"Hindi ako ang may gawa sa 'yo n'on," sambit ko dahilan para mapakunot ang kaniyang noo. Sandaling natigilan sina Edward at Kyle na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Pinipilit kong idiretso ang aking salita ngunit labis na akong nilamon ng konsensya. Hindi ko na kaya ang lahat ng ito. Bakit ba kailangan kong magdusa sa kasalanang alam kong ginawa ko lamang para sa tama? Bakit ako ang kailangang maghirap nang ganito? "Ano ang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Kyle sa akin. "Teka, ano ang sinasabi mo, Coner? Barbara ang apelyido mo, hindi ba? At isa lang ang anak ng mag-asawang Barbara kaya ano 'yang mga pinagsasabi mo?" sunod-sunod na tanong ni Edward. Alam kong naguguluhan sila at alam kong mas maguguluhan pa sila kapag sinabi ko ang lahat-lahat — mas maguguluhan si

