GWEN’S POV Hindi ko nalamayan na nakatulog ako sa loob ng library. Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa aking balikat. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at tinanggal ang earbuds na nakalagay sa aking tainga. Nagulat ako ng makita si Professor Kian na nasa aking harapan at mas lalo akong nagulat ng mapansin ang madilim na paligid dahil kahit na nasa pinakasulok ako ng library ay makikita ko pa rin ang liwanag ng sinag ng araw sa labas. “Prof., anong oras na?” “6pm.” Napatingin ako sa aking cellphone na nakalagay sa bulsa ng aking palda. Nagbibiro ba ito? Imposibleng makatulog ako ng ganoon kahaba. Posible nga pala dahil napagod ako kagabi. Tama nga ang sinabi ni Professor dahil alas sais na ng gabi. “6pm?Tatlong oras din pala akong nakatulog, tara na, uwi na tayo,” yaya ko

