Naglalaro sa may hardin ang siyam na taong gulang na si Lucas. Nagtulog-tulugan siya upang makatakas sa kan'yang yaya. Nang masiguradong tahimik na at tulog na ang lahat ay bumaba sa hardin ang batang si Lucas. Ewan ba niya kung bakit hindi siya makatulog kaya naman, nagpasya siyang maglaro sa may hardin dala ang kan'yang robot na laruan. Maya-maya pa ay may narinig na ugong mula sa isang sasakyan si Lucas. Alam niyang ang madrasta na niya iyon kaya naman dali-dali itong nagtago sa mayayabong na halaman habang nakasilip sa papasok na kotse. Nang makapagparada sa garahe ay nakita niya ang kan'yang madrasta na palinga-linga sa paligid bago mabilisang bumaba ng kotse. Dumeretso ito sa passenger seat upang siguro ay may gamit na ibababa ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ni Lucas ng ibab

