Pagdating ko sa bahay, nakahanda na ang hapunan namin ni nanay. Agad na ako dumiretso sa kwarto at nagbihis na ng pambahay tsaka naupo na sa hapag-kainan. Sumabay naman na din si nanay. "Nay," "Oh?" "Alam nyo po, ang weird ng araw ko ngayon sa school." "Bakita naman?" "Eh kasi yung boss namin, yung may-ari mismo ng paaralan, pinatawag ako sa Head's Office."nagulat naman bigla si nanay kaya agad naman ako pinagsabihan. "Anak! Ano ginawa mo?! Naku naman sabi ko saiyo wag masyadong magpasaway! Hindi ka na estudyante ano ka ba?!" "Nay hindi naman ganun! Hindi naman po ako nanggulo o ano. Wala akong ginawang kalokohan."kumalma naman sya ng kaunti. "Oh eh bakit ka naman pinatawag kung ganun?" "Eh kasi nanay yung boss namin, umiyak sa harap ko." This time, tumawa si nanay. Akala ata nag

