Si Orly ang naging kababata at matalik na kaibigan ni Vekvek noong panahon na nag-aaral pa siya. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil maging si Orly ay tutol sa pakikipagrelasyon ni Vekvek ng maaga kay Tongtong. “Hindi kita nakilala, Vek,” ang hindi makapaniwalang sambit ng lalaki habang pinagmamasdan ang kaibigang babae na ilang taon niya na rin na hindi nakita o nakamusta. Ngumiti si Vekvek dahil maging siya rin naman ay hindi nakilala ang dating matalik na kaibigan. “Ikaw ang hindi ko talaga nakilala, Orly. Akalain ko ba na ang dating patpatin kong kaibigan ay makakaharap ko ngayon na para bang isang celebrity?” ang sagot ng dalaga. Bahagyang natawa si Orly sa tinuran ni Vekvek. “Celebrity? Ikaw na akala ko ay naligaw na fashion model dito sa bangketa,” ani naman ng lalaki
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


