"Mama?" tawag ko sa kanya. Nandoon lang siya nakatayo sa may pintuan, kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ano po ang ginagawa niyo dito? Ayos ka lang po ba?" tamong ko sa kanya pero abala siya sa pag-iwas ng tingin niya sa'kin. "Eh, kasi, gusto ko lang magpahangin at dumito muna bago ako lumabas ng ospital," sagot niya at ngumiti. Ngumiti ako sa kanya at sinamahan siya papalapit kay Andrei. "Mabuti naman po kung ganun." "Ano ang ginagawa niyo?" tanong niya habang nakamasid sa ginagawa ni Andrei. "May iniimbestigahan kami kasi ulit Mama, nadagdagan kasi ang biktima ng serial murder." paliwanag ko. "Ah ganun ba?" tangong tanong niya at tumingin sa malayo. Lumayo kami mula kay Andrei at sumandal sa pader habang nakatanaw sa kalawakan at dinadama ang simoy ng hangin. "Ikaw Mam

