CHAPTER 1 ⚠️WARNING⚠️

1612 Words
JEREMIAH'S P.O.V "Hoy Jema, akala mo ba matatakbuhan mo ko ngayon!"-sigaw sakin ng Landlady ng apartment na inuupahan ko. Hay naku, nagmamadali na nga ako sa paglakad nahuli pa rin ako ng matandang ito. Palabas kasi ako ng compound niya para maghanap nang raket ngayong araw. Hindi ko na matatakasan pa si tanda, kaya huminto na lang ako sa paglalakad at harapin ang panenermon niya. "Tatlong buwan ka nang hindi nagbabayad sa renta, asan na ang bayad mo?!"-galit na saad niya at linalahad ang kamay niya para hingiin ang bayad ko. "Manang Lourdes, diba ho nakiusap ako sa inyo na nextweek ako magbabayad."-sabi ko rito at napakamot pa ako sa batok, kasi hindi naman ako sigurado kung makakabayad ba talaga ako sa kanya nextweek. "Siguraduhin mo lang, dahil kapag hindi ka pa nakapagbayad sa susunod na linggo. Itatapon ko mga gamit mo sa labas. Tandaan mo yan!"-sabi niya at dinuro-duro pa ako. At umalis na. Tsk! Akala mo naman hindi babayaran eh. PARLOR Ito na nga ba ang sinasabi nilang kapit sa patalim? May pinag-aralan naman ako, pero hindi ako nakapagtapos dahil sa kakulangan sa pera at may sakit ang tatay ko kaya wala akong choice kundi ang magtrabaho at lumuwas dito sa maynila. ×××××××× Hininto na ni Balmond ang bulok na sasakyan niya sa tapat isang Bar. "Diyan mo ibebenta yang mga dala mo. 5k isang sachet jan. Ikaw Naldo, samahan mo si Jemah."-sabi ni Balmond na bagong jowa ni Maj. Nasa loob ng sling bag ko ang per sachet ng droga, wala akong magawa kundi ang pumayag. Ngayong gabi lang naman sa susunod hindi na. Pagpasok namin sa loob ng bar, medyo kinakabahan ako. Tama ba itong pinasok ko? Patawarin niyo sana ako tatay. Wala na kasing ibang paraan para makakuha ako ng pera pampagamot mo. Promise hindi na ito mauulit. "Ako ang maghahanap ng buyer, stand by ka lang dito"-sabi niya at tinuro ang upuan. Marami naman costumer dito, pero ang tanong bumubili ba sila ng drugs? Para namang mga disente silang tignan para bumili. Sa bagay puro daw kasi mayayaman na young student ang pumupunta dito. Naupo na lang ako sa may gilid, habang si Naldo nagdidiskarte. Nakakaba naman ang ganitong trabaho. Nakasuot ako ng face mask para kung sakaling magkahulihan daw hindi ako makikilala kung sakaling makakatakas ako. Kung alam ko lang na ganito ang tinutukoy ni Maj, hindi na sana ako sumama sa kanya. After 1 hour. "Halika na Jemah, kailangan na nating umalis"-sabi ni Naldo at hinila ang mga kamay ko palabas ng Bar. "Bilisan na natin"-sabi niya. Halos kaladkarin niya na ako. "Bakit anong nangyari?"-tanong ko. "May pulis sa loob ng bar, isa siya sa natanong ko kung bibili ba."-sabi niya. Oh my gosh!! "HOY! BUMALIK KAYO RITO!"-sigaw ng mga lalaki mula sa likod namin. Kaya nabitawan ni Naldo ang kamay ko at tumakbo siya ng mabilis. Huy! Putang ina, iniwan ako. Sa sobrang taranta ko, tumakbo na rin ako at pumasok sa isang maliit na eskinita na sobrang dilim. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Nagtago ako sa may sulok na sobrang bilis. Dahil nakasunod pala sa akin yung humahabol samin. "Hanapin niyo, nandiyan lang yun" "Pag nakita ko talaga ang mga yun, lulumpuhin ko sila" Rinig kong sabi nila. Jusko Lord, patawarin mo ko. Sana hindi nila ako mahuli. Halo-halong kaba ang naramdaman ko ngayong oras na ito. May nakita naman akong daga na gumagapang. Titili na sana ako ng may tumakip na kamay sa bibig ko, mula sa likod. Oh my gosh! Nahuli na nila ako. "Shhh, wag kang maingay. Mahuhuli ka nila."-pabulong na sabi niya sa may tenga ko. Maya-maya pa umalis na yung mga lalaking naghahabol sa akin. At binitawan na ako ng lalaking nasa likod ko. Hinarap ko naman siya. Hindi ko masyadong maaninag ang pagmumukha niya. "Sino ka? Bakit mo ko linigtas sa mga yun?"-tanong ko at medyo kinakabahan pa. "Sabihin na nating isa akong mabait na tao. Halika na."-sabi niya at hinawakan ang kamay ko paalis sa madilim na lugar na yun. Hinila niya ako kung saan, at huminto kami sa may tapat ng kotse at parang sa likod ito ng bar na pinasukan namin ni Naldo kanina. "Teka, sino ka ba talaga? Anong balak mo sa akin?"-kinakabahan na tanong ko. Nag smirk lang siya. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa tabi ng driver seat. "Kapag hindi ka sumakay, isusumbong kita sa mga pulis na naghahabol sayo kanina."-pananakot pa niya sa akin. Kaya agad akong sumakay sa kotse. Sinara niya ito at siya nagtungo sa kabilang side at sumakay na rin. Pinaandar niya na ang kotse paalis sa likod ng bar na yun. "Teka, ano ba talaga ang balak mo?"-kinakabahan na tanong ko. "Wag ka mag-alala, mabait ako. Pasalamat ka nga linigtas pa kita sa mga yun. Kasi kung hindi baka nasa kulungan kana."-sabi niya at ngumisi lang. "Anong pinagsasabi mo diyan, bakit naman nila ako ikukulong?"-pagkukunwari ko, nakita niya kaya or nalaman niya na drug pusher ako. "Wag ka nang magpanggap. Yung kasama mong lalaki kanina, isang wanted na drug pusher yun. Pasalamat ka at linigtas kita"-sabi niya. Tsk. Eh di salamat kung ganun. Hindi na lang ako umimik pa at hinayaan siya kung saan ako dadalhin. Hininto niya ang kotse sa isang bridge. "Bumaba ka."-utos niya, kaya bumaba naman ako. Teka ihuhulog niya ba ako dito? Oh no! Bumaba na rin siya mula sa kotse at lumapit sa may bridge. "Akin na yang bag mo."-sabi niya at tinuturo ang sling bag ko. "Ayoko nga, bakit anong gagawin mo?"-tanong ko at tinatago sa likod ko ang bag. Hindi pa nababawasan itong drugs. "Ibibigay mo ba or tatawag ako ng pulis"-pagbabanta pa nito at linabas ang phone niya kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at inabot sa kanya ang bag ko. Kinuha niya ito at binuksan. Napailing-iling naman siya ng ilabas niya yung nakasachet na drugs. "Anong gagawin mo diyan?"-nagtatakang tanong ko ng punitin niya ang mga supot nito. "Para hindi na mapakinabangan ng iba."-sabi niya at tinapon sa dagat ang mga ito. "Ang kapal ng mga mukha niyo, sa Bar ko pa talaga kayo nagbebenta ng ganito."-sabi niya at nanlilisik ang mata niya na nakatingin sa akin. Weh? Bar niya yun? "Talaga, sayo yun?"-tanong ko na parang hindi makapaniwala. Parang hindi nmn siyang mukhang owner, mukhang fuckboy kasi siya na madalas sa bar para mambabae. "Oo, sakin nga yon. Siyempre hindi ko hahayaan na makapasok ulit ang mga drug pusher sa Bar ko."-sabi niya at sobrang seryoso. Bigla niya naman hinila ang garter ng facemask ko kaya nahubad ito. Sandali naman siyang hindi nakaimik at nakatingin sa mukha kong medyo painosente pa, at baka maawa siya ng tuluyan sa akin. "Mukha ka namang inosente. Ano bang dahilan mo at kailangan niyo magbenta ng ganyan?"-he said direct in my eyes. Napayuko naman ako, nahihiya ako kasi ganto ang ginawa ko. "May sakit kasi ang tatay ko na nasa probinsya"-sabi ko at tumingala sa kaniya. "May kapatid din akong pinapaaral, tiyaka first time ko ang ganito noh. Napilitan lang talaga ako, kailangan ko na kasi magpadala ng pera para sa pagpapagamot ng tatay ko."-sabi ko at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Pano na ngayon na nabolilyaso ang lakad namin, pano pa ako makakapagdala ng pera kina tatay. "Ganun ba, wala ka na bang ibang option?"-he ask seriously. Umiling ako. "Oo, wala na."-I said. "Tsk. Tara na nga, ihahatid kita sa bahay mo. Saan ka ba nakatira, malalim na ang gabi."-sabi niya at sumakay na sa kotse niya. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gulong gulo na ako, kung saan ba ako kukuha ng pera para sa pagpapagamot ng tatay ko tapos ganito pa ang nangyari. *BEEP.BEEP* Nagulat naman ako sa sobrang lakas ng pagpapa busina niya ng sasakyan. "Ano ba! Sakay na!"-parang iritable pa niyang saad, kaya dali-dali akong sumakay ng kotse niya. Then pinaharurot niya na ito paalis. "Bili muna tayo ng maiinum, nauuhaw ako"-he said habang nagmamaneho. Maya-maya huminto siya sa isang 7 eleven, siya lang bumaba para bumili rito. Ilang minuto lang at bumalik na siya at sumakay nang kotse na may dalang pagkain. "Magpalamig ka muna at kumain."-sabi niya at binuksan pa yung coke in can at binigay sa akin. Inabot niya rin sakin ang pagkain na binili niya. Nauuhaw na talaga ako at nagugutom, kaya ininom at kinain ko ang binigay niya. Pinaandar niya ang sasakyan ng dahan-dahan lang, para makasubo at makakain ako ng maayos. "Salamat ah, lalo na kanina. Pero kailangan ko pa maghanap ng trabaho bukas para sa pamilya ko."-sabi ko. May linabas naman siya mula sa wallet niya at inabot ito sakin. Tinanggap ko ito, isa itong calling card. At binasa ang nakalagay rito. ATTY. Mark Sheon Fuentebella Napalingon pa ako sa kanya na busy sa pagmamaneho. Huh? Totoo ba ito? Owner na siya ng Bar tapos isang abogado pa. "Sayo ito?"-tanong ko na parang hindi makapaniwala. He just nodded. Hindi kasi halata sa suot niya ngayon. "Bakit? Hindi ba halata?"-tanong niya. "Hindi masayado, eh ano namang gagawin ko dito?"-tanong ko. "Nandiyan ang number ko, tawagan mo ko pag gusto mo ng trabaho"-he said. Really? Bibigyan niya ko ng trabaho? "Talaga? Anong klaseng work ba yun?"-nae-excite ko pang tanong. "May dalawa akong offer sayo, pero saka na natin pag usapan pag nakapagdecide kana at gusto mo talaga ng trabaho."-he said seriously. At busy ang tingin sa daan. "Oo naman, bukas pwede ba natin pag-usapan yun?"-I asked. He just nodded. "Sige, tawagan mo na lang ako. Kung saan tayo magkikita."-he said, napangiti ako ng wala sa oras. Sobrang bait niya naman, tinulungan niya na nga ako kanina sa mga pulis tapos bibigyan niya pa ako ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD