Chapter 20

3018 Words
Umuwi nalang ako sa bahay habang nag-aalala sa kung saan man si Helleigna ngayon. Bigla siyang umalis ng hindi man lang ako ginising. Madilim ang loob ng bahay pagpasok ko pero iyong cassette ni Papa, naka-play sa kwarto niya. Na-mimiss niya siguro si Mama ngayon, ganyan siya kapag nami-miss niya si Mama. Pumasok ako sa kuwarto ko at naligo, inaalala ko iyong mga nangyari kanina sa amin ni Helleigna. Napangiti ako sa tuwing naalala ko ang mga ngiti niya.  Pero biglang sumagi sa isip ko ang mga krimen na iniimbestigahan namin at ang mga biktima na posibleng siya ang pumatay. At iyon ang malalaman namin bukas o mamaya. Kapag lumabas na ang resulta ng DNA test mula sa posibleng mga gamit niya. Tinapos ko na ang pag-ligo at natulog na dahil maaga pa ako mamaya.  Kinabukasan, sabay kaming dumating ni Andrei sa headquarters. Pagkababa niya ay agad siyang lumapit sa'kin para tuksuhin ako.  "San ka kahapon? Bakit bigla kang umalis nung tumawag si Sandlers?" tanong niya sa'kin habang papasok kami. Lumiko ako ng daan papunta sa vending machine para mag-kape, para kahit papaano mawala ang antok ko. "Inaantok ka pa ata, ano ang ginawa niyo?" tukso niya pa sa'kin habang ngumisi ng nakakaloko. "Nag-usap lang kami," sagot ko sa kanya at tuluyang pumasok sa loob. "Tapos, anong nangyari?" dagdag na tanong niya. "Anong tapos? Wala na," sagot ko sa kanya at umupo sa upuan ko sa opisina. Umupo siya sa upuan niya at umusog papalapit sa'kin. "Ano pa? Bakit hindi ka bumalik dito pagkatapos?" tanong niya pa. "Teka lang Tito Boy, ubusin ko lang kape ko," sagot ko sa kanya at inubos ang kape ko.  Akala ko lulubayan niya ako pagkatapos, pero hinintay niya talagang maubos ang kape ko. Marites talaga kahit kailan. "So, bakit nga hindi ka bumalik dito kahapon?" ulit niya. "Nag-pahangin ako dahil sumakit ulo ko," pagsisinungaling ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng mabuti habang nanliliit ang mga mata niya. Iyong singkit niyang mata mas lalong nawala.  "Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?"  "Bakit naman hindi?" "Nagsisinungaling ka eh, hindi ka tumingin sa mata ko nung sumagot ka," sabi niya kaya naman pinandilitan ko siya ng mata at tinitigan din. Ako pa talaga hinahamon niya. "Ayan! Okay na?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanya. Pinagtitinginan na nila kami dahil para kaming mga wirdong bata na naghahamunan ng titigan. Bumitiw siya sa titig at tumango-tango. "Sige, bibilhin ko iyang palusot mo," sabi niya at tuluyan na akong nilubayan. Ginawa niya pa akong sinungaling. Tinignan ko ang cellphone ko, wala akong natanggap na text o tawag mula kay Helleigna. Pero as if naman na tatawag iyon. Kaya tinawagan ko siya at matapos ang ilang ring ay sinagot niya. "He--" sagot ko sana pero agad niya din binaba ang tawag. Napatulala nalang ako habang nakatitig sa cellphone ko. Nahagip ng mata ko si Andrei na pinag-tatawanan ako kaya binato ko siya ng ballpen. Gusto ko mang maki-sama sa mga biro niya ngayon pero ayaw ng sistema ko, alam ko kasi kung ano ang mangyayari pagkatapos.  "Anong oras daw nila ibibigay ang result?" tanong ko sa kanya. Bigla din siyang napahinto sa ginagawa at tumingin sa'kin. Alam ko kung ano ang iniisip niya kaya tumingin lang ako sa kanya na parang wala lang sa'kin iyon. Nag-aalala din ako sa magigig resulta, kinakabahan ako.  "Ewan, hindi pa tumatawag eh," sagot niya at tumahimik. Ngumiti lang ako at nagtitipa sa computer ko. I want to distract myself. I don't want to remember a thing that happened yesterday or the other day. We were just having a good time last night , but I guess happiness never really last. Parang ayaw ko nalang malaman ang resulta, gusto ko siyang puntahan at yakapin lang siya. Gusto kong maramdaman ang init ng katawan niya. Gusto ko siyang marinig na tawagin ang pangalan ko. Gusto kong yakapin niya din ako pabalik at halikan ako. Gusto kong marinig ang boses. I just want her all day, in my lifetime.  "Detective Mendoza and Morales, come to my office," sabi ni Detective Dan nung dumaan siya sa office. Mukhang kararating niya lang din. Tumayo agad kaming dalawa at sumunod papunta sa office niya. Umupo siya at ininom ang dala niyang kape. Parang lately, drained si Detective. Minsan lang siya dito sa headquarters, kung tatanongin namin siya sasabihin niya lang sa amin na confidential ang ginagawa niya. But, it's draining him and he's not young anymore.  "Are you okay, Uncle?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at ngumiti. Pumapayat na din siya, iyong mukha niya ay lumiit. "I am fine, Nathan. Don't worry about me," sagot niya at niligpit ang kalat sa table niya. "Natutulog ka pa ba, Uncle?" tanong naman ni Andrei na tinawanan niya lang. "I'm fine, kids. Don't worry about me," sagot niya. "What do you want to talk about, Detective?" tanong ko.  "Yes, about that. I want you to stop investigating the serial murder case," sabi niya na ikinagulat namin. "But, may posibleng suspect na kami, Detective. We are just waiting for the DNA result to be released today," angal ni Andrei.  "You do?" tanong naman ni Detective na parang nagulat pa. Hindi niya alam? Nagtinginan kami ni Andrei dahil hindi alam ni Detective na may posibleng suspek na kami.  "I thought you knew," sagot nalang ni Andrei. Hindi agad sumagot si Detective. Bumuntong-hininga lang siya at uminom ulit ng tubig. "Why do you want us to stop anyway, Detective?" tanong ko.  Hinilamos niya ang kamay niya sa mukha hanggang sa buhok niya. Mukhang stressed siya ng sobra. Ilang araw na siyang walang pahinga.  "No, nothing. Just get on with it, just tell me the progress of your case. You may go," sagot niya lang. Nag-alangan pa kami ni Andrei sa sagot niya. Hindi kami umalis agad, hinihintay namin na may sasabihin pa siya. Yumuko lang siya at paulit-ulit na naglalabas ng mabibigat na buntong-hininga. Mukhang kailangan niyang mapag-isa kaya hinatak ko na si Andrei palabas. Nag-aalala lang din siya tulad ko. Matanda na si Detective, hindi na siya pwedeng magpagod masyado. Ngayon nga, halata sa mata at mukha niya ang stress at pagod.  "Ano naman kaya ang nangyayari sa kanya? Bakit sobrang nai-stress siya sa ginagawa niya?" alalang tanong niya.  "Hindi ko din alam, lagi niya naman tayong sinasagot na confidential ang ginagawa niya," sagot ko sa kanya. Tinapik ko ang likod niya at pumasok sa opisina.  "Matanda na siya, hindi na niya dapat nagpapagod ng ganun. Nakita mo ba ang hitsura niya?" galit na tanong niya sa'kin habang tinuturo ang opisina ni Detective. Nagulat naman ang kasamahan sa biglaan niyang pag-sigaw ng ganun. Ngayon lang siguro nila nakita si Andrei na galit talaga at sumisigaw. Naiintindihan ko siya, dahil pareho kaming nag-aalala kay Uncle, para na naming tatay iyon. "Alam ko pero wala tayong magagawa dun, alam mo naman iyon. Kapag may gustong tapusin, tatapusin niya kahit gaano kahirap. Pag-bigyan mo na," sagot ko sa kanya at pinakalma siya. Sumandal siya sa upuan niya at pumikit. Hinilot niya ang ulo at uminom ng tubig. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kumalma. Pinanood ko lang siyang gawin iyon, ganyan talaga siya magalit. Pinagtawanan ko siya pagkatapos niyang kumalma.  Tiningna niya ako. "Bakit ka tumatawa?" tanong niya. "Wala, galit ka kasi talaga hahahahhaha," sagot ko at tumawa ulit.  Inis niya akong binato ng ballpen at hindi pa nakontento ang gago, sinuntok pa ako sa braso na tinawanan ko lang. "Gago, nag-aalala lang ako sa kanya," sabi niya. "Ako din naman, pero hayaan mo na," sabi ko sa kanya.  Hindi na naman iyon pinansin at nagpalipas nalang ng oras habang naghihintay sa resulta ng DNA. Mag-tatanghali na, kaya napag-desisyunan nalang namin na kumain. Aaminin kong hindi mawala sa akin ang kaba at takot, pero hindi ko pinahalata sa kanya dahil ayaw kong pati sa akin ay mag-alala siya sa'kin kaya umaakto akong parang normal, buti nalang hinahayaan niya akong gawin 'to, ito na rin lang ang ginagawa ko para mawala o makalimutan ko man lang ang kaba na nararamdaman ko. Pagdating namin sa restaurant ni Papa ay naabutan namin siyang naka-upo sa isang mesa na may kausap na babae. Naka-harap ang katawan ni Papa sa pinto kaya agad niya kaming nakita noong pumasok kami. "Mga anak," bati niya tsaka tumayo para salubungin kami. Lumingon ang babae at nagulat nung si Helleigna ang kausap niya. Ang buhok niya ay naka-ayos katulad nung kahapon, naka-braid siya at naka-itim na dress.  Ano naman ang ginagawa niya dito? Bakit kausap niya ang Papa ko? "Upo kayo," sabi ni Papa at dinala kami sa inuupuan nila kanina. Nakatingin lang ako kay Helleigna dahil nag-alala ako sa kanya kanina. Nakatitig lang din siya sa'kin gamit nanaman ang mga walang kabuhay-buhay na mga mata niya. Naupo kami habang nasa tabi ko sa Helleigna. Hindi siya nagsasalita habang nanunukso naman ang tingin at ngiti ni Andrei.  "Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Tinignan niya lang si Papa na galing sa counter para kumuha ng tubig para sa amin ni Andrei.  "Anong pinag-usapan niyo,Pa?" ulit na tanong ko kay Papa.  Naupo siya at ngumiti.  "Hindi mo naman sinabi na siya ang may-ari ng ospital," sabi niya at tinuro si Helleigna na tahimik lang. Iba ata ang katahimikan niya ngayon. "Matagal ko na pong sinabi sa inyo, baka nakalimutan niyo lang," sagot ko. "Ah ganun ba? Hahaha tumatanda na kasi ako anak, madali na akong makalimut," natatawang tugon niya. "Bakit bigla kang--" tatanungin ko pa sanasiya kung bakit bigla siyang umalis kanina pero nagsalita siya. "I guess nasabi ko na sa'yo lahat, I will go now," sabi niya at hindi na nagpaawat sa pag-alis.  Mabilis siyang naglakad palabas. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Binalik ko ang tingin kay Papa. "Anong sinabi niya sa'yo,Pa?" "Tungkol lang sa Mama mo," sagot niya. "Bakit daw po? Anong nangyari?" tanong ni Andrei. "Wala naman, sabi niya makakalabas na daw si Marissa, pumunta siya dito para personal na sabihin iyon sa'kin," naka-ngiting sagot niya.  Napangiti din ako sa sinabi niyang balita.  "Kailan daw po?" tanong ko. Excited na akong makalabas si Mama. Marami akong gustong gawin kasama siya pagkalabas niya. Naka-plano na iyan lahat sa utak ko noon pa man. Ipapasyal ko siya sa mga magagandang lugar, kakain kami ng masarap dahil alam kong hindi niya gusto ang mga pagkain sa ospital. Bibilhan ko siya ng mga bagong damit na gusto niya. Lahat na gusto niya ibibigay ko sa kanya. Babawi ako sa kanya. "Baka sa susunod na linggo daw ay pwede na," sagot niya. Mayado kaming nasiyahan kaya, nilibre ni Papa ang lahat ng kumakain sa loob na ikinatuwa lalo ng lahat. Hinanap niya pa sa amin si Miko at Richard dahil ililibre niya daw. Sinabi lang namin sa kanya na dadalhin nalang namin sa headquarters ang pagkain na ililibre niya.  "Sige, magluluto lang ako ng kakainin niyo," sabi niya at bumalik sa kusina. "Grabe, ang tagal din ng Mama doon, buti naman ngayon makakalabas na siya," tugon ni Andrei. "Oo nga eh, miss ko na siya sa bahay," sabi ko at ngumiti. "Ibig sabihin ba niyan, may libreng breakfast na ako simula next week?" biro niya sa'kin. "Wala ka bang nanay ha?" tanong ko sa kanya. Noong elementary kasi kami, sa amin siya kumakain ng agahan dahil lagi siyang pinapagalitan ng Mama niya dahil lagi siyang late magising. Magkalapit lang kami ng bahay noon kaya umiiyak siya habang naglalakad papunta sa bahay dahil napagalitan nanaman.  Maya-maya ay dumating na ang pagkain namin pati na ang binalot ni Papa para sa buong team namin. Masaya kaming kumakain kasabay si Papa habang nagkukwentuhan kami. Pinag-usapan namin iyong mga ginagawa namin noon kasama ang pamilya ni Andrei at ni Detective Dan. Tuwing linggo ay may mga family outing kami lagi, pagkatapos namin mag-simba.  Nagtatawana kami nang may biglang tumawag kay Andrei, tumahimik muna kami. "Hello?" sagot niya. "Opo, sige po. After lunch po kunin po namin diyan," sabi niya at bigla akong kinabahan, lalo na nung tumingin siya sa'kin. "Sige po, thank you," sabi niya at binaba ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya at nag-abang sa susunod niyang sasabihin. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa'kin.  "Lumabas na ang resulta," sabi niya lang at alam kong ang mga salitang iyon ang magpapakaba sa'kin. Hindi ako sumagot, uminom lang ako ng tubig at pinagpatuloy ang pag-kain ko. Hindi na din siya nagsalita kaya naguluhan si Papa sa inaasta namin. Hinayaan niya lang kami at maging siya ay kumain na din, lahat kami ay tahimik lang.  Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam kami agad kay Papa. Pagbalik namin sa headquarters, dumiretso ako sa opisina namin habang siya naman ay kinuha ang resulta. Kabado akong naghintay sa kanya. Kagat-kagat ko ang daliri ko at hindi mapakali ang binti ko. Pakiramdam ko ay nilalamig ako, mabilis din ang t***k ng puso ko. Ang ilang minutong paghihintay ay nagmistulang ilang oras. Nagdadasal ako na sana match ang dugo ng mga gamit ng posibleng suspek sa dugo ng biktima. Hindi ako handa. Agad akong napatingin kay Andrei nung pumasok siya hawak ang isang envelope. Hindi siya nagsalita at binigay lang sa akin ang envelope. Tinanggap ko iyon at naupo lang siya ng tahimik. Tiningna ko siya at iyong envelope. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang envelope. Kinuha ko ang papel na nasa loob at binasa iyon. At para akong biglang nadurog nang mabasa ko ang resulta, negative ang blood sample na nasa gunting at earring sa DNA ng biktima namin. Ibig-sabihin, si Helleigna ang ay-ari ang may-ari noon, kung tama ang hinala namin at kung napatunayan.  Binaba ko ang papel at agad na uminom ng tubig. Natuyo ang bibig ko nang mabas ako iyon. Sumandal ako sa swivel chair pagkatapos at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ang mararamdaman ko. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. "Sabihin mo kay Detective na gumawa ng DNA testing order para kay Miss Lorraine Sandlers," sabi ko sa kanya habang nakapikit.  Narinig ko siyang huminga ng malalim bago tumayo. Tinapik niiya pa ako sa balikat bago siya tuluyang lumabas. Gusto kong umiyak dahil hindi ko matanggap na siya ang posible naming hinahanap na suspek. Nasa harap lang namin siya, kasama namin at nakaka-usap namin. Ito na siguro ang araw na kinatataktan ko, mahal k iyong tao eh. Mahirap para sa'kin na malaman itong lahat.  Maya-maya ay bumalik si Andrei na may dala ng papel. Wala akong sinabi at tumayo. Sumunod naman siya sa'kin, alam na niya siguro kung ano ang gagawin ko at kung saan ako pupunta. Pumasok ako sa kotse ko at siya naman sa passenger seat. "Alam mo ba kung saan siya ngayon?" tanong niya.  Tumango lang ako at nag-maneho papunta sa mansyon nila. Tahimik lang si Andrei, maging ako. Tinawagan niya ang medics team at pinasunod sa amin. Sa nagyon, wala akong pakialam kung ano ang sasabihin niya. Wala akong pakialam kung malaman ng iba kung saan siya nagtatago ngayon, ang kaninang nararamdaman ko ay nawala. Napalitan ito ng galit habang papalapit kami sa kung saan siya, naalala ko kasi ang mga biktima na walang kalaban-laban niyang pinatay at ang mga pamilya nilang nagluluksa dahil sa nangyari.  Nung dumating kami ay sumunod din na dumating ang medics. Dala nila ang testing kit nila, at pumasok kami sa loob. Alam na niya sigurong nandito kami, napansin ko siyang nakatanaw mula sa bintana ng kwarto niya.  Pumasok kami sa loob, sinabi ko sa kanila na maghintay muna sa baba at mag-isang pumunta sa taas. Naabutan ko siya sa kuwarto niya, nakatanaw sa bintana.  "Helleigna," tawag ko sa kanya. Nakangiti siya nung lingunin niya ako. "That's Kate for you, Detective," sabi niya at umupo sa harap ng vanity mirror niya.  Nagsusuklay siya ng buhok doon, tiningnan niya ako nung hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya.  "Hindi mo pa ako huhulihin, Detective?" tanong niya sa'kin habang nakalahad ang dalawang kamay. Umiling ako. "Hindi pa, we still need your DNA test," sabi ko sa kanya at pinakita sa kanya ang DNA testng order na dala ko.  Hindi niya ito pinansin at bumalik sa pagsusuklay sa harap ng salamin.  "Ang tagal niyo naman yata," tugon niya. Nilapitan ko siya. "Why don't you just tell me the truth already?" Huminto siya sa ginagawa at tumawa. Tinatakpan niya pa ang bibig niya. Tumayo siya at lumapit sa'kin at inayos ang damit ko. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon. "Where's the fun in that?" natatawang tanong niya at pinagpagan ang balikat ko.  "Are you playing with me?" galit na tanong ko sa kanya.  "Me? Playing with you? No," sagot niya. "Then, why are you doing this?" "Doing what?" "Acting as if you know nothing, pero alam kung alam mo. Ginugulo mo ang isip ko," sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako. "Am I? Should I apologize to you then?" Bumuntong-hininga ako at hinilamos ang mukha ko. She is frustrating me to my core. "I just want you to tell me the truth, Kate," tugon ko sa kanya. Ang nakangisi niyang mukha ay biglang napalitan ng galit na tingin. Lumapit siya sa'kin at unti-unting ngumisi. "Why would a criminal do that?" naka-ngisi niyang tanong. Hindi ko siya sinagot, nagtitigan lang kami. Lumayo siya at tumawa siya. "Ah, Detective. You are a whole circus," komento niya habang tinuturo ang kabuohan ko. "You are making this hard for me and for you, Kate," tugon ko sa kanya. She just shrugged and walked past me. "I should welcome my guests," sabi niya at bumaba. Sinundan ko siya sa baba. "Welcome to my humble abode, everyone," bati niya sa kanila ni Andrei. Tiningnan ako ni Andrei nung pababa ako at sunod na tumingin kay Kate, naninibago siguro siya sa biglang pagbati niya.  "Now, where should I have my test done? Or do you want to drink or eat something first?" tanong niya sa kanila. "No, thanks. Nagmamadali kami," sagot ko. Natatawa niya akong tinignan at umupo sa isa sa mga upuan.  "Your Detective has a temper, go get it done for me," sabi niya sa tester.  Hindi ko siya pinansin at tumabi nalang kay Andrei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD