Nasa Mansion na si Hector.Nanlalagkit ang pakiramdam niya kaya naman gusto muna niyang maglinis ng katawan saglit.Nang matapos ay agad siyang dumiretso sa hospital.
Pinihit niya ang pinto at nakita agad ang amang nakadextrose at tulog na tulog.Ang Mommy niya ay nakayokyok sa tabi ng kama ng Daddy niya.Mahimbing din ang tulog nito.
Lumapit siya at hinaplos ang ulo nito.Kaya tumingala eto para tignan siya ng maramdaman ang haplos niya."Mom...".mahina nitong tawag sa ina.Tumayo naman eto agad at yumakap sa kanya.
"Hector,anak...."Humagulgol eto sa dibdib niya.
"Ssshhhh...Tahan na po baka magising si Dad".pag alo niya dito.
Sa Makati General Hospital eto nakaconfine.Bigla na lang daw etong bumagsak sa Library.Masama na pala ang pakiramdam nito pero hindi nito sinasabi sa kanila.
Nakonsensiya tuloy siya na umalis ng nagkasagutan pa silang mag-ama.
"Kumusta na ang lagay ng Daddy?"nag-aalalang tanong niya habang yakap pa rin ang ina na umiiyak pa rin kaya inaalo niya eto."Magiging okay rin siya,Mom.Tahan na.Baka kayo naman ang magkasakit".tumahan din naman eto at bumitaw na sa kanyang yakap.Pinunasan naman niya ang luhang nasa pisngi pa nito at eto'y bumaling nang tingin sa kaniyang amang natutulog.
"Binigyan siya ng gamot kaya naman tulog pa siya.Magiging okay na daw siya pero di pa rin ako mapalagay sa kalagayan ng Daddy mo.Sa tingin ko ay kailangan ko siyang dalhin sa ibang bansa para ipatingin"pagdedetalye nito habang nakahawak sa kamay ng Daddy niya.
"Magiging okay din ang lahat,Mom.Hintayin natin ang sasabihin ng Doctor pag lumabas na lahat ng test".
"Kumusta ang bakasyon mo?"tanong nito at humarap ulit sa kanya.Binitawan na nito ang kamay ng Daddy niya.
"Maayos naman po.Nagkita kami ng investor ko doon.Pagbalik ko ng Houston ay magpipirmahan na kami.I just want to make sure that Dad's health will be stable.Its a big break for the company so secured na ang finances ng branch dahil sinigurado niya na matutuloy iyon".kumpiyansa niyang sagot.
Atleast you have a good news son.I'm so proud of you.Pasensiya ka na sa Dad mo.Very worried lang yan sa future mo.Lagi ka niyang inaalala kaya sana ay di ka magtampo sa kanya."sabay haplos nito sa mukha ng anak.Malaki ang hawig nilang dalawang mag-ina.
" It's okay,Mom.Naiintindihan ko siya,wag niyo ng isipin yun."Napakalambing ng mommy niya na namana rin niya.
"Mahal na mahal ka namin ng Dad mo anak".yumakap ulit eto sa kanya at hinaplos naman niya ang likod nito.Alam niyang sa kanya lang eto humuhugot ng lakas ngayon.Mahal naman ng Mommy niya ang Daddy niya kaya todo ang pag-aalala ng ina.
"Mahal ko din kayo ni Dad,Mom."sabay halik niya sa noo nito.Gusto niyang maramdaman ng ina na nandito lang siya para dito.
"Kumain na po ba kayo?"Mag-aalas 8 na kasi ng gabi."Ibilin na muna natin sa Nurse si Dad,kumain muna tayo baka mapano naman kayo".inakay niya eto sa pangtatlohang sofa na nakalaan para sa bantay at may isa ring katamtamang laki ng lamesa.
"Ayaw kong iwan ang Daddy mo at baka magising na wala ako sa tabi niya,anak.Tsaka may mga prutas naman diyan kumain din ako kanina."turo nito sa mga prutas na nasa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng asawa."Gusto mo ba ng mansanas?Ipagbabalat kita".Alok nito sa kaniya.Kita niya sa mukha ng ina na di talaga nito iiwan ang Daddy niya.
"I want a heavy meal.I did not eat well nung nalaman kong nasa hospital si Dad.Sige po,lalabas na muna ako para makahanap ng food.Anong gusto niyong kainin?"alam naman na niya na sandwich lang eto at vegetable salad pero tinanong pa rin niya at baka may iba etong gusto.
"You,knew it already,Son.Just sandwich ang vegetable salad.And frezh fruit juice.Thanks,be careful".bago umalis ay humalik muna siya sa pisngi ng ina sabay labas na ng kwarto.
Pauuwiin na rin niya eto at siya na ang magbabantay sa Dad niya.May dala naman siyang pamalit na damit niya.May sariling cr din naman sa kwarto at may dala din siyang toiletries.Baka eto naman ang sumama ang pakiramdam kapag napuyat.
May malapit na restaurant sa Hospital kaya naman di na siya masyadong lumayo.
Umupo siya sa pandalawahang table at tinignan ang menu na nasa lamesa.Nang lumapit ang waiter ay agad siyang nag order.
"Good evening,Sir.May I take your orders?magalang nitong tanong.
"Good evening.1 watermelon shake,1 orange juice,1 well done steak,2 Asian salad mixed,1 club sandwich, 2 sweet potato soup and 2 steam rice.
"I repeat,Sir.1 watermelon shake,1 orange juice,1 well done steak,2 Asian salad mixed,1 club sandwich, 2 sweet potato soup and 2 steam rice.Is that all,Sir?".magalang pa rin nitong tanong pagkatapos nitong ulitin ang lahat ang orders niya.
"Yes,and please for take out.Thank you.".
"Okay,Sir Noted"sabay talikod na nito para kunin ang orders niya.
Habang naghihintay ay nagcheck muna siya ng kaniyang e-mails sa phone.
Mayamaya lang ay dumating na ang orders niya.Pagkatapos bayaran ay agad na rin siyang dumiretso sa hospital.
Nadatnan niya ang Doctor kausap ang Mommy niya.
"How is my Dad,Doc?agad niyang tanong sa Doctor pagkalapag ng pagkain sa lamesa.
"Over fatigue kaya naman tumaas ang blood pressure niya.Maayos naman ang ilang blood test niya.A little bit high on his cholesterol at sugar.Just avoid stress too and the patient need enough rest.Ang ECG na isinagawa sa kanya ang binabantayan namin dahil may kaunting abnormal rhythm.Bukod doon ay wala naman na kaming nakita.Sa ct-scan niya normal naman ang daloy ng dugo sa mga ugat sa ulo niya walang clots na nakita.Pero to make it sure ay kailangan niyang ma MRI mamaya. Sa ngayon ay mas makabubuting dito muna siya hanggang matapos ang lahat ng test sa kaniya".mahabang pagpapaliwanag ng Doctor.
"Maari ba siyang kumain pagkagising niya?"tanong niya.
"Yes,he can eat light foods para magkaroon siya ng lakas".sagot ng Doctor.
"Maari na po ba namin siyang ilabas bukas?".tanong ng mommy niya.
"Maybe but hintayin lang natin siyang magising at ihahanda ko lang ang mga kailangan niyang mga test para bukas ay maiuwi niyo na siya.The nurse will inform you about the schedule of his MRI".
"Maraming salamat po,Doc."sagot ng Mommy niya.
"Walang anuman,maiwan ko muna kayo".mag iikot pa eto sa ilang pasyente.
"Sige po,salamat".sagot din niya sa Doctor.
"Kumain muna tayo,sakto bumili din ako ng soup para kay Dad".naisip niya kasing baka magising etong gutom.
Kompleto sa kagamitan ang kwarto na napili nila may maliit na kusina at may microwave oven para mapainit ang pagkain.
Habang kumakain ay tulog pa rin ang Daddy niya.Hanggang matapos kumain ay tulog pa rin eto pero mayamaya ay umuungol na eto sabay mulat ng mata.
"Dad,are you okay?"pag-aalala niyang tanong dito?
Tumango eto at ngumiti sa kanila."I'm okay.Just feelin tired"paos nitong sagot.
"Salamat naman at nagising ka na,mahal ko"niyakap agad eto ng ina.
"I will just inform the nurses station".lumabas siya at agad din bumalik pagkatapos sabihan ang nurse na nadatnan doon.
Maya-maya ay nakasunod na ang Doctor at 1 nurse.
Pagkatapos eksamenen ay nagbilin lang ang Doctor para sa MRI ng ama para mamayang madaling araw.Iniwan na rin sila ng mga eto nang masigurong okay na ang ama.
"Umuwi na muna kayo,Mommy.Ako na lang ang magbabantay kay Dad."Suhisyon niya dahil ayaw niyang pati eto ay magkasakit pag napuyat.
"Oo nga mahal mabuti pa ay umuwi ka muna.Kanina ka pa ata nagbabantay sa akin".pag-aalala nito.
"Ikaw ang magpahinga anak dahil galing ka pa sa Mindoro".pagmamatigas pa nito.
"Umuwi na lang kayong dalawa dahil may mga nurses naman dito.Hector kumuha ka nalang ng Nurse na pweding magbantay sa akin ngayong gabi,total ay matutog lang naman ako.Bumalik na lang kayo bukas na dalawa.
"No!"sabay nilang sagot.Napapailing tuloy ang Daddy niya sa kanila.
"Hay..."buntong hininga pa nito."Narinig niyo naman ang sabi ng Doctor.I need a rest at bukas ay pwedi na akong lumabas after ng ilang test.Go home you two".
"Mom,pasusundo kita sa driver.I am worried with your health too.May coach naman dito I can rest here at di naman ako napagod sa biyahe ko".pagpilit niya sa ina.
"Okay..."wala na etong nagawa "Kumain ka muna ng soup na binili ni Hector mahal".itinaas niya ang uluhan ng bed nito para makaupo.
Wala ng nagawa ang mommy niya ng ipasundo eto sa driver nila pagkatapos mapakain ng soup ang Daddy niya kahit gusto pa talaga sana nitong magpa-iwan.
"Kumusta ang lakad mo sa Mindoro?"pangungumusta ng ama.
"Okay naman Dad.It's all about business and I made sure na nakuha ko ang tiwala ng investor kaya makakaasa kayong stable ang finances ng branch sa Houston pagbalik ko doon".paniniguro niya dito.
"I am sorry for doubting you a while ago,Son".I know you can handle it well".
"I understand,Dad.I am sorry for not being good in everything just like you but I promise to do the best that I can for the company".medyo nagiging emosyonal siya.
"No,you are more good than I thought so after you finished the deal with the investor.I will prepare you to be the CEO here".Na ikinabigla niya sa agad na desisyon ng ama.
"Are you sure with that,Dad?"baka nabibigla lang eto o epekto ng gamot.
"I will still guide you.We still have another company that is more easier to manage and less stressful".meron pa silang clothing company na menamanage ng mommy niya.Pagtutulungan nalang nilang mag-asawa.
"Okay lets talk about it when you are more stable.For now you need to rest so we can go home tomorrow".sabay tapik sa balikat ng ama.Maya-maya ay natulog na rin eto.
Natulog na rin siya sa sofabed.Pero maya't maya ay nagigising siya.
Alas 7 pa lang ng umaga ay nandito na agad ang mommy niya kasama ang isang katulong dala ang bag ng food container.
"Goodmorning!".Masayang bati ng ina.sabay halik sa pisngi nilang mag-ama."I brought food for breakfast"turo nito sa mga pagkaing hawak ng katulong.
"Good Morning, Pamela.Wow ang dami naman niyan".natatawa siya dahil animo'y may party sa kwarto sa dami ng pagkaing dala nito.
"Good Morning po mga Sir.Iwanan ko na po eto sa table.Sir Dindo,pagaling po kayo".bati rin ng katulong na si Pamela.
"Salamat,Pammy.Sumabay ka na sa pagkain."alok ng Daddy niya.
"Tapos na po akong mag almusal.Salamat mauna na din po ako."pagpapaalam nito.
"Pammy nasa dating pwesto si Mang Nel kung saan tayo ibinaba bumalik ka dito pag di mo makita.May cellphone ka bang dala?".
"Opo ma'am dala ko po.Sige po,Ma'am,mga Sir".Sabay labas na nito.
"Subuan na kita mahal may dala akong rice soup".Kinuha naman ng ama ang kutsara sa kamay ng ina.
"Kaya ko namang kumain mag isa.Kumain ka na ba?"Anyong susubuan din ang asawa pero umiling eto at kumuha ng sariling pagkain.
"Hindi pa kaya marami akong dala para sabay na tayong kumaing tatlo".
"May cappuccino akong dala.Timplahin ko muna".Maasikaso talaga ang Mommy niya sa kanila ng Dad niya.
Pagkatapos nilang kumain at naligpit ang mga pinagkainan ay inayusan na rin ng Mommy niya ang Dad niya para makalabas na eto.Hinihintay lang nila ang Doctor para sa mga kailangan pag nasa bahay na sila.Naayos na rin niya ang bills ng ama dahil may Doctor's order naman na etong pweding ng ma-discharge ang ama.
Saktong alas nuebe dumating na ang Doctor.
"The result of MRI will be after a week or two.The Hospital will send you an e-mail kung kailan ang balik niyo dito at isabay na ang follow-up check-up.The hospital will send you a message.And continue taking all the meds and vitamins that was prescribed.Pagaling kayo,Sir.Maiwan ko muna kayo".Magalang na pagbibigay ng payo ng Doctor sabay tango naman ng ama.
"Thanks,Doc he will".Sagot ng Mommy niya.
"Okay.My car is in the parking lot.I'll just get it and wait at the entrance.I will just inform the nurse station to send us someone to assess you out".
Nakauwi na sila ng bahay.Nasa kwarto na ang parents niya.
Ipapahinga din muna niya dahil wala naman siyang tulog sa hospital dahil maya't maya ay may nurse na pumapasok para kunin ang vital signs ng Dad niya pati na rin ang dalhin sa Radiology department ang Dad niya for MRI.
Nagcheck muna siya ng e-mails sa laptop bago matulog ng ibabalik na eto sa lalagyan ay mapansin niya ang Id ng babaeng taga Mindoro.Napangiti siya pagkakita dito.Di niya sigurado kung maibabalik pa niya eto dahil malayo ang Manila sa Mindoro at pabalik na rin siya sa Houston sa mga susunod na araw.Baka ipaabot nalang niya kay Lance pag napasyal eto sa Mindoro.
Nahiga siya sa kama na tinititigan lang eto hanggang lamunin ng antok ang diwa niya.