MABILIS kong isinuksok sa purse ang ibinigay nung lalaki na dalawang pakete na nakabalot sa tissue saka parang walang nangyari na naglakad ako pabalik sa pwesto namin. Iniwan ni Gunter si Ken at Justine na nangungulit sa kaniya nang matanaw ako at lumapit. Hinawakan niya ako sa kamay ko. Lumingon pa siya. Nang makita yung mga kaibigan niya na papalapit sa amin, hinila niya ako patakbo. "Bounce na tayo. Tara. Ayaw ako tigilan ng mga ungas." Natatawang nagpatangaw ako sa kaniya. Nabangga pa kami ng mga nagsasayaw kasi sa gitna ng dancefloor kami dumaan. "Sorry!" I said laughing, making a peace sign when someone spilled his drink as I bumped into him. "f**k you!" Sigaw niya sabay dirty finger. Tumawa pa ako nang hilahin ni Gunter. Paglabas namin ng bar, sumakay kami kaagad sa big

