Chapter6

1095 Words
Matapos sa pagtitinda kinagabihan ay sabay na silang naghapunan sa hapag kainan. Siya ang nagluto ng ginataang tilapia na may kamias kaninang umaga.Kapag ganoong 10am ang simula ng klase niya ay nakakapagluto pa siya ng isang putahe.Mayaman kasi sa bunga ang kamias nila kaya tuwang tuwa siyang namitas ng bunga nito na siyang ginawa niyang pang asim duto imbis na lagyan pa niya ng suka.Isa pa ay iwas sa pagkapanis ng gata kapag nilagyan daw eto ng maasin.Nagtira siya para sa kanilang Hapunan dahil mas gusto niya itong kainin sa gabi.Recipe ng Tita Liz niya yun kaya namana niya nag galing nito sa pagluluto, gaya rin ng inay niya. "Ang sarap mo talagang magluto ng ginataang tilapia na may kamias anak,kuhang kuha mo na ang luto ng Tita Liza mo."papuri ng inay niya sa luto niya habang parehong nakataas ang mga paa nila at sarap na sarap sa pagkain. "The best talaga ang recipe ni Tita,inay."sabay subo habang nakakamay naman. "Siyanga pala anak,nakausap ko si Tita Liza mo kanina tumawag sa cellphone.Mukhang magkakabalikan na sila ng Tito Luis mo".anang inay. "Talaga po,sigurado ay masayang masaya na si ate Cha-Cha niyan dahil makokompleto na ulit sila",may halong pagkainggit na wika niya. Balo na rin si Tito Luis niya, pumanaw na rin ang kinakasama nito mahigit isang taon na ang nakalipas,may anak etong isang lalaki na sa dating kinakasama.Si Tita Liza ang legal na asawa pero ng may nabuntis ang Tito Luis niya ay agad nakipaghiwalay ang Tita niya dito.Noong una ay kasama nila sa Maynila ang ate Cha-cha niya pero ng umalis sila ay kay Tito Luis na eto tumira. Di niya maiwasang maalala ang tatay Ruben niya.Mapagmahal eto at napakabait kung di sana ginupo ng sakit na Pneumonia nung sampung taong gulang siya, di sana ay kompleto parin sila. "Oh ba't nalungko't ka naman anak ko?Naalala mo ba ang tatay mo?pag aalala nito.Kita kasi sa hitsura niyang parang maluluha na siya. Di na niya naiwasang may pumatak na luha sa mata niya.Agad niya etong pinahid at baka lalong mag alala sa kanya ang inay niya. "Wala po eto inay,masaya lang po ako para kay ate Cha-cha at Tita kung matuloy ang pagbabalikan nila ay isa iyong masayang balita"litanya niya. "Halika nga dito"sabay yakap sa kanya ng inay niya. "Nandito pa rin ang nanay kaya huwag ka ng malungkot para di rin nalulungkot ang itay mo sa kinarororoonan niya"pampalubag loob na sabi ng inay niya. Matatag ang inay niya,maganda parin naman eto,di lang nagaayos kaya nadagdagan na ang tanda sa hitsura nito.45 na eto at ang Tita niya ay 47,2 taon ang tanda sa inay niya.Noon ay may mga kapitbahay na costumer na alam niyang nagpapasaring na manligaw sa inay niya pero desidido na talaga etong di na mag asawa at mag focus lang sa kanya. Kung siya ang masusunod ay papayagan pa rin niya ang inay niya na makahanap ng bagong pag ibig nito noon kung gugustuhin ng inay niya.Pero sa nakikita niya ay kontento ang inay na sila lang dalawa na magkasama.Kaya mahal na mahal niya eto. Ipinagpapasasalamat niya ang bagay na iyon sa kanyang inay,sapagka't inilaan nalang nito sa kanya ang buong pagmamahal kahit na wala na ang itay niya. Matapos din ang kanilang hapunan ay nagbuklat muna siya ng kanyang mga aralin.May pagsusulit siya sa unang subject niya bukas kaya kailangan niyang pagbutihan.Nang mapagod ay nagpasya na siyang gumayak matulog.Sa tingin naman niya ay nakabisadi na niya ang mga kailangan niyang pag aralan. Alas nuebe na rin ng gabi ang inay niya ay nauna ng natulog. Nakasilent mode ang mumurahin niyang cellphone kaya't vibrator lang ang mararamdaman niya pag may dumating na mensahe.Npansin niya ang pagvibrate nito.Di siya nag o-on ng ringtone para di siya maiistobo ng tunog. Zandro ang rumihistro doon. Aba anong nakain nito?tanong ng isip niya. "Hi,gising ka pa ba?"bungad ng mensahe nito. Nakalimutan pala niyang magpaload, kaya't pinatay nalang niya ang cellphone niya. Gawa ng antok ay agad na rin siyang nakatulog. Maaga pa rin siyang nagising ganun pa rin ang gawain niya.Tutulong muna sa inay niya bago pumasok. 7:30 am na ng lumabas siya ng bahay.Natanaw niya si Zandro sa harap ng bahay nila sa tabi ng di naman isang bagong motorsiklo.Nakagayak na rin para pumasok. "Magandang araw Zandro",siya na ang unang bumati rito. "Magandang araw din Lenet.Hatid na kita",walang pasubali nitong wika. "Wow,mukhang bago ang motor ah,kaya ba gusto mong maangkasan ko ng mabinyagan",pagbibiro niya dito. "Kailangan din namang i testing kung talagang matatag ang makina"sabi rin ni Zandro. "Naku,Zandro huwag na muna ngayon sa ibang pagkakataon siguro",sabay para sa paparating na tricycle.Sakto naman ang dating nito. Nginitian nalang niya si Lenet. "Siyanga pala wala akong load kagabi"pahabol niya bago sumakay ng tricycle.Tumango naman si Zandro,naintindihan naman siguro nito. Kita pa ni Lenet ang pagkamot ng batok nito.Nagmamadali na rin naman siya at ayaw na niyang abalahin si Zandro.Hindi naman sila parehas ng papasukan. Dumiresto muna siya sa library para sa librong kailangan niyang hiramin.May mga libro kasing available sa library kaya tipid na siya,sayang na rin kung bibili pa siya. Pagkatapos niya sa library ay nagpunta na siya sa klase niya.Absent si Mara nagmessage eto sa kanya na ipaki excuse niya eto sa prof nila nabasa niya nung nasa tricycle pa lang siya.Masama daw ang pakiramdam nito.May trangkaso eto.Pansin na nga niya na medyo sinisipon eto nung Biyernes. May pasusulit sila ngayong araw at siya ang nakakuha ng mataas na marka. Kung magpapatuloy ang pagkakaroon niya ng mataas na marka ay siguradong pasok pa rin siya sa full scholarship program ng Victorino University na kanyang eskwelahan. Sa bahay nila,kasalukuyan namang naghahanda na si Aling Lorna ng mga ilalabas na mga pagkain,pagkaalis ni Lenet. Pagkatapos mailabas ay nagpahinga muna siya sa upuang kahoy para sa mga costumer na gustong kumain,maya maya pa naman magsidatingan ang mga mamimili. Iniisip niya ang ika labing walong taon gulang ng nag iisa niyang anak sa susunod na buwan. Gusto niya itong maipaghanda ng kahit na maliit na salo salo man lang. Malapit na ring matapos ang ikalawang semester ng kaniyang anak na dalawang buwan mula din ngayon.Kahit paano ay kailangan pa rin niyang makaipon ng maliit.Sa araw araw na gastusin ay di gaanong nasapat ang kinikita niya sa pagtitinda. Kung buhay lamang ang kaniyang asawang si Ruben ay di nila dadanasin ang ganitong hirap.Kahit paano ay may katuwang siya sa pag aaral ng anak.Ipinagpapasalamat niyang matalino si Lenet.Malaking tulong na libre ang tuition fee nito.Mga libro, baon, uniporme nalang at ibang pangangailangan nito ang kaniyang mga iniisip. Natapos ang pagmumuni muni niya ng may dumating na mamimili ng lutong ulam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD