Pumasok na kami ni Tristan sa loob ng resto. Pagdating namin ay sakto ding kadadating lang nina Martha, Alex at Amia. "Jill!"pagsalubong sa akin ni Amia na may kasabay na yakap. Niyakap ko din naman sya pati si Martha. "Kanina pa ba kayo?"tanong ni Tristan kay Alex. "Nope. Halos magkasabayan lang tayo. Kadadating lang din namin eh." "Order na muna kaya tayo while waiting?" "Sure sige." "Ano gusto mo bebe?"paglambing ni Alex kay Amia. "Bebe?!"sabay na sambit namin ni Martha. "Bebe tawagan nyo?!" "Oo, bakit?" "That's so corny ha?" "Oo nga."pagsang-ayon ko naman kay Martha. "Bakit wala man lang kayo endearment, mga Mrs. Johnsohn?" "I don't call Nathan any endearment. It cringes me."sabay tawa ni Martha. "Ako din. Hindi ko alam bakit ang awkward lang tawagin ni Tristan ng mga gan

