” Gulat na itinaas niya ang dalawang kamay. “I’m just passing by and saw you almost fell on the floor. So, I thought you might need some help.” Kahit nahihilo na ako napansin ko pa rin na matangkad siya. He was wearing a black cap so I cant clearly see his face. And also black rin ang over all outfit niya. “Help?! Ako nga lagi ang tinatakbuhan nila kapag may problema sila! So, no! I don’t your help, asshole!” Inirapan ko siya sabay talikod. Naglakad ako papunta sa restroom. Pagdating sa hallway, kumapit ako sa hallway. Umiikot ang paningin ko. But I liked this feeling. Parang lumalakas ang loob ko. Parang kahit ano pwede kong gawin. Like I can punch… or maybe kiss a hot guy? Natawa ako. Well, why not? Pumasok na ako sa restroom. Sinipa ko ‘yong pintuan ng cubicle. Pakanta/kanta pa akong pumasok ko roo . Nakapikit na itinaas ko ang dress ko saka sumalampak ng upo sa bowl. Hindi pa ako nagtatagal doon nang biglang bumukas ang pinto. Napadilat tuloy ako. “What the f**k!” Tili ko pagkakita sa lalaking naka-itim na outfit. Nagulat rin siya. “What the hell are you doing here?” Naniningkit ang matang ibinaba ko ang dress ko saka itinaas ang underwear. “What do you think, huh? Are you stupid? Malamang umiihi!” Napapailing sabay tinuro ang mukha ko. “You’re the stupid one. This is men’s restroom.” “What?” Sumungaw ako at nakita nga ang mga lalaking nakatalikod sa akin umiihi sa urinal. Pero imbes na mapahiya. Malakas akong tumawa. Tinampal ko pa ang noo ko. “I didn’t know! What can I do? I’m drunk!” Lumabas na ako ng cubicle at nilampasan ‘yong lalaki. Patawa-tawa pa ako habang naiisip yung itsura nung mga lalaki sa CR. Wala naman nakakatawa. “Are you alone?” Napalingon ako at nakita yung lalaking naka-cap na itim. Sinundan pala niya ako. “Why do you care?” Sumunod pa rin siya sa akin. He shrugged. “I’m alone too. You know? If you need company.” Nasa gilid kami ng dancefloor nang huminto ako at pumihit paharap sa kaniya. Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib ko. “What?” I looked up to him. “Are you looking for hook up?” Umangat ang sulok ng labi niya. I noticed the piercing on his lower lip. And I find it… sexy. “It depends.” Bumaba ang tingin sa katawan ko saka yumuko para magpantay ang mukha namin. “If someone caught my attention.” Naamoy ko ang pinagsamang mint at alak sa hininga niya. I took a step forward. “So… Did someone caught your attention tonight?” His jaw tightened. “Are you clean?” Hindi ako na-offend sa tanong niya. Instead kinuha ko ang cellphone sa purse ko at halos idikit ko ‘yon sa mukha niya para ipakita ang recent STD and medical test ko. “You?” Nakataas ang kilay na tanong ko. Kinuha niya rin ang cellphone. “This test was yesterday.” Umikot ang eyeballs ko. “I didn’t ask.” Saka tumingin sa screen. Hindi ko na mabasa lahat ‘yon dahil nagdodoble na ang tingin. Basta nakita ko negative, okay ‘yon. “So, do you have place?” “Nope. But I know a place.” “Good.” Tinalikuran ko siya at nauna na akong maglakad. Kaso nabunggo ako ng mga nagsasayaw sa dancefloor, kaya kaagad niya akong niyakap mula sa likuran hanggang sa makalabas kami ng bar. “Playing gentleman, huh?” “I’m not. And I’m far from it.” Sagot niya saka huminto sa big bike na kulay itim. “This is my ride. Ayos lang ba?” Napatitig ako roon saka tumango. It looks fun. “Yeah. But I don’t have helmet.” Nanlaki ang mata ko ng itapon niya ang helmet na itim sa basurahan saka sumakay sa big bike. “Come, hop in. Wala na rin akong helmet.” I laughed before I sat behind him, wrapping my arms around his waist. “Higpitan mo hawak.” “Why is that?” “Dahil baka mahulog ka walang sasalo sa ‘yo.” Damn! He’s straight forward as f**k. But I liked it… Hinigpitan ko ang yakap sa beywang niya. “Is this okay?” Lumingon siya sa akin at tumango bago pinaharurot ang motor sa kalsada...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD