CHAPTER 1

1646 Words
***CORINNE's POV*** "Payag na ako." Nakita ko ang dahan-dahang pagsingkit ng mga mata ni Jagr Salvatore. "Payag na akong pakasal sa 'yo," mahinang ulit ko upang mas maging malinaw sa kanya kung anong ibig kong sabihin. Lahat nang inipon kong tapang bago ako nagpunta sa kanyang opisina ay inilabas ko na ng isang daang porsyento. Nang titigan niya ako ay tila tumigil ang oras sa aking pakiramdam. Nahigit ko ang aking hininga't natigil pati ang pagtibok ng puso ko. Bigla rin akong nakaramdam ng hiya. "Sorry sa inasal ko rin noon," sabi ko pa nang hindi ko mahintay na magsalita siya. I heard him sighed. Nanatili siyang nakasandal na nakaupo sa kanyang executive chair. Ni hindi nag-abala na tumayo nang makita niya ako. Boss na boss ang kanyang pagkakaupo, ng kanyang awra. At ang pinangangambahan ko ay nang makita kong naging matalim ang kanyang tingin. "And what caused you to have a change of mind?" pagkuwa'y tanong niya. "Si Daddy. Tulungan mo siya." "What happened?" "Nahulihan siya ng drugs sa kanyang kotse. Ang sabi niya ay frame-up. Please, help him. Ayoko siyang makulong ng habambuhay," walang-gatol na sagot ko. Naiiyak ako sa sinapit ng aking adopted father at naaawa naman ako sa nakikita kong paghihirap ng kalooban ng aking adopted mother. Hindi ko kayang nakikita sila sa ganoong kalagayan kaya nilulunok ko na ang pride ko ngayon sa harapan niya. "At bakit mo naman naisip na matutulungan ko siya?" "Hindi ko alam. Basta ang sabi ni Daddy ay lumapit ako sa 'yo at tanggapin ang alok mo noong pakasalan ako." Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Pero paano 'yan? Nagbago na ang isip ko?" "Huh?" Hindi ko inasahan 'yon dahilan nang muntikang pagkubuwag ng tapang ko at kakapalan ng mukhang inipon ko. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko upang mapigilan sa pagbagsak ng mga namuong luha sa gilid ng mga mata ko. "Hindi ba't inakala mo noon na isa akong matanda na amoy lupa kaya ayaw mong pakasal sa akin?" "Isip-bata bata pa ako noon kaya ganoon agad ang impression ko sa 'yo," dahilan ko. "It's okay. Minsan naman talaga ay nagkakamali tayo sa impression natin sa ibang tao lalo na kapag hindi pa natin nakikita ang tao na iyon. Tulad ko sa iyo. Ang totoo ay inakala ko rin na napakaganda mo kaya ginusto ko ring pakasalan ka. Iyon pala'y..." Hindi man niya itinuloy ang sinasabi niya ay tumagos sa puso ko ang mapanlait niyang tingin. May pang-uuyam ang ngiti na hinagod niya pati ang kabuuan ko. Lumalim ang collarbone ko nang humugot ako ng hininga, paraan ko para mapanatili ang composure ko. Masakit ang klase ng tingin niya ngunit hindi ko naman siya masisisi. Ako lang naman kasi si Corinne Rufino. Isang babaeng tinatawag ng dalawang kaibigan ko na taong luma gawa ng mga baduy kong kasuotan at malaking eyeglass ko na walang grado. Idagdag pa ang buhok kong kulot na nga'y grabe pa kung makabuhaghag kapag hindi nakatali. Isama na ang mga freckles sa ibaba ng mga mata ko. Maitim din ang mga labi ko na parang oras-oras ay humihithit ako ng sigarilyo. Kung titingnan ako ay wala talagang maganda sa akin, maliban sa kilay ko. Aba syempre, kilay is life. Sa aking hitsura ngayon, kahit sinong lalaki ay magbabago talaga ang desisyon sa buhay na i-date o ligawan ako oras na makita ako. "Actually, kung gugustuhin ko ay maaari ko ring ipakulong sana ang ama-amahan mo kung gugustuhin ko dahil sa panlilinlang niya sa akin." Isang larawan ko ang inilabas ni Jagr mula sa drawer ng desk niya at galit na inilapag. "Ang sabi niya sa akin ay lumaki kang napakaganda at ako nama'y naniwala kaya pinautang ko siya ng milyon-milyon nang nalugi ang kompanya niya." Nanlaki ang mga mata ko. Ako naman talaga iyong nasa picture, pero hindi ko alam na nakuhanan ako ng picture noon ni Daddy sa ganoong hitsura ko kaya bahagya akong nagulat. "Sa tingin mo worth it pa ba na pakasalan kita?" "Sorry... sorry sa lahat ng ginawa ni Daddy, pero please tulungan mo pa rin sana siya. Nakikiusap ako." Nabahala na ako kaya ginamit ko na ang huling alas ko; ang magpaawa sa kanya. Dali-dali akong lumuhod habang yukong-yuko ang ulo ko. Wala na akong choice kundi magpakababa. Buong akala ko kasi ay nagustuhan niya ako sa kabila ng hitsura ko dahil matanda na siya, pero isang malaking pagkakamali pala iyon. Kung maaari lang ay hilingin ko sa lupa na bumuka at lamunin ako ay ginawa ko na. Pulang-pula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan, lalo't naalala kong sinusungitan ko siya noon kapag tumatawag siya sa telepono. Hindi lang 'yon iniiwasan at nababastos ko rin siya. Mr. Salvatore—ang napakapormal na laging tawag kasi sa kanya noon ni Daddy na naging dahilan kaya ilarawan ko siya sa aking isipan na apat na M. Isang matandang mayaman madaling mamatay. Nalaman ko pa na sampung taon daw ang agwat ng edad namin. Nahusgahan ko pa siyang isang pedophile o groomer dahil bakit ako ang gusto niyang pakasalan gayong six years ang gap namin. Ang hindi ko inakala ay apat na M nga siya pero mistesong mayaman masarap sanang mahalin pala ang damuho. Maling-mali ako. Naloka talaga ako kaninang pagpasok ko sa office niya at makilala siya. Literal na nalaglag ang panga ko at kasama sana ang granny panty ko kung hindi ko nahawakan. Ang guwapo-guwapo niya pala kasi. Ang lakas ng kanyang s*x appeal. "Pero sige pag-iisipan ko ang hiling mo," mayamaya'y sabi niya. Nabuhayan ako ng loob. Mangiyak-ngiyak akong nagtaas ng tingin. "Virgin ka pa ba?" "Oo naman," mabilis at may kombiksyong sagot ko. Nakangising tumango-tango siya. Manyak din. Tss. "Pero hindi mo ito makukuha kung hindi mo ako pakakasalan," kako sa matatag na boses para hindi niya isiping madali lang niya akong maaangkin porke may atraso sa kanya si Daddy. Iniinsulto na niya ako, dapat lang na maging tuso rin ako para hindi ako mas kawawa pa. Alang-alang kina Mommy at Daddy kahit kaluluwa ko ay isusugol na sa demonyong ito. "If that is so, reserve that for me. At puwede ba tumayo ka diyan. Alam kong para akong Greek God sa kaguwapuhan pero hindi mo naman ako kailangang luhuran. Gusto ko nakahubad ako kapag niluluhuran ako." Napangiwi ako. Joke ba 'yon? Bastos na nga, walley pa rin. "Tayo na. Hindi ka ba nangangawit?" Sinunod ko siya at baka mainis na siya sa akin. May pagmamadali na nga akong tumayo. Animo'y ang bait-bait ko na pinagsalikop ko sa ibabaw ng tiyan ko ang mga kamay ko na naghintay sa sasabihin pa niya. "Alam mo kasi ang totoo ay may hinihintay na akong bride-to-be ko kaya hindi na ako sigurado kung puwede nga kitang pakasalan." Lumabas na naman ang katarayan ko na sa kanya ko lang nararamdaman. "Kung ganoon ay bakit sabi ni Daddy ay gusto mo akong pakasalan noon?" "Siya lang ang may gusto niyon. Mabait at mapagbigay lang kasi ako sa mga babae kaya sabi ko sa kanya noon ay susubukan ko. Noong alam mo na, noong akala ko ay maganda ka. Well, maganda ka naman. Hindi nga lang kasingganda sa expectation ko." Inignora ko ang pang-uuyam niya. "So, paano ito ngayon? Paano mo matutulungan ang Daddy ko? Umaasa siya sa 'yo. Matanda na siya. Hindi niya kakayanin doon sa loob ng kulungan ng matagal." Humalukipkip siya. "Hindi ko alam sa 'yo. Maliban sa virginity mo ay mukhang wala ka naman na yatang mai-offer sa akin na kapalit." Napaisip ako. Kinabahan nang matindi dahil may punto siya. Kinuha ni Jagr Salvatore ang mug ng kape niya pero napailing siya nang makita niyang wala na iyong laman. "Alam ko na!" Hanggang sa may ideyang biglang pumasok sa isip ko. Salamat sa kape. "Gawin mo na lang akong katulong mo, kasambahay, yaya, alalay. Gawin mo akong slave kung gusto mo." Hindi makapaniwalang nawalan ng imik ang manyak na demonyo. "Huwag lang s*x slave dahil magkakamatayan talaga tayo kapag pipilitin mo akong ikama," dugtong ko nang unti-unti siyang ngumisi ng malademonyo. Alam ko agad ang itinakbo ng manyak niyang isipan. "Nonsense," subalit rejection niya sa ideya ko. "Pero wala na akong mai-offer sa 'yo. Desparada na ako. Ayoko talagang makulong si Daddy ng matagal dahil baka hindi kakayanin ng Mommy ko. Maawa ka naman sana sa dalawang matanda," sumamo ko pa rin. Siya na lamang ang makakatulong sa amin kaya kailangang mapapayag ko siya, by hook or by crook. Sinulyapan niya ang relong pambisig niya. "Pag-iisipan ko pa. Sa ngayon ay akin na muna ang panty mo." "What?" Nagsalubong ang mga kilay ko. "Damn, sa tingin mo ba ay hindi ako tinitigasan ngayon? Sinabi mong virgin ka at iyon ang kahinaan ko, woman, kaya akin na ang panty mo at baka kung hindi ako makapagpigil ay ma-rape kita." "Seryoso ka ba?" Napamulagat na talaga ako. "Mukha ba akong nagbibiro?" angil niya. "Pero paano ako uuwi na walang panty?" "Panty lang ang hinihingi ko para makaraos ako na hindi ka gagalawin, hindi ang lahat ng damit mo." "Ayoko!" Kinapa ko ang harapan ko. "Kung ayaw mo ay umalis ka na at huwag kang aasa na pag-iisipan ko pa ang pagtulong sa daddy mo," banta niya. Hindi makapaniwala na napanganga ako. "Ano pang hinihintay mo? Akin na! Paano ako maniniwala na willing kang maging alipin ko kung panty mo lang ay hindi mo pa magawang ipagkaloob sa akin?" Ayaw ko man ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Tila ay masunuring bata ko ngang hinubad na ang panty ko. Sh*t, kung kailan nakapalda lang ako at wala akong suot na short o cycling saka pa ako mawawalan ng panty. Ang malas naman talaga oo. "Ayan! Isaksak mo sa baga mo!" Binuhol ko ang panty ko at ibinato sa kanya. Sana pala umihi muna ako bago nagpunta rito para amoy panghi iyon. "You smell sweet, woman. Amoy virgin nga," sabi niya nang amuyin niya iyon. Napangiwi naman ako. Yuck! Kadiri!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD