Chapter 11

1649 Words
"Saan ang lakad mo?"nagtataka ang Daddy niya dahil alas 7 pa lang ng umaga ay dala na niya ang travel bag niyang bitbit nung dumating siya galing America.At dalawang araw pa lang siya sa Mansion nila sa Pilipinas. "May investor akong imemeet sa Mindoro Dad at pupuntahan ko rin si Lance doon para kumustahin ang Company namin"paliwanag niya ama. "Why don't you just focus on our company nahahati ang oras mo imbes na focus ka lang sa kompanya,gave up that company if yours nauungusan na tati ng ibang kompanya?naiinis nitong sita sa kaniya. "Dad,I was in US for almost 3years,a weeks or months here won't do any harm to our company.Besides Laddy was there to look on the company so you don't have to worry".naiinis na rin niyang pagpapaliwanang dito. Minsan na nga lang siyang umuwi sermon pa ang abot sa Daddy niya. "Grow up and be responsible!".Ikaw ang nag iisang anak ko so I expect you and not Laddy to be there and now what? you want Laddy to fully overtake on your position?!"galit na talaga eto. "It's not..."sasagot na sana siya pero sinenyasan na siya ng Mommy niya na wag ng ituloy ang sasabihin. "Ang aga aga namang almusal yan.Go son,ako ng bahala da Dad mo",kumindat pa ang Mommy niya " Baka malate ka na".Uniiwas na siya nito kaya umalis na siya agad. "Kaya tumitigas niyang ulo ng anak mo"dunig pa niyang sabi ng ama.Pero wala na etong magawa dahil niyaya na ng asawa sa dinning room. Gamit ang private plane ng kaibigang si Xian ay napabilis ang biyahe niya pap uu niya papuntang Oriental Mindoro. Nakacheck inn daw si Mr. Zuarez sa isang Hotel malapit sa Calapan port kaya ang yate naman ni Lance ang gamit niya papunta doon at sa parehong Hotel na rin nagpareserve. Magdadahilan nalang siyang may business trip din sa lugar para di halatang sinusundan niya eto. Masarap pagmasdan ang dagat dito siya sa Calapan Port.Malapit ng lumubog ang sikat ng araw,na miss niya ang ganitong tanawin sa Pilipinas.Iniwan muna niya ang hiniram niyang private yatch ni Lance para makalibot sa tabi ng dagat mamaya na siya tutuloy sa Hotel. Tutal ay business partner din naman niya si Lance sa VIRGINIA'S COCONUT OIL INCORPORATION yun nalang ang idadahilan niyang ipinunta dito sakaling magtaka eto pag nakita siya. ........ Pagkatapos ng huling klase ni Lenet ay naisipan niyang pumunta muna siya sa Calapan port malapit sa kanilang bayan. Tuwing nalulungkot siya.Dito siya nagpupunta.Masarap tignan ang asul na karagatan.Maraming yateng pribado at may mga naglalakihang barkong pampasahero at pangkalakal. Marami na ring nakatayong establishemento sa paligid.May mga Hotel and Restaurant na tuluyan ng mga turista. Malapit na ring magtakip silim.Gusto niyang mapanood ang paglubog ng araw. Ang sabi ng Inay niya ay sinamahan daw nito si Aling Pasing kaya wala raw eto sa kanilang bahay. Alas sais na kaya malapit ng lumubog ang sikat ng araw. Safe namang maglakad dito sa port may mga pasadyang concrete bench na pweding upuan kaya't doon siya nagpasyang umupo. Naka Id pa pala siya galing siya ng school kaya't di na niya eto natanggal. Inalis niya eto at inilapag sa concrete bench na inupuan niya katabi ng bag niya. 30minutos na siya doon ng tumunog ang Telepono niya. Si Mara ang tumatawag. Uyyy,nasaan ka?nag aalala ang boses nito. "Sa tabi tabi lang",malungkot niyang sagot "Umuwi ka na.Nandito ako sa bahay niyo.Walang