Chapter 14

1444 Words
Pagkababa ng tricycle ng Tita Lisa niya ay agad niyang niyakap eto at humagulgol sa balikat nito.Panay din ang iyak nito ng yakapin niya.Pati na ang ate Cha-cha niya ay may luha sa mga mata.Ang Tito Luis naman nila namumula na rin ang nga mata.Bakit sa ganitong pagkakataon pa kasi sila nagkita-kita. "Tita iniwan na po ako ni inay... "lumuluhang sabi niya.Tanging sila na lang ang pamilya niya. "Tahan na,Lenet.Wala na tayong magagawa dahil iniwan na tayo ni Lory.Mas malungkot yun pag nasasaktan tayo ".Pang-alo nito pero kahit eto ay nahihirapan ding tanggapin na wala na ang kapatid. Bumitaw siya at yumakap din sa Tito Luis niya. "Nakikiramay ako,iha.Magpakatatag ka nandito lang kami ng tita Liza at ate Cha-cha mo "pagpapakalma din nito sa kanya. "Salamat po..."nang bumitaw siya ay si Ate Cha-cha naman ang niyakap niya.Mas maliit eto sa kanya.5 feet lang eto samantalang siya ay 5'5 naman. "Ate Cha-cha,na miss kita"umiiyak pa rin siyang niyakap eto. "Na miss din kita.Nakikiramay ako,Lenet.Tahan na.Ang laki mo na.Parang ikaw na ang ate sa ating dalawa".nakapagbiro pa eto para pagaanin ang sitwasyon. "Pumasok muna tayo sa loob"wika ng Tita Liza niya di naman karamihan ang dala ng mga eto kaya hinayaan na niyang bitbitin nila ang mga gamit nila.Kahit pinilit niyang tulungan ang nga eto. "Dalawa naman ang kwarto ng bahay kaya sa kwarto niya sila tumuloy ng Ate Cha-cha niya.Ang Tita Liza niya ay dumungaw muna sa labi ng Inay niya. "Anong plano mo ngayon Lenet.Mag isa ka nalang dito sa bahay ni Lola." "Hindi ko pa naisip kung ano ang dapat kong gawin".Sa totoo lang wala talaga siyang alam sa susunod na mangyayari sa buhay niya.Para siyang isang basang sisiw na iniwan ng inahin.Minsan ang lupit ng kapalaran sa kanya lahat na lang sila iniwan siya.May nagawa ba akong masama na di nagustuhan ng Langit kaya ako pinaparusahan ng ganito. "Nabanggit ni mama na baka doon ka muna sa amin.Kausapin ka niya mamaya para malaman mo kung ano ang gagawin mo pag nailibing na si Tita".nakapikit na etong nagsasalita habang nakahiga sa kama niya. Parang maiiyak na naman ang mga mata niya pero parang malapit na yata siyang maubusan ng luha sa araw araw na pag iyak nya. "Tumahan ka na.Lalo lang malulungkot doon si Tita pag nakikita ka niyang umiiyak lagi.Ang ganda mo pa naman para mamaga lang ang mga mata mo."nakatitig na pala eto sa kanya kaya nakita nito ang takas na butil sa kaniyang mga mata.Umupo nalang din eto sa tabi niya at pinahiran ang luha niya at yumakap pa. Masayahin talaga ang ate Cha-cha niya.Yung kahit malungkot na sitwasyon ay kaya niyang pagaanin.Naalala niya nung namatay din ang tatay niya.Siya din ang karamay niya dahil panay ang iyak niya.Lagi siya nitong sinasamahan matulog sa kwarto dahil na mimiss niya ang itay niya. "Salamat at dumating kayo.Kumusta pala ang buhay sa Maynila.20 na rin eto at mahigit dalawang taon din ang agwat nila.Balita niya ay working student din eto.Sa kompaniya ng amo ng Tita Liz niya eto nagpapart-time. "Part timer ako sa kompaniya ng mga Lopez.Business management ang kurso ko"tumayo eto at kinuha ang cellphone sa bag. "Sana makahanap din ako ng part-time job para makapag-aral pa ako.Malaki ba ang sasahurin sa ganiyang trabaho?"tanong niya dito. Umupo ulit sa tabi niya ang Ate Cha-cha niya sabay pakita ng stolen shot ng mukha ng isang lalaking nakasalamin at mukhang matangkad na parang may kinakausap.Halatang magandang lalaki eto.Sa tingin niya ay nasa edad 20 pataas pa lang.Artista ba eto?tanong ng isip niya.Abay napakagwapo at matikas ang pangangatawan. "Okay lang naman ang sahod ng part-timer.Nakakatulong na rin kay Mama para di ko na kunin lahat sa kanya. Anak ng Boss namin ni Mama. Ayan si Sir Hector,ang gwapo diba?" "Okay lang"nahihiya niyang pag-amin.Ayaw naman niyang ipahalata na malakas ang appeal nito kahit picture lang. "Naku pag nakita mo yan sa personal,ewan nalang yang "okay" na sagot mo". "Crush mo lang kasi"pagbibiro niya dito. "Naku minsan ko lang natyambahan kaya ayan pinicturan ko agad"pag amin nito habang tumatawa.Walang may hindi crush yan sa office.Babaero lang daw at dating sakit ng ulo nila boss.Ngayon ay siyang namamahala sa branch ng kompanya sa America at nasa Pinas ngayon kasi may sakit ang Daddy niya"mahabang paliwanang nito. "Sana ako din pweding pumasok doon kaso 1st year College pa lang ako".Pagiba na niya ng topic mas interesado siyang makahanap ng trabaho. "Sumama ka na sa Manila at tulungan ka namin ni mama para makatapos ka ng pag aaral mo". "Naku nagaa-aral ka pa din at ng kapatid mo kaya baka magiging pabigat pa ako sa inyo ni nila Tita".nahihiya siya at ayaw niyang inaasa ang sarili sa iba. "Kailan ka naman naging pabigat?Kami nalang ang natitira mong kapamilya kaya tayo tayo na lang ang magtutulungan". "Sige paero maghahanap din ako ng trabaho sa Manila pag sumama ako doon".desididong sagot niya. "Si mama pwedi ka niyang ipasok sa trabaho niya kung gusto mo talagang magtrabaho pero sa akin ay kahit hindi na mainam na magfocus ka sa pag aaral mo lalo at eskolar ka daw dito.Hanap tayo ng school na nagpapa-eskolar". "Gusto ko din gaya mo para makatulong din ako.Sige kausapin ko si Tita na ipasok niya ako doon sanay ako sa gawaing bahay at masarap din akong magluto gaya ni Tita".nakangiti niyang sagot. "Ay bongga kung ganun malay mo dalawa kayo ni Tita na magluto.Napapagod na rin si Mama doon.Wala lang kapalit na masarap magluto sa kanya dahil ang anak ni Boss na si Sir Hector luto ni Mama ang hinahanap pag nandoon pati si Ma'am Henny". "Talaga masilan talaga ang mga mayayaman sa pagkain".komento niya "Sinabi mo pa.Pero masarap talaga kasi si Mama magluto".proud nitong sagot. "Oo naman,walang makakatalo kay tita".pagsang-ayon niya dito. "Baka gusto mo munang magpahinga,maiwan muna kita dito sa kwarto"tumayo na rin siya at humiga na ulit eto. "Sige pakisabi kay Mama pag hinanap ako.Iidlip lang ako,di kasi ako nakatulog sa biyahe".sabay pikit na nito. Iniwan na niya eto dahil kita na niyang napagod nga ang pinsan.Asikasuhin an muna niya ang pagkain para kila Tita niya at ibang kailangan ng mga nakikiramay. Nasa kusina siya ng lumapit si Zandro sa kaniya.Seryoso etong nakatingin sa kanya. "Oh nadiyan ka na pala.May kailangan ka ba?Tubig o nagugutom ka ba?". Hindi eto sumagot pero bigla siyang niyakap ng mahigpit na animoy mawawala siya. "Zandro baka makita tayo ni Tita"sabay tapik sa likod nito para bumitaw sa kanya "Nandito na ang Tita mo.Sasama ka ba sa kanila sa Manila?"malungkot nitong tanong.Pero kita sa mata niya ang sagot dito. "Zandro...".Naawa siya sa mata nitong nagbabadyang lumuha.Ayun na nga at pumatak ang luha nito. Naawa siya dito kaya nilapitan niya at niyakap.Yumakap din eto ng mahigpit pero humihikbi ng impit.Naiyak na rin siya.Mamimiss niya eto.Pero wala siyang espesyal na nararamdaman dito kundi pagmamahal ng isang kaibigan at kapatid lamang.Ayaw niyang saktan ang damdamin nito pero kailangan. Humiwalay siya dito at nagpunas ng luha.Pinunasan rin niya ng kamay ang mukha nitong nabasa ng luha. "Sana maintindihan mo ako.Wala na akong pamilya dito.Sila Tita nalang ang tanging pamilya ko". "Pero paano naman ako Lenet?Mahal na mahal kita".nag-susumamo nito ng wika. Naawa ako kay Zandro pero di ko pweding tugunan ang damdamin nito.Mas pipiliin ko nalang na tapatin eto kaysa umasa sa wala.Mga bata pa kami.May mahahanap din etong mas higit sa akin sa tamang panahon. "Pasensiya na Zandro.Pero pagiging magkaibigan lang talaga ang kaya kung isukli sayo.Gaya ng sinabi ko ay mga bata pa tayo.Makakalimutan mo din ako at makakahanap ka ng babaeng para sayo".ayaw niya etong paasahin kahit siya ay nasasaktan din para dito.Isahang sakit na lang para mabilis maghilom.Bugbog na ng sakit ang puso niya. "Ang sakit Lenet dahil ikaw lang ang gusto ng puso ko".nag-susumamo talaga nitong pahayag ng damdamin. "Zandro..."kahit siya ay wala ng maapuhap na sasabihin dito.Naawa siya pero sa maling panahon eto nagtatapat na di niya sigurado ang damdamin niya dahil ang nasa isip niya ay mga bata pa sila kaya pagtinging kapatid lang talaga at pagkakaibigan ang kaya niyang isukli. "Lenet pasensiya ka na.Hahanapin kita sa Manila.Pag nasa tamang edad na tayo.Sanay hintayin mo ako".Parang nahimasmasan naman na eto. "Mabuti pa ay pag aaral mo muna ang isipin mo at huwag muna ako".Ayaw niya etong paasahin. "Ikaw ang gagawin kong inspirasyon Lenet.Pag alis mo ay papasok ako sa PMA sa Baguio para hindi kita mamiss.Pero pangako ko sayo hahanapin kita sa Manila,hintayin mo lang ako.Pakakasalan kita..."madamdaming wika nito. "Gawin mo ang lahat para sa sarili mo at sa pamilya mo,Zandro.Huwag mo akong isipin".Hawak na nito ang mga kamay niya. "Parte ka na ng puso ko,Lenet"pahayag pa rin nito. "ehemn!"isang tikhim ang kumuha ng atensiyon nila sabay hila ng mabilis sa na kamay na hawak ni Zandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD