"I'm a slave for you... I cannot hold it, i cannot control it..." Mahina kong kanta habang sumasayaw sa harap ng salamin. Suot lamang ang manipis na puting blusa na may raffles sa magkabilang gilid ng aking braso at tanging puting panty lang sa pang ibaba. Habang nagsasayaw ay napatingin ako sa isang pigurin na palaka at naalala ang nangyari kagabi. Dahil sa kagustuhan kong mapatahimik si Noah kagabi ay tinalon ko siya na nagdulot ng kan'yang pagbagsak. Hindi sinasadya na napatagal ang aming titigan habang nakaupo ako sa kan'yang malaking umm...! Nang maramdaman ang tigas niyon ay napasigaw ako ng palaka sa kahihiyan. Kaya naman ng masulyapan ko ang palaka ay naaalala ko siya. Nakakahiya! Hindi ata ako makakaharap ng ayos nito kapag nagkita kami ulit. Ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw at

