Chapter 8

1129 Words
Hawak ni Aling Lorna ang batok niya.Napapadalas ang pagsama ng pakiramdam niya.Di niya pinapaalam kay Lenet ang nararamdaman niya.Paniguradong mag -aalala lang eto pag sinabi niya. Dalawang Linggo nalang at sasapit na ang ika labing walong kaarawan ng kanyang anak. Hawak niya ang listahan ng mga kakailanganin niya para rito. Isang simpleng salo-salo para sa mga kaibigan ng anak at mga kalapit na kapit bahay. Nakaipon naman siya ng maliit na halaga para sa kaarawan nito. Samantala nasa canteen ng University sila ni Mara para sa pananghalian. Malapit na ang ikalabing walong taon mo Lenet.Dalawang Linggo mula ngayon,hindi ba?tanong ni Mara. "Yun ba,nahihiya naman akong magsabi kay nanay.Pero siguro kahit pansit naman ay ipaghahanda niya ako."paniniguro niyang sagot dito. Alam naman niyang mahirap lang sila kaya di na niya hahangaring magkaparty kasi alam naman niya ang sitwasyon ng katayuan nila sa buhay. "Uu naman my frenship.Sigurado yan!.Taon taon naman ay may papansit ka.At ang sarap ng luto ni Tita Lorna"nag iimagine pa ang mukha nitong sarap na sarap sa pagkain. "Anong gusto mong regalo?"tanong nito. "Hay naku,yung makasama ko kayong mga mahal ko sa buhay ay sapat ng regalo sa araw na iyon", totoo sa puso niyang sagot dito. "Kaya love kita frenship,napakahumble mo",sabay yakap sa kaibigan niya. Pagkaalis sa Canteen ay diretso na sila sa susunod nilang klase. Lumipas ang maghapon at pauwi na siya. Mag isa lang niya dahil di na niya kaklase si Mara sa huling subject niya. Papalabas na siya ng gate ng matanaw si Zandro.Nakasakay eto sa nakahintong motor.Kandahaba ang leeg sa pagtanaw sa mga taong lumalabas. Napangiti eto ng mapansin siya. "Hi Lenet"bati nito "Oh,anong ginagawa mo dito?naligaw ka yata"pagbibirong tanong naman niya dito. "May dinaanan kasi ako dito sa malapit sa University mo kaya naman,nagbabakasakali akong baka di ka pa nakakauwi.Isabay na sana kita pauwi?"nahihiya pang pagpapaalam nito. Napanguso naman siya dito.Ano na naman kayang nakainin nito?tanong ng isip niya.Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan niya eto total ay kaibigan naman niya eto at kababata.Sa huli ay napapayag din niya ang isip na sumama dito. "Oh wag kang mag isip ng iba.Ang haba na nga nguso mo baka sumayad sa lupa at maapakan mo pa."Pang aasar naman ni Zandro,dahil kabado ang dibdib niya sa pagpayag nitong maiangkas niya. Lalo namang humaba ang nguso niya. "Gusto mo ba akong sumakay diyan o aasarin mo nalang ako?pagtataray niya dito. Inabo't nito sa kanya ang extrang helmet. Siya na rin ang nagsuot nito sa kanya. Medyo namula toy ang pisngi niya sa malapitang natanaw niya ang hwapong mukha nito. Buti nalang at natakpan na nito ang mukha niya. Gwapo naman ang kaibigan niya.Naalala niya tuloy na nagka crush siya noon dito pero ngayon parang normal nalang at sigurado siyang hanggang kaibigan lang ang turing niya rito. Di naman iyon malalim na pahanga at sa tingin niya ay humahanga lang siya dahil gwapo eto at mabait basta huwag lang siyang laging inaasar nito at napipikon talaga siya. Binaba siya nito sa harap ng kanilang pwesto. Pagkababa niya ay nagmano siya agad sa inay niya. 