Chapter 2

1303 Words
Araw ng Sabado,wala siyang pasok at pahinga rin nila ng nanay niya.Nasusulit naman niya ang tulog,bandang alas 9 na ng umaga siya nagising.Habang ang inay niya'y nasanay ng 5 ng madaling araw ay nagwawalis na yata.Ganun daw yata ang mga tumatanda. Ngayon palang mahuhugasan ang lahat nga nagamit sa pagtitinda.Siya ang nakatuka sa gawaing iyon. Naubos ang lahat ng paninda nila,gawa ng umuwing panalo daw ang Team nila Zandro kaya nagkakayayaan at may kunting inuman kaya pinakyaw ang tirang isaw,betamax at adidas.Tuwabg tuwa naman ang inay niya.Di mahigpit si Mang Tony gawa ng Sabado naman at wala ring pasok sa Unibersidad bukod pa sa lalaki ang anak at pinagdaanan din naman daw nila nung kanilang kabataan,minsan din ay nakikibonding pa sa barkada ng anak. Dahil bakod na kawayan lang ang pagitan ng kanilang tahanan dinig ang kasiyahan,alam naman ng mga eto na may kapitbahay silang maaring maingayan kaya't bandang alas 9 ng gabi ay nagsiuwiian na rin ang mga eto,kaya't may sapa't siyang tulog kagabi. Nag-agahan na muna siya bago simulang hugasan ang lahat ng mga nagamit kagabi pati na rin ang pinagkainan niya.Di na sumabay ang inay siguro ay nangapit bahay na rin.Ganitong araw weekends ay tsaka lang nahaharap ng inay niya ang makihalubilo minsan sa knilang mga kaibigang kapitbahay.Sa malamang ay nakila Aling Nina eto,minsan dun nahingi ng talbos ng kamote,sagana kasi sila sa mga talbos pati kankong. Saktong natapos niya ang hugasin ng dumating ang inay niya. "Oh anak gising ka na pala" bitbit nito ang mga talbos ng kamote at may 2 pirasong talong na may katamtamang haba. "Opo inay,naligpit ko na po lahat ng mga nagamit kagabi".Tagaktak ang pawis niya sa noo,pati kili-kili niya'y halatang pawis bakat sa kamesetang dilaw na kupasin."Nag almusal na po ba kayo?Mukhang kayo na ang umuubos niyang takbos ng kamote ni Aling Nina"natatawa niyang sabi. "Hay naku anak,sa dami nun kahit araw araw kong kuhanan hindi ata mauubos" nakangiti nitong bawi."May pahabol pa ngang 2 pirasong talong". Iiling iling nalang at natatawa si Lenet sa biro ng inay niya at itinuloy na ang ginagawa. "Tok!Tok!"Tunog ng katok mula sa pintuang bahagya lang na nakabukas kaya di masyadong kita ang tao sa labas"Tao po?mula sa pamilyar na tinig.Niluwa nito si Zandro na may bitbit na tupperware mga pinaglagyan ng mga inihaw at malaking botelya na pinaglagyan naman ng sauce kagabi. "Ikaw pala Zandro,tuloy ka"wika ng nanay niya habang niluluwagan ang bukas ng pintuang gawa sa plywood. "Magandang umaga po Aling Lorna,pagbati nito.Ibabalik ko lang po etong mga nahiram ko kagabi" Tsaka pa lang nito napansin si Lenet na nagsasalansan ng mga gamit sa lumang lagayan ng mga plato. "Magandang umaga rin sayo Lenet"bati nito sa dalaga,medyo namumula ang pisngi niya habang nakasulyap dito.Di naman eto napansin ng dalaga at busy sa ginagaw at kahit ang inay nito medyo di kasi gaanong maliwanag sa kanilang kusina. "Magandang umaga din sayo",balik bati ng dalaga pero di sumulyap sa kanya,halatang focus eto sa ginagawa. "Salamat din hijo,kumusta ang kasiyahan?Mukhang nag enjoy kayo ng mga kaibigan mo"habang inaabot sa kamay nito ang mga lalagyang halatang malinis na ibinalik. "Maayos naman po,di na nagtagal at nakakahiya naman na rin po at baka nakakaistorbo sa inyo at ibang kapitbahay",di rin kasi maiwasang minsa'y may tatawa o sisigaw sa kasiyahan lalo pag napapasarap sa kwentuhan at tamado na rin. "Naku okay lang iyon pagka't sabado naman sa kinabukasan"wika ni Aling Lorna."Di ba Lenet,naingayan ka ba?"tanung nito sa anak. "Sanay na rin po tayo,pag may naingayan sa kanila asahan na natin ang mga bato sa bubong ng bahay nila"natatawa niyang biro. "Huwag naman po,baka may bukol kaming magsipasok sa Unibersidad",balik biro naman ni Zandro.Sabay tawanan nilang tatlo Kabiruan naman nila eto lalo nung kabataan nila,sila sila din ang mga magkakalaro.Childhood crush nga niya eto.Pero siyempre siya lang ang nakakaalam noon.Kahit oarehas ng eskwelahan sa elementarya ay magkaiba sila ng section,siya ay section 2 eto namay sa section 1.Sa paglipas ng panahoy parang kapatid nalang niya eto kung ituring wala na ang damdaming tinatawag na puppy love para dito. Umalis na rin eto matapos magpaalam sa kanila.Tumunog ang cellphone nito.Aalis din ulit makikipagkita sa mga barkada. Matapos ang mga gawain sa bahay ay nagbuklat muna siya ng kanyang mga aralin.Siniguro niyang wala siyang mga takdang aralin na di napasadahan. Kailangan din niyang mapagtuunanan ang kanyang grades at mapanatiling di bababa sa 90 ang grado niya para direderetao ang scholarship niya.Malaking ting din yun sa pag aaral niya baon at mga kailangan nalang sa eskwelahanan di na niya iisipin ang tuition fee niya.Yun lang kasi ang eskwelahan na pangkolehiyo ang kaya niyang pasukan. Dumating si May-May bandang alas4 ng Hapon,bitbit nito ang librong Math4.About Dibisibility pala ang assignment nito.Medyo pamilyar siya sa topic na eto kaya siguradong matutulungan niya eto. "Ayan ha naintindihan mo na ba? di ba madali lang.Pansin mo nagtatapos sa 0 ay divisible by 10 at 5 yan,divide mo lang ang gaya nito 430÷10=43,walang dicimal point ang nakuha nating sagot.Tatango tangong sagot ni May-May.Mukha namang naintindihan nito."Basta pag-aralan mo lang yung divisibility rules para madali lang sayo ang magiging quiz niyo bukas". "Salamat po ate Lenet",nakangiti nito sabi."Sana pag nagising ako sa Lunes maalala ko pa",hagikhik nito,kakamot-kamot pa sa ulo. "Oh may kuto ka na ata,pang-aasar niya rito,alam naman niyang di rin eto kagalingan sa klase dahil mas madalas paglalaro pa rin ang hilig nito. "Ano yan May-May pinagod mo lang eyong si Lenet pag ganun kaya galingan mo abg quiz mong yun"sabat ni Zandro nasa likuran lang pl nila eto,nakikinig sa kanilang dalawa. "Disibility lang yan May-May"nakangiting ngising nakakalokong singit naman ni Kiko,nakababatang kapatid ni Zandro.Naroon din pl ang mga eto't di nila namamalayan. Sabay batok naman ng di kalakasan ni Zandro dito."Aray naman kuya Zandro, nananakit" sinamaan lang nito ng tingin ang kuya niya.Matangkad si Zandro 5'7 na eto kaya takot lang sa kuya niya. "Nagmamagaling ha,at puro palakol ang grades mo.Madali ka diyan"pang-aasar nito sa kapatid. Himas himas ulo si Kiko kunway sobra namang nasaktan."Ei bakit ka din dyan,akala mo naman ay sobrang talino din",ganting sagot kay Zandro. "Hay naku mga kuya kong pogi,ang kukulit niyo na naman dito".Saway ni May-May habang salubong na kilay. Madalas nga pag nasa pwesto ng tindahan sila habang di pa sila nagtitinda sa lilim ng puno ng alateris sila at natyambahan ng mga eto ay sa kulitan na punta ng eksena nilang apat. "Section 1 ako nung Elementary ha,ano ka!"pagmamayabang ni Zandro. "Aba-aba naman Zandro,alam kong mahangin na sa labas abay mas lalo pa atang lumakas"pang aasar ni Lenet."Ikaw na po ang section 1 at ako sa section 2!"sabay irap niya. "Laaaah,inaapi ka ate Lenet".sol-sol ni Kiko.Umiwas na agad sa kuya niya at muntik naman siyang makatikim kaya kumaripas na agad ng takbo papuntang bahay nila. "Talaga kang kumag ka mamaya ka sa akin!pikon sa kapatid na pahabol nitong sigaw. "Pati bata pinapatulan",bulong ni Lenet pero abo't pa rin sa tenga nito. "Damulag na kaya yun",kaya ikaw May-May galingan mo sa eskwelahan gaya ni ate Lenet mo"pambawi niya rito, "Opo kuya Idol ko po talaga si ate Lenet"sabay yakap sa dalaga.Halatang close na close eto sa kanya. "Aba mga magpinsan nga"natatawang sabi ni Lenet. "Power hug ba yan payakap din ako,akmang yayakap na rin sana si Zandro pero nakurot na ang tagitan nito."Aray ko!,grabe ka naman Lenet may sumama yatang balat sa kuko mo". Tawa ng tawa si May-May nakayakap parin eto. "Magtigil ka Zandro,amoy pawis ka!saway ni Lenet.Tsupe! na ay at erereview ko pa etong si May-May. "Sungit!kung di ka lang...maganda" bulong nalang niyang natatawa ang huling kataga kaya di na umabit ng pandinig niya Anong sabi mo!?mukhang galit nitong sulyap kay Zandro. "Sungit di naman maganda!"sabay karepas ng takbo at hinugot na ni Lenet ang tsinelas niya "Antipatiko talaga"Iiling-iling na lang si Lenet.Si May-May naman wala ng ginawa kundi tumawa. "Hala review na at wala ang mga makukulit".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD