GWEN’S POV Halos paliparin nito ang sasakyan sa bilis nitong magmaneho sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali itong makarating kami sa bahay nito. Naisip ko na lang na baka may importanteng bagay itong kailangang gawin. Dinala niya ako sa isang malaking bahay sa isang subdivision hindi kalayuan sa aming eskwelahan. “Sorry, I just bought this the other day, so I haven't had a chance to get it fixed yet. Hindi naman kita pwedeng dalhin sa condo ko dahil baka may makakilala sa iyo roon. Pero huwag kang mag- alala, pinalinisan ko na ito at lahat ng gamit dito ay bago lalong- lalo na sa master’s bedroom,” sabi nito nang makapasok kami sa loob ng bahay. Nauna itong umakyat sa itaas dala-dala ang aking mga gamit habang ako ay inililibot ng tingin ang kabuuan ng b

