Chapter 3: The Mayor is a Papa's Boy

1396 Words
"Naku! Iha, pasensiya ka na. Makukulit lang itong alaga ko," wika ng matandang nakalapit na pala sa kanila. "Okay lang po. Bukas ay dalawa na tayo," masayang wika rito. "Ha! Akala ko ay kasintahan ka nitong si Sir," maang na turan nito. Napatawa siya sa sinabi nito saka biglang natigil lang sumeryoso ang mukha ng lalaking tinutukoy nito. "Ikaw talaga, Manang palabiro ka," bawi niya. "Hindi ah! Ang ganda mo kaya at saka hindi halatang magiging yaya ka lang," katwiran pa nito. Ngumiti na lamang siya at nagpaalam. Dahil hukas na bukas din ay babalik siya. Babalik siya upang mas lalong kilalanin ang isang Direck Villareal. Kinabukasan ay maaga siyang bumalik sa mansyon ng mga ito. Malapit na siya roon nang makita ang paglabas ng dalawang sasakyan buhat dito. Napakunot-noo siya. 'Saan kaya ang punta ng mga ito?' aniya sa isip nang maya-maya ay sinenyasan siya ng kawaksing nagbukas ng gate sa mga ito. Si Aling Bineng iyon ang matandang mayordoma ng mga ito. "Ang aga mo Ineng. Halika pasok ka," anito. Sinundan niya ang tingin ng nga sasakyang kaaalis lang. "Si Direck. May meeting daw sila kasi sa munisipyo. Alam mo na bagong halal," anito sa kanya. "Ahhh!" sambit na lamang. Nang makapasok ay kinuha nito ang medyo may kalakihang bag niya. Saka siya giniya sa komedor at nakita mula roon ang babaeng kasama ang dalawang bata. Sa kabisera naman ng lamesa ay naroon ang matandang nagbabasa ng diyaryo. Na hindi man lang nag-abalang tignan siya nito. "Hay buti naman at dumating ka na. Tignan mo muna ang mga ito at pupuntahan ko si Drove. Ay mahuhuli na naman ito sa klase niya," anito saka mabilis na umalis. Pinapakain na niya ng mga ito ng cerelac. Nang biglang dikutin ng isang paslit ang pagkain nito at ibinato sa direksyon ng lolo ng mga ito na saktong binaba ang diyaryong hawak. Sapul ang mukha ng Don sa ginawa ng mga apo na sabayang napahagikgik pa na tila tawang-tawa sa ginawa sa kanilang lolo. "Whaatttt?!" malakas na bulalas ng Don sa kabiglaan. Maging si Haidee ay hindi mapigilang mapabungisngis sa ginawa ng mga ito. Naiinis man ang Don pero walang nagawa dahil kagagawan naman ng mga apo nang maya-maya ay nag-ring ang cellphone nito. Agad naman nitong sinagot iyon. "Hello, Pa!" agad na bungad ni Direck sa ama. Hindi niya kasi alam ang gagawin dahil napagdesisyunan ng kaniyang mga kasama na huwag ituloy ang taunang pista at gagamitin na lamang daw ang pundo sa gagawing bagong munisipyo. "What is it, Direck? Ano na naman?" dinig na hinaing ng Don sa anak. "My God, Direck. Alkalde ka na at alam mo na ang gagawin mo sa nga constituent mo! Bakit tatanungin mo pa sa akin?" mariing turan ng don. "Ba't pa?!" "Pa ka nang Pa diyan?! Thirty-two ka na. Bahala ka na!" inis ng wika ng Don. "Nanggigil na ako Direck. Itong mga anak mo hindi ko na alam kung papaano suswetuhin ang kasutilan. Tignan mo ginawa sa akin ngayon-ngayon lang. Binato ako ng cerelac sa mukha ko. Buti sana kung nakanganga ako para sapul sa bibig ko pero hindi eh," maktol ng matanda. Nangingiti si Haidee sa naririnig sa matanda. Pagbalik ng tingin sa dalawang bata ay pinagdiskitahan naman ang kani-kanilang mukha. Kapwa nagpupunasan ng cerelac sa mukha. "Enough Direck! Deal with it!" malakas na boses ng matanda na nagpabalik ng tingin dito. Nakita nitong pinatay ang cellphone habang pinapahid ang cerelac sa mukh nito. 'Papas boy ka pala eh. Nagawa mo pang pagsabay-sabayin ang anak mo!' gigil na wika sa isipan. Pinag-aralan mabuti ni Haidee ang kabuuang bahay ng mga Villareal. Nakita niya ang ilang CCTV na nakakabit. Mukhang hindi basta-basta ang magkikilos sa bahay ng mga ito. 's**t!' mura sa isipan. Kailangan niyang mag-ingat. Nakita niya sa likod ng bahay ang isang bungalow. Mukhang maids quarter pero hindi naman doon nakatira ang mga katulong o yaya. Tila nabasa naman ni Aling Bineng ang nasa isip. "Iyang bahay na iyan. Bahay noon ng mag-asawang Leila at Rudy. Kasama ko sila noon kaya lang—" putol na saad nito. Naging curious tuloy siya sa susunod na sasabihin nito. "Kaya lang ano, Aling Bening?" aniya para ipagpatuloy nito ang sinasabi. "Kaya lang napatay sila nang may armadong lalaking pumasok sa bahay. Maging si Donya Catalina ay napatay at masaklap pa ay ginahasa muna ito," pagkukuwento nito. Naging malalim ang ginawang pag-iisip sa natuklasan. Nakakagulat ang impormasyong binigay ni Aling Bineng sa kaniya. "Grabe naman pala ang nangyari? Paanong nangyati iyon?" hindi napigilang namutawi sa bibig. Mabuti na lamang at mukhang matabil ang dila ng matanda at malaya itong nakakapagkuwento sa kaniya. "Umalis ako noon upang mamalengke samantalang ang mag-ama ay umalis upang ipunta sa mga Sevilla ang isang sanggol. Paalis din ang mga ito dahil may check-up ang Donya Catalina ngunit doon na nangyari ang nakakagimbal na kamatayan ng mga ito. Buti na lang at nasa eskuwela na ang kambal na mga anak ng mga ito kung hindi ay napasama ring namatay," dagdag pang kuwento nito. Masyado siyang naapektuhan sa mga nalaman patungkol sa pamilya Villareal. Tila may malalim pang pinanggalingan ang lahat ng mga nangyari sa pamilya ng mga ito. Alas sais na nang makauwi sa bahay nila si Direck. Mabilis siyang umibis sa sasakyan niya dahil manonood siya ng basketball. Nainis pa siya nang maalalang sira ang TV sa kanyang kuwarto kaya mabilis na tinungo ang sala nila. Doon ay nasumpungan ang bagong yaya at ang dalawang batang alaga nito. Napangiti pa siya dahil tila bata itong nakikipagharutan sa mga ito. Agad na kinuha ang remote control at nilipat ang channel sa sports. Napakunot-noo si Haidee sa ginawa ng bagong dating na amo. 'Aba!' angal niya nang biglang ilipat nito ang channel. Dahil tuon ang tingin nito sa pinapanood na basketball ay hindi nito namalayan ang pagkuha niya ng remote control saka binigay sa alaga. Pinaglaruan niya ito iyon at aksidenteng napindot. Tutok ang mata ni Direck. Iyon na kasi ang final game ng kupunang paborito. Nang makitang isu-shoot na ng mga ito ang bola nang biglang may naglipat ng channel. "Ola soy Dora," tinig buhat sa tv na sikat na cartoon series na Dora The Explorer. Automatikong napalingon siya sa babaeng katapat. Nakangisi ito. "Are you annoying me?" gagad niya rito. Nabigla si Haidee nang biglang tumingin sa kanya ang lalaking nakanganga sa kabiglan na imbes na shoot ang bola ang napanood ay ang biglaang pagkitaw ni Dora sa TV. "I'm not!" salag na wika na nakataas pa ang palad saka tumingin sa alaga na tuwang-tuwang ilipat-lipat ang channel. 'Good boy,' aniya na tila nagbunyi pa sa nakitang inis sa mukha ni Direck. Mabilis na lumapit si Direck sa anak at kinuha ang remote control ngunit nakipag-agawan ang bata. Ngunit dahil mas malakas siya ang nakuha niya iyon nang biglang pumalahaw ng iyak ang bata. Natigilan si Direck. "Sorry," aniya saka binalik sa anak ang remote ngunit ayaw na nito at patuloy sa pag-iyak. "Para kang bata," 'di mapigilang turan ni Haidee nang makita ang ginawa ng lalaki sa anak. Nagawa pa talagang makipag-agawan sa anak nito para sa pinapanood na wala namang maibibigay rito. 'Bakit kapag nanalo ba ang kupunan na iyon, babahagian ka!' aniya sa isipan. "What did you say," mariing wika ni Direck sa babae nang marinig ang sinabi nito. "I said, para kang bata!" tahasang ulit ni Haidee. Hindi siya papasilong dito. Totoo naman na para itong bata. "What did you say?" malakas nitong wika sa pangalawang pagkakataon. Akala siguro nito ay babaguhin niya ang sinabi. 'Aba't bingi ka pa o ayaw mo lang aminin na para kang bata,' aniya sa isip saka nakipagsukatan ng titig dito. "Uulitin ko for the third time. Para kang bata," malakas na wika niya nang hawakan siya nito sa magkabilaang braso saka nilapit ang mukha sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata niya nang tuluyang lumapat ang mga labi nito sa kanyang labi. Nakailang lunok siya dahil sa labis na antisipasyong naramdaman sa pagkakalapat ng labi nila. Hanggang sa muling marinig itong nagsalita. "Ulitin mo pang sabihin iyan sa akin dahil hindi na lang halik ang gagawin ko sa'yo!" anito saka tuluyang umalis. Naiwan siyang natitigilan sa ginawa nitong paghalik sa kanya. 'Bakit? Ano pa bang kaya kong gawin?' aniya sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD