Chapter 5

1169 Words
Sa sumunod na araw ay busy si Lenet sa activities nila sa school.2 buwan nalang kasi ay matatapos na ang second semester. Nasa canteen sila ngayon para tumambay at hintayin ang susunod na klase na after 30mins ay magsisimula.Katatapos lang kasi ng subject nilang Literature kay prof Liz. "Mara,nakopya mo ba yung assignment kay prof Liz kanina sa blackboard?tanong niya sa kaibigan niya. Sa haba kasi ng nakasulat doon ay tiyak na tinamad na naman etong magsulat. Totok eto sa pagdotdot nito ng cellphone."Ikaw ba"?balik tanong nito "Uu naman.Di mo naman kinopya ano",pagkukumpirma ko. "Hayz,ikaw talaga.Ayan bilisan mo,medyo mahaba haba yan kaya bilisan mo at di ko yan mapapahiram sayo ngayon at may quiz din tayo bukas",mahabang litanya ko sabay abay abot sa harap nito ng notes ko. "Alam ko namang parang kidlat kang magsulat kaya sigurado akong natapos mo",humahalakhak niyang wika.Nakatingin pa rin sa cellphone niya. "Pipicturan ko nalang yan mamaya at kailangan kong talunin etong kalaban ko"sabay ngisi nitong nakakaloko. Magkaklase na sila noong high school at ganoon na ang gawain nito.Minsan talagang di na siya nagsusulat hintayin nalang niyang gawin ni Lenet at pati answer ay diretso na nitong kokopyahin.Natatawa siya sa kalokohan nito. Habang panay dotdot si Mara ay siya naman ay nagbabasa ng mga aralin niya. Yessss!!!biglang bulalas nitong si Mara sa tabi. "Oy,abay napano ka naman?" Sita nito sa katabi."Daig mo pa ang nanalo sa Lotto" dagdag pa niyang sabi dito. Bokya si kolokoy ngayon haha.Savage!!!pasigaw pa nito. Iiling-iling nalang si Lenet sa kanyang kaibigan. Maya maya ay papalapit na din si Marco at Vince ang kaklase nila sa susunod na subject.Iba ang kurso ng mga eto sa kanila kaya minsan lang nilang nakakakwentuhan.Mga Nursing students na napadpad sa klase nila gawa ng puno na ang ibang English class daw. "Hi girls" bati ni Marco sabay upo sa katapat nilang upuan sa iisang lamesa.Nakabusangot naman si Vince na sumunod dito.Tumango lang sa kanila.Beast mode ata.Suplado naman talaga eto. "Oh ang aga niyo ata 15minutes pa bago magsimula ang English subject natin ah" wika ni Mara sabay tingin kay Vince na nagdodotdot na ngayon ng cellphone. "Eto kasing si Vince nag aya na.Natalo na kasi sa ML"sagot naman ni Marco.Madalas maglaro ang mga eto ng usong online games na ML. Makahulugang ngumisi naman si Mara kaya nagdududang tumingin sa kanya si Lenet.Di kasi nito alam na siya ang kalaban niya sa ML,nabanggit kasi ng kuya Nathan nito na kaTeam niya sa ML si Vince kaya naman nagsumikap siyang magML at doon ata siya magaling kaysa sa academics niya. Kahit paano ay di hirap sa buhay ang mga eto na di gaya niya kaya maganda pa ang mga cellphone na gamit ng mga eto.Siya ay naka second hand na cellphone lang para makasagap ng wifi para sa mga activities nila.Kailangan kasi ay makasabay din siya sa takbo ng makabagong teknolohiya kahit papano. Saglit na kwentuhan bago tumuloy sa susunod na subject.Si Mara ay pinicturan nalang sa Cellphone ang assignment nila.Sa bahay nalang daw niya kokopyahin.Bahala na nga siya sa buhay niya, magkumahog siya diyan mamayang gabi. English 1 naman ang sumunod nilang subject.Their topic is about Ielts.Their professor asked them to focus sa listening then afterwards they had their recitations regarding a short story na pinakinig sa kanila. Focus na rin silang 4 na magkakatabing nakaupo sa isang row sa may second set sa unahan si Lenet napagitnaan nila si Mara at Marco sa dulo naman si Vince na laging sa dulo ang pinipiling umupo.Minsan pag may tanong o komento sa isa't isa tsaka lang mag kausap.Mahigpit kasi ang professor nila pag may fi nakikinig.It goes smoothly naman kaya nairaos niya ang subject niya. Umuwi siya agad ng bahay para matulungan ang inay niya sa pagtitinda inihaw na ititinda.Naabutan niya etong nagtitinda na sa harap at may mang ngilan ngilan ng costumer na nag aabang ng inihaw.Nagmano lang siya at pumasok ng bahay upang makapagbihis na. Kinuha na niya sa inay niya ang pamaypay at siya na ang umistima sa mga costumers para makapagpahinga na muna ang inay niya at buong araw etong naghanda ng mga paninda nila.Naawa man siya sa kalagayan nila ay wala siyang magagawa sa ngayon. Pinipilit niyang makapagpatuloy sa pag aaral dahil yun lang ang alam niyang pag asa para makaahon sa kunting kahirapan pag naging guro na siya. 7 taon simula ng pumanaw ang tatay niya ay lumipat sila ng Mindoro. Nung nabubuhay eto kahit paano ay di ganun kahirap ang buhay nila dahil nakatira sila sa Maynila at sa Pabrika nalipat magtrabaho ang tatay niya. Dati daw yaya sa isang mayamang pamilya si inay at si itay naman ay dating hardinero din.Nang mabuntis si inay sa akin ay nagpakasal sila at nagresign doon.Mabait naman daw ang mga amo nila pero nahihiya din silang doon pa rin magtrabaho lalo at buntis na si nanay stress na daw ang mag alaga lalo at makulit na batang lalaki ang alaga nito. Nakakapagtahi ng mga basahan din si inay kaya may dagdag na kita rin na naiaambag kay tatay.Tsaka maliit pa ako kaya di pa ganun kalaki ang gastusin.Kahati rin nila sa renta ng bahay ang Tita Liza niya na noon ay kahihiwalay lang sa asawa kaya pumisan sa kanila kasama ang anak nito. Pero nung namatay ang itay nito ay mas pinili ng inay niya na bumalik ng Mindoro dahil may sakit din ang lola niya,ang nanay ng inay niya. Kailangan alagaan eto ngunit pumanaw din eto ilang buwan kaya sila na ang tumira sa bahay nito. Ang tita Liza din niya ay ipinasok ng inay niyang kasambahay doon sa dating amo ng inay at itay niya bago sila bumalik ng Mindoro.Nagresign sa maliit na tindahang pinapasukan nito para tipid na raw libre ang bahay doon sa amo niya.May isa etong anak at hiwalay sa asawa pero nasa asawa nito ang anak nila para makapagtrabaho daw eto. 7 taon na silang ganoon ang ikot ng mundo nila.Nakakasawa pero wala siyang pagpipilian kundi magsumikap na makapagtapos para sa inay niya. Pangako niyansa sarili niyang di lang siya para sa Mindoro kung kailangang mangibang bansa rin siya ay gagawin niya.Mag iipon siya ng pera pag may trabaho na siya maghahanao ng maganda mapapasukan kung di sa Pilipinas ay sa ibang para mas malaki ang sasahurin niya. Mataas ang kanyang pangarap kaya naman nag aaral siyang mabuti.Pinagsisikapan niyang maging mas magaling pa kahit nahihirapan siyang pagsabayin lahat minsan. "May barbeque pa ba?Naku naubusan na ata ako"boses ni Aling Jacky. Nagising nalang siya sa pagmumuni muni noong mas magdagsaan na ang mga mamimili inihaw nila na madalas para sa Hapunan.Malalim nalang siyang bumontong hininga at pinagpatuloy ang patitinda. "Meron pa pong 5 tusok kunin niyo na po Aling Jacky"ngiti niyang sagot dito. "Sige, saktong pang ulam.Pakidagdagan nalang ng sauce yung maanghang at matamis paghiwalayin mo nalang,Lenet." Paalala pa nito. Mas madalas pang maunang maubos ang sauce nila kaysa paninda kaya minsan ay suka nalang na may sibuyas ang nabibigay nilang sawsawan sa mga eto. Yun ang specialty ng inihaw nila na binabalik-balikan ng kanilang mga costumers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD