CHAPTER 2 ⚠️WARNING⚠️

1671 Words
Nagpahatid lang ako kay Mr. Atty malapit sa apartment na inuupahan ko. "Ideretso ko na lang ang sasakyan, baka may masamang tao diyan sa daan."-sabi niya at hininto ang sasakyan sa may kanto. "Naku wag na po, malapit naman po ang tinutuluyan ko. Maraming salamat po ulit."-sabi ko at nagmadaling bumaba ng kotse, kumaway pa ko sa kanya bago ako tumalikod at naglakad pauwi sa tinutuluyan ko. "Hay naku, para siyang guardian Angel."-sabi ko habang nakangiti at tinitingnan ang calling card na binigay sakin ni Sheon. Nang makarating ako sa may gate ng inuupahan ko, nakita ko ang mga gamit ko na nasa labas ng gate. Agad ko itong pinulot. Bwesit talaga na matandang yun, hindi talaga mapakiusapan! Inayos ko naman ang mga ito, hindi man lang inayos ang mga gamit ko. Doon muna siguro ako kay maj makikituloy, kaso baka kasama niya ngayon ang boyfriend niya na master mind sa pagbebenta ng Drugs. Naku lagot na! Wala na yung mga drugs kasi tinapon na ni Sheon sa dagat. Huhuhu. Paktay, malamang pagbabayarin niya sakin lahat yun. Kailangan ko nang makaalis dito, at baka puntahan ako dito ni Balmond. Nakakatakot pa naman siya. Paalis na sana ako dala ang mga gamit ko ng may humintong kotse sa tapat ko. At bumaba mula rito si Sheon. Teka bakit siya bumalik dito? "Anong ginagawa mo rito?"-nagtatakang tanong ko. Tinaas niya naman ang bag ko sa may harapan ko. "Naiwan mo."-he said. Makakalimutin na talaga ako minsan. Inagaw ko ito sa kanya. "Pinalayas ka ba?"-tanong niya at napatingin sa mga gamit na dala-dala ko. Tumango lang ako. "Saan ka pupunta ngayon?"-he asked. "Maghahanap pa lang."-I said. Saan naman kaya ako makakahanap ng matutuluyan sa ganitong oras? "Sige alis na ko, salamat sa pagsauli ng bag ko."-sabi ko at inaklay ang mga bag ko. Ang bigat Pota! “Sumama kana sakin.”-sabi niya na kinalingon ko. Ano raw? Seryoso siya? "Para na rin mapag-usapan natin ang offer kong trabaho sayo."-sabi niya at sumakay na ito sa kotse niya. Talaga? Mukhang seryoso naman siya sa sinabi niya. Pero... ano ba! Wag na mag-inarte! Binuksan ko ang backseat ng kotse niya at sinakay ang mga gamit ko rito. After ko maisakay mga gamit ko, sumakay ako sa tabi ng driver seat. CONDO Manghang-mangha naman ako, simula pa nung pumasok kami sa building na ito hanggang sa makarating kami sa unit niya. Sobrang hirap na hirap ako sa mga gamit ko sa pagbubuhat, hindi man lang nagpapaka gentleman ang lalaking ito. Kaya ng makarating kami sa unit niya, naibagsak ko ang gamit ko sa sahig. Shuta napakabigat! Pero infairness ang ganda nitong unit niya, tapos malaki pa. “Ayun ang kwarto mo.”-sabi niya at tinuro ang pinto ng isang kwarto. "Bukas na lang tayo mag-usap about sa offer ko sayo."-sabi niya at dire-diretso ito papasok sa isang kwarto na katabi ng tinuturo niya na magiging kwarto ko. Bongga naman pala, ano kaya ibibigay niyang work sakin? Dahan-dahan ko naman binuksan ang kwarto na tutulugan ko. At pumasok rito, nasa may tabi ng pintuan lang ang switch ng ilaw kaya napailaw ko agad ito. Napatakbo naman ako sa kama at nahiga rito. Sobrang lambot, ngayon lang ako nakahiga sa ganitong kalambot na kama. Tapos di aircon pa. Sobrang bait naman pala ni Atty. Kahit hindi halata sa mukha niya, mukha kasi siyang babaero na gwapo. Gwapo naman siya, kaso para talaga siyang babaero. Napagdesisyonan ko naman maligo sa banyo ng kwartong ito, siyempre para akong timang na first time makapasok sa banyo ng isang Condo unit. After magpapresko, inayos ko ang mga gamit ko, kasi lukot-lukot na ang mga damit ko sa loob ng bag ko. Swerte naman pala yung pagpalayas sakin ng matandang yun, tsk. Bahala siya hindi ko siya babayaran sa utang ko na 3 months na renta. Kinabukasan. Maaga ako nagising, magluluto na rin siguro ako ng breakfast niya. Haysss sarap matulog sa malambot na kama. Hindi na sasakit ang likod ko dahil sa higaan ko. Pagpasok ko naman ng kitchen naabutan kong kumakain si Atty Sheon. "Gising kana pala, maupo ka at kumain."-pag aya pa niya at tinuro ang upuan sa harap niya. Kaya naupo naman ako “Kain kana. Hindi kita ginising, at alam ko pagod ka kagabi."-he added, habang kumakain ito. "Kung ganun, pwede na ba natin pag-usapan yung offer mo sakin?"-I said at naglagay ako ng pagkain sa plato ko at sumubo. "Work? Umh. Simple lang ang trabaho mo. Aalagaan mo lang ang mga pusa ko."-sabi niya. Ano? Yun lang? "May tatlo akong pusa sa unit na ito, kaso tulog pa sila sa kwarto ko."-he added, habang ngumunguya ito ng pagkain. "Yun lang, wala na bang iba?"-tanong ko, napaka simple naman ata ng trabaho na binibigay niya. "Meron pa, basta siguraduhin mo lang na palaging busog ang pusa ko. At wag hahayaan na makalabas ng unit ko. At tiyaka ang isang offer ko sayo is every weekend.."-he said at ngumisi. Every weekend? "Ano ba yun?"-tanong ko na parang naiinip. "Every weekend, you need to s*x with me"-diretsong sabi niya. *cough*cough* Nabulunan kasi ako dahil sa narinig ko. Teka, baka nabibingi lang ata ako. “Teka, p-paki ulit nga.”-sabi ko na medyo nauutal utal pa at uminom ako ng tubig dahil sa sobrang kaba. "Swx with me, every weekend. S. E. X."-sabi niya na diinian pa ito at in-spelling niya pa talaga. Seryoso ba siya? Baliw pala ang hinayupak na ito. "Hindi, hindi pwede. Ayoko."-sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo ko. "Mukha ba akong pokpom, para mag offer ka sa akin ng ganyan? Wag na lang, aalis na lang ako. Salamat na lang sa lahat."-matapang na saad ko at tumalikod. "Sige, okay lang. Ikaw na bahala humarap at magpaliwanag sa mga pulis at sa tatay mo na may sakit."-sabi niya mula sa likod. Sobrang kinakabahan ako, parang mas malala pa ito sa pagiging drug pusher eh. "Pag dito ka sakin nagtrabaho, mapoprotekhan pa kita mula sa mastermind niyo. I'll give you a time to think."-sabi niya at naglakad palabas ng Dining area. Napaupo naman ako sa kinauupuan ko kanina. At napahawak sa dibdib ko na sobrang kumakabog ngayon. Walang hiya pala ang lalaking yun, manyak pala! Pota! Nakakainis! Hindi ko alam na may pagnanaaa pala siya sakin. Walang modo! Sumasakit tuloy ang ulo ko ngayon. Huhuhu. After ko matulala ng ilang minuto, linigpit ko na ang pinagkainan ng manyak na yun. Hinugasan ko ang mga platong ginamit at pati yung mga kawali at iba na ginamit niya sa pagluluto. Aalis na lang ako dito, hindi safe ang Virginity ko dito. Pagkatapos ko sa kitchen nagtungo ako ng sala at may mga pusa na nakahiga sa sofa, at parang wala na yung amo nilang manyak. Papakainin ko muna ang mga pusa niya bago ako aalis dito. Tama. Yun na lang kabayaran ko sa pagpapatuloy niya sakin dito. Bumalik ako sa kusina para hanapin ang Cat foods. Hinalughog ko pa ang mga cabinet sa kitchen bago ko ito nahanap. Kaya bumalik ako ng sala dala ang cat foods pati ang lalagyan ng pagkain nila. "Miming.. come here."-tawag ko sa mga ito. Nagsitakbuhan naman sila papalapit sakin. Ang cute nilang tatlo, linapag ko sa sahig ang bowl nila at linagyan ito ng pagkain. At yun nga nagsikain na sila. Kung ito lang trabaho ko dito ang magpakain ng pusa tatanggapin ko, pero yung may kasamang s*x? Never! After ko mapakain ang mga pusa ni Atty manyak, inayos ko na mga gamit ko sa kwarto at nagbihis na rin para makaalis na ako dito. Tumunog naman ang phone ko. Kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag, at ang bunsong kapatid ko. Ano sasabihin ko? Wala pa akong pera. Sinagot ko naman ang tawag. "Hello ate, si tatay sinugod ulit namin sa hospital."-bungad na saad ng kapatid ko na si Peter. Kaya parang nataranta naman ako sa narinig ko. "T-teka, ano daw sabi ng doctor?"-tanong ko at ito nanaman ako sobrang kinakabahan. "Kailangan siyang ma operahan, Ate napakadami na nating utang. Mababayaran pa ba natin lahat yun?"-tanong ni Peter mula sa kabilang linya. Ayoko na e-stress si Peter lalo na ngayon na college na siya at consistent achievers sa School. "Peter, wag mo munang isipin yung utang natin. Kaya kong bayaran yun, basta bantayan mo muna si tatay ngayon. Si ate na ang bahala sa utang ah. Wag ka ma stress, ako ang bahala doon. Tapos galingan mo palagi sa School, kaya yun ni ate. Okay."-sabi ko at konti na lang maiiyak na ako sa kasinungalingan na pinagsasabi ko, sobrang mahal ko ang pamilya ko at ayoko na mawala ang isa man sa kanila. "Sige ate, tiyaka ate. Kailangan na pala yung tuition fee ko. Hindi kasi ako makaka-take ng final exam pag hindi pa ako nakapagbayad ng tuition fee ko."-sabi nito sa malungkot na boses mula a kabilang linya. Ayoko sa lahat ang na -stress ang kapatid ko, mahina kasi ang loob niya sa mga problema. Sobrang daldal niya at daig pa ang babae na parang tsismoso. Pero pagdating sa mga problema, sobrang hina niya. "Peter, wag mo na problemahin yun. Ako ng bahala sa lahat"-sabi ko kahit hindi ako sigurado kong makakahanap ba ako ng pera sa ngayon. "Salamat po ate. Wag ka magpupuyat sa trabaho mo ah. Ingat ka lagi."-sabi niya at binaba ko na ang tawag. Dati kasi akong call center agent, kung saan pwedeng makapagtrabaho kahit undergraduate lang. Pero nalugi ang kompanyang pinapasukan ko, nawalan ako ng trabaho at paraket-raket na lang minsan. At ayun, naipon ang utang namin kakapagamot kay tatay, hindi ako makauwi dahil wala naman akong pera na dala. Pero saan na nga ba ako maghahanap ng perang pambayad sa lahat ng utang ko? Hays... Binuksan ko naman ang sling bag para kunin ang liptint ko. Nang may nahulog mula sa bag ko, isa itong calling card. Calling card na binigay sakin ni Atty Manyak. "ATTY. Mark Sheon Fuentebella"-pagpagbasa rito. Kaya naman pala, sa pangalan pa lang na Mark, manyak at babaero na. Basta mga Mark mga manyak at babaero talaga mga yan eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD