GWEN’S POV Sumabay sa amin si Ms. Evelyn kaya lang ay pagdating sa isang mall ay nagpababa na ito. Inihinto nito ang sasakyan sa isang restaurant. “Anong gagawin natin dito?” “Kakain,” inosenteng sagot nito habang tinatanggal ang kanyang seatbelt. “Jas, let me remind you. No one knows about us being husband and wife. Paano kung may isang estudyante riyan na makakilala sa iyo at sa akin, ano ang gagawin natin? Hindi natin pwedeng ipakita sa iba ang tungkol sa atin. It will ruin our reputations,” pagpapaalala ko sa kanya. Napabuntong hininga ito. “It’s our first month anniversary as a married couple, but we never tried to eat in a fine dining restaurant and have a date like a normal couple does. How long will we be like this? Bakit kailangan pa natin itago? Kaya ko naman isakrip