tao."pag-aalbirorti nito. "Anong gingawa mo diyan?Akala ko may gagawin ka?"nagtatakang taning niya sa kaibigan. "Tapos na,bilisan mo at papapakin ako ng lamok dito".kunwari ay naiinis nitong sabi. Tumayo na siya at agad kinuha ang bag niya.Di na niya nilingon ang unupuan niya. Nag aalala siyang maghintay si Mara sa labas.30minutos pa naman din ang byahe pauwi sa bahay nila. "Hintayin mo na ako diyan at pauwi na ako".Sakto namang may Jeep na dumaan at di pa puno.Di na niya nilingon ang tumatawag sa kaniya at baka maiwan siya ng Jeep. "Miss!!!parang may natunig suyang tumatawag sa kanya peri fi na suya nag abalang tignan at ang nasa isip ay si Mara. ...... Samantala hahabulin sana ni Hector ang babae dahil naiwan nito ang Id niya pero mukhang nagmamadali etong pumara ng Jeep. May address naman eto at teleponong nakasulat. Di niya masyadong nakita ng mukha nito pero sa uniporme nito sa Id ay halatang sa babae eto.Magandang mukha nito sa Id picture.Mestisa, parang may halong banyaga.Matangkad eto kahit di naman nakaheels.1st year College palang pero halatang malaking bulas.Manipis na lipstick lang ang tanging pangkulay sa mukha nito o sadyang natural na kulay ng labi nito parang ang sarap halikan nito sa Id picture niya. Nahihibang na yata siya at pati sa litratong napulot niya ay nagpapantasya pa siya. Binulsa nalang niya eto sa kaniyang pantalon. ...................... "Bayad ko po"abot niya sa driver. 20mins ang biyahe niya sakto 10 minuto naman mula terminal ng tricycle hanggang sa bahay nila. Pagbaba niya ng Jeep ay agad sana siyang tatawid,di niya napansin ang kotseng paparating buti ay agad etong nagpreno. Lumabas naman agad ang driver at ang matandang sakay nito. May kaunting tao din lumapit sa kanila. Kunting kunti nalang at nasagasahan na siya.Mabuti nalang at malakas ang preno nito. "Nasaktan ka ba iha,dadalhin ka namin sa Hospital."sabi ng matandang nasa likuran ng kotse. "Naku po wala naman pong nangyari sa akin.Okay na okay lang po ako". "Sigurado ka ba?".pagaalala nito. "Opo,wag po kayong mag alala".sagot niya dito ayaw na niyang pahabaain oa ang paghihintay ni Mara at baka lalo pa etong gabihin sa bahay nila. "Pasensiya ka na iha,paghingi ng paumanhin sa kanya ng driver". "Pasensiya na po at nagmamadali rin ako kaya di ko napansin ang sasakyan niyo". "Ihahatid ka na namin sa bahay niyo"sabi ng matangdang mukhang boss ng driver nito. "Hindi na po,salamat.Pasensiya na rin po sa abala,mauna na po ako".paalis na siya para makapunta na sa paradahan ng tricycle. May inabot etong maliit na papel. "Tawagan mo ako pag may kailangan ka iha".Iniwan nito ang calling card. Ewan ba niya at napakagaan ng pakiramdam niya sa matanda. Siguro ay dahil wala siyang kinagisnang lolo. Ganun din naman kay Mr. Zuares.Di niya maintindihan ang pakiramdam ng makita ang dalaga. Inabot eto ng dalaga at nagmamadali ng nagpaalam. Agad naman umalis ang tricycle na nasakyan niya. Pagbaba niya aya agad niyang nakita ang ayos sa harap ng bahay nila. Sabay ng sigaw ng "HAPPY BIRTHDAY" ng mga eto. Simpleng ayos lang sa harap ng bahay nila may balloons na halatang hinipan lang ng hangin sa bibig dahil sa iba't ibang hugis nito. Naluluha ang kaniyang mga mata. Agad namang lumapit ang kaniyang inay at niyakap siya ng mahigpit. "Maligayang kaarawan anak.Sanay nagustuhan mo ang nakayanan ni nanay"sabay halik nito sa kaniyang pisngi. "Salamat po."hinalikan din niya ang ina sa pisngi."Akala ko po nakalimutan niyo na.Napakasaya ko po sa gabing eto."naluluha parin siya.Puno siya ng emosyon sa mga oras na yun at talagang napakasaya niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay si Mara naman ang lumapit sa kanya at bumati. "Happy Birthday besfren"yakap nito ng mahigpit at bumeso eto sa kanya. "Salamat,besfren napakabuti mo talaga at kinuntsaba ka talaga ni inay".natatawa na niyang sabi dito. Ang sabi nito ay may pupuntahan siya kaya nauna na etong umuwi yun pala ay katulong nito ng nanay niya sa pag aayos sa simpleng kaarawan niya. "Siyempre,malakas si Tita sa akin.Tara ng maumpisahan na natin ang seremonyas"yaya nito sa kanya. "Happy birthday to you!,Happy birthday! Happy birthday!,Happy birthday,Leeenet!!!"sabay sabay nilang pagkanta sa kaniya. "Make a wish and blow your candle"ani Mara. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at umusal ng kahilingan sa isip niya sabay mulat at hinipan ang kaniyang kandilang hugis 18. Sabay sabay nagpalakpakan ang mga bisita niya. Wala mang mga seremonyas na gaya ng mga napupuntahan at napanood niyang may 18 roses and candles ay sapat na sa kanya dahil talagang napakasaya niya. Marami rung malalapit na kapitbahay,kafalasay costumer sa kanilang tindahan. Nandoon sila Vincent at Marco na isinama pala ni Mara at tumulong din sa pag aayos at nag ihip ng mga lubo. May mangilan ngilan din siyang regalong natanggap mula sa kaibigan at ilang kapitbahay. Nandoon din si Zander kanina pero hindi pa eto lumalapit sa kanya. Halos 2 linggo na rin etong naghahatid sundo sa kanya.At 2 araw na rin siya nitonh hindi sinundo dahil sa pinagtapat nito noong isang gabi. Kaya siguro kahit lumapit ay hindi nito ginawa.Nasa sulok lang eto kasama ng ibang kapitbahay. Pati pagkakaibigan nila ay naapektuhan na rin.Kaarawan niya ngayon kaya ayaw niyang masira ang mood niya na pinaghirapan ng inay niya mapasaya lang siya. Alas 9 na ng gabi ng matapos ang munting kasiyahan nakaalis na tin lahat ng mga bisita nila.Naligpiy na halos lahat ng kalat.Nasa loob na rin ang inay niyang napagod sa sorpresa sa kanya. Nasa labas pa siya at nililigpit ang huling mga kalat na ginamit ng bigla sumulpot sa likuran niya si Zandro.Humarap siya agad dito. "Happy birthday Lenet"sabay yakap nito ng mahigpit. Di siya agad nakakilos sa pagkabigla.Gumanti na rin siya ng yakap at agad na bumitaw dito at baka makita pa sila ng kapitbahay at inay niya ay baka akala ay mag relasyon sila. "Salamat akala ko ay di mo na talaga ako babatiiin."kunway nagtatampo siya para mawala ang pagkailang niya dito. "Regalo ko pala sayo buksan mo"abiy nito sa kanya ng pahabang red box. "Bumungad sa kanya ang silver necklace na may heart pendant."Salamat,sanay di ka na nag abala,Zandro"nahihiya siyang nagpasalamat dito. "Sanay tanggapin mo rin ang puso ko Lenet.Di naman ako nagmamadali dahil alam kong may pangarap ka pa at mga bata pa tayo.Pero sana ay bigyan mo ng pag asa ang puso ko"madamdaming pahayag nito. "Zandro..."magsasalita pa sana siya pero itinakip nito ang hintuturo sa labi niya. "Lenet hayaan mo sana lang ako,gaya ng sabi ko di ako nagmamadali.Happy Birthday ulit.Mauna na ako"bumitaw na eto sa kanya sabay talikod na nito. Naiwan naman siyang naguguluhan sa damdamin para sa kababata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD