Chapter 12

1622 Words

Isang nagbabagang balita, isa na namang babae ang natagpuang patay malapit sa isang lumang gusali kaninang madaling araw. Kinilala ang biktima na si Leah Panganiban, 19 na taong gulang. Ang biktima ay puno ng saksak ng matagpuan. "Bakit mo pinatay, Ma?" tanong ni Karina sa ina. "Kinikilabutan ako sa mga balita ngayon, ang dami nang namamatay na estudyante. Kaya ikaw ay lagi kang mag-iingat. Aba! sobrang delikado na ngayon. Huwag na huwag kang pagala-gala sa kalsada ng mag-isa, baka ikaw ay mapagtripan ng mga adik. Hindi natin alam kung kailan tayo mapapahamak kaya, ingat-ingat!" sermon ng kanyang ina sa kan'ya. "Opo, palagi ho, Mama," ngiting sagot ni Karina sabay yakap sa ina. "Oh, siya ika'y muna ay magpahinga doon sa kuwarto mo at baka mabinat ka kakagaling mo lang sa sakit, aba!" t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD