GWEN'S POV Para akong nabingi sa kanyang tanong. Ang ngiti sa aking nga labi dahil sa kilig na hatid ni Professor ay napalitan ng Kaba at takot. Nabitawan ko pa ang hawak Kong bulaklak. "H-Ha?" "Nakita ko si Professor kagabi noong magka-video call tayo. Anong mayroon sa Inyo? Bakit magkasama kayo?" sunod-sunod na tanong ni Daniel sa akin. Natataranta akong napatingin sa aking paligid dahil baka may iba pang nakarinig ng kanyang sinabi. Wala na akong dapat pang ilihim sa kanya dahil nakita niya na ang lahat. "Dan, pwede ba kitang pagkatiwalaan?" agad akong lumapit sa kanya. "Please, huwag mong ipagsasabi ang nakita mo," pakiusap ko sa kanya. "May relasyon kayo ni Professor Kian?" tanong nito ulit. "Asawa ko si Professor," pag-amin ko. Napamaang ito at rila nagulat sa aking sina

