GWEN’S POV Himbing na himbing habang nakayapos pa sa akin na natutulog si Professor Kian. Parang isang panaginip lang ang lahat dahil sa bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap ay naisuko ko ang aking iniingat- ingatan at ang mas nakakapagpainit sa aking pisngi ay dahil sa para akong hayok sa laman na nakiusap pa sa kanya. Dahan-dahan kong inalis ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking baywang saka sinubukang bumaba ng kama. Napangiwi ako nang makaramdam ng kirot sa pagitan ng akin mga hita. Isinuot ko ang puting roba na aking suot kanina na ngayon ay nasa sahig at saka naglakad patungo ng banyo. Pag-ihi ko pa lang ay hapdi kaagad ang aking naramdaman mas lalo ko iyong naramdama nang dumampi pa lang malamig na tubig sa aking kaselanan pero unti-unti rin iyon napalitan ng ginhawa. Nagd

