GWEN’S POV Para akong natutunaw sa mga salitang kanyang binibitawan. I can feel the sincerity in her eyes, ang kanyang mga mata ay nangungusap na para bang ipinapahayag sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko inaasahan na kayang magbitaw ng ganoong ka-corny na salita ang isang matikas na Dela Cuadra. Siguro, kung may makakarinig ng mga sinabi nito ay baka matawa ang mga ito dahil medyo corny naman talaga. Para kasing kinuha sa pelikula ang bawat katagang kanyang binitawan pero para sa akin ay ito na yata ang pinaka- nakakakilig na mga salitang narinig ko. Inaamin ko na, mahal ko siya pero kung sasaktan niya lang ako sa bandang huli ay mas maganda ng alam ko. “Walang ibang nakakapagpa-excite sa akin ngayon kung hindi ang makasama ka. Reading your stories and acting out some outr

