Matapos nga ang mataimtim na panalangin ay lumabas na ng simbahan si Vekvek at naglakad lang patungo sa kanilang bahay. Ang dapyo ng hangin sa balat ng dalaga ay para bang niyayakap siya at nagsasabing kamusta ka na? Mabuti at umuwi ka na dahil matagal ka na naming inaabangan na makita. Maraming nagbago sa paligid ngunit hindi ang mga alaala ng kahapon na minsan sa kahabaan ng gilid ng kalsada ay matatagpuan si Vekvek na patuloy na lumalaban sa buhay sa kabila ng malamig na hangin at hamog na dala ng gabi. Hinahanap pa rin ni Vekvek ang mga dating kasamahan sa pagtitinda gaya ng matandang babae na nakasama pero ang bangketa na dati ay maraming side walk vendor ay wala na. Matagal ng pinagbawal ng pamunuan ang pagtitinda sa gilid ng kalsada. Bawat hakbang ni Vekvek ay para bang nakak

