GWEN’S POV Ilang oras na simula nang makaalis si Professor Kian at ang kanyang ina na si Ma’am Catalina, halos kalahating oras na rin akong nakababad sa aking bathtub. Wala sa sarili at hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyari. Gosh, ano bang nangyayari sa iyo Gwyneth? Bakit ka nagpa-KFC? Pinakain mo pa ng poque.. Imbis na itulak ay mukhang nasarapan ka pa sa pagmukbang sa iyo? “My gosh!!! What on earth's going on with me? Nababaliw ka na ba, Gwen? Matalino ka naman pero bakit hindi ka nag-iisip? Paano mo naman siya haharapin bukas niyan? Gwapo nga pero may pagkamanyakis pa naman ang lalaking iyon,” inis sabi ko sa aking sarili. Binababad ko ang aking sarili sa malamig na tubig dahil maalala ko pa lang ang nangyari kanina ay parang sinisilaban sa init ang aking katawan.