'Mano po inay." "Oh aba Zandro,ay kaganda naman ng motor mo mukhang si Lenet ko pa ang nakapagbinyag niyan ah."pagbibiro ng nanay niya. "Nadaanan ko po kasi si Lenet,sinabay ko na po pauwi"sagot naman ni Zandro sa inay niya. "Ay ganun ba mabuti naman,mag ingat ka lagi sa pag mamaneho mo niyan at huwag mabilis sa pagpapatakbo".pagbibilin sa kanya ni Aling Lorna. "Opo Aling Lorna,iningatan ko naman po ang mahal na prinsesa at naiuwi ng ligtas sa inyo."Pang aasar na nito. Sabay pang tawa ng inay niya at ni Zandro. Siya naman magkadikit na naman ang kilay. Hinawakan nito ang kilay niya at kunway pinapantay ni Zandro. "Ikaw naman di ka na naman mabiro."pag amo nito. "Mauna na po ako sa inyo Lenet,Aling Lorna"Paalam na nito. Abay di ka ba muna magpapasalamat anak at nalibre ka na nga sakay. "Hay,di ko naman pinilit isakay niyang mokong na yan!kunway pagmamaktol niya sabay pasok na ng bahay.Di talaga nagpasalamat.Manigas ka sabi pa niya sa sarili niya. "Oh siya,salamat Hijo.Ako nalang ang magpapasalamat sa iyo at ang dalaga koy tinupak na"Natatawang sabi nito. "Wala po iyon,bukas pag natyambahan ko ito baka malamig na ang ulo isabay ko po ulit kung okay lang po sa inyo?"Lakas loob niyang pagpapaalam sa ina ni Lenet. "Naku kung di abala sa iyo ay walang problema at alam kong si Lenet koy safe sa iyo." "Salamat po kung ganun.Sige po mauna na ako." "Sige,mag-iingat ka". Dinig niyang pinagpaalam siya nitong maiangkas ulit.Kainis ka talagang lalaki ka.Parating na naman yata ang dalaw niya at si Zandro ang napagdiskitahan niya.Alam naman niyang iniinis lang siya nito. Nagbihis muna siya bago puntahan ang nanay niya sa pwesto nila. Ako na po diyan inay. Siya magpapahinga muna ako saglit,ikaw na muna ang bahala diyan. Ay siyanga pala pag bumalik si Zandro ay pasalamatan po pa rin naman.Di ko na naalok ng meryenda. "Opo inay"pagsang ayon na rin niya para di na eto humaba. Alas siyete na nga gabi ng maubos ang lahat ng paninda nila.Siya na ang nagligpit lahat.Nadatnan niya ang inay niya sa mahabang sofang kahoy na natutulog. Naawa naman siya sa inay niya. Kunting tiis na lang inay at makakaraos din tayo. Marahan niya etong hinaplos at dinampian ng halik sa ulo. May kaunting paghilik eto,halatang malalim pa ang tulog kaya dahan dahan lang siya kung kumilos. Naligpit na niya lahat alas 8 na ng gabi pero tulog pa rin ang inay niya. Tumambay muna siya sa upuang kahoy para sa mga costumer nila.Wala naman siyang kailangang pag aralan ngayon. "Ang lalim naman ata ng iniisip mo?"Tinig ni Zadro.Bahagya siyang nagulat dito. "Ikaw na naman?!,kunway pagalit na bati niya dito. Tumabi eto sa upuang kaharap niya. Medyo madilim sa pwesto nila dahil pinatay na niya ang switch ng bombilya kaya tanging galing sa streets light na malapit nalang ang bahagyang nagbibigay liwanag. "Salamat pala sa paghatid kanina di ka na sana nag abala". "Maliit na bagay Lenet.Bukas daanan kita,hatid kita sa University, pagpapaalam nito. "Hmmm...naku Zandro,baka naabala ka na sa akin ang lapit lang ng University ko tsaka ibang way pa ang sa University mo",pagtanggi niya rito. "Lenet anak,andyan ka ba?" tawag ng inay niya. "Oh,hinihanap ka na ng inay mo.Mauna na ako,basta bukas hatid kita",final na sabi nito. Umalis na eto ng hindi na hinintay ang sagot niya. Pumasok na siya sa bahay. Nasa kusina ang inay niya nghahanda ng hapunan. Niyakap niya eto. "Anong nagyari sayong bata ka?May kailangan ka ba?",pagbibiro nito. "Wala po,nilalambing ko lang po kayo. Inay salamat alam kong napapagod ka na sa pagtataguyod ng mag-isa sa akin",pagdadrama niya. "Kunting tiis nalang po,ako na rin ang bahala sa inyo"dugtong pa niya "Ikaw talaga.Kumain na nga tayo" Masaya silang naghapunan at ng matapos ay nagpasya na ring matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD