Karina's Pov: Nagising ako nang nakayakap at nakaunan sa braso ni Noah. Nang sulyapan ko ang orasan ay alas tres y medya na ng madaling araw. Sinulyapan ko ulit ang natutulog na si Noah. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko habang kayakap ko siya. Pakiramdam ko ay gumagaan ang aking pakiramdam sa yakap niya. Pati ang sakit ng aking ulo sanhi ng pagkahulog ko sa tubig ay parang tinutunaw ng kanyang yakap. Masyado akong natakot nang mahulog ako sa bangka. Pakiramdam ko iyon na ang aking katapusan. Nang lumubog ako sa ilalim ng tubig, pakiramdam ko ay pangalawang beses na akong nahulog. Habang nasa ilalim, ang nakikita ko sa ilalim ay may suot akong paningkaw sa aking katawan at pilit ko iyong tinatanggal. Ngunit kahit anong pilit kong tanggalin ay hindi iyon matangga

