Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi na nagmula sa pinakamatalik kong kaibigan. Tama, siya ang pinakamatalik kong kaibigan pero ngayon ay kinamumuhian niya ako. Namuo ang bubutil ng mga luha sa aking mga mata.
“Hindi ako makapaniwala, Andrea! Hindi ka sumunod sa usapan natin!” singhal niya at nagtangkang sampalin ako ulit ngunit napapikit ako nang mariin.
“Gusto kitang sakta ulit! Paano mo nagawa sa 'kin 'to?” galit niyang sabi habang pinipigilan ang sarili na dumapo muli sa pisngi ko ang palad niya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Hiyang-hiya ako ngunit hindi ko naman kontrolado lahat. Nadala lang ako sa ginawa namin ni Mike.
"Hindi ka ba sasagot?! Ang landi... landi mo!”
Nilapitan ko at sinubukang hawakan ang kamay niya. Iwinasiwas niya ang mga kamay ko. Napaatras ako at tuluyan na akong umiyak. Sinira ko ang tiwala ng pinakamatalik kong kaibigan.
“Sorry.... sorry... hindi ko sinasadya... hindi ko napigilan ang sarili ko...”
“Simula ngayon... magkalimutan na tayo. Huwag na huwag ka nang ulit magpapakita sa amin ni Mike!”
Lumapit siya at tinulak ako. Nasa labas ako ng pinto. Hanggang sa dumating si Mike at hindi nagdalawang isip na pumagitna sa amin ni Katrina.
“Kat! Magpapaliwanag ako...” bungad ni Mike.
Palinga-linga si Mike sa aming dalawa at yumuko ako. Ako ang dahilan kung bakit masisira ang pagsasama nilang dalawa. Pagkatapos nila akong tulungan ay ganito pa ang iginanti ko. Nagpaalam ako kay Mike na aalis na ako sa mansyon nila dahil hindi ko na kaya ang ginagawa namin.
“Kat, huwag mo hayaang umalis si Andrea. Maawa ka sa kaniya...” pagsusumamo ni Mike.
Inangat ko ang mukha ko at walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
“A-aalis na 'ko... h-hindi ko na kaya ang ginagawa natin. Hindi ko na kaya ang kababuyang ginagawa nating tatlo...”
“How dare you, Andrea! Hindi libre ang pinapagawa ko sa 'yo! Sasabihin mo ngayon 'yan?!” anas ni Katrina at umakmang susugurin ako upang sabunutan.
Mabuti na lamang at humarang si Mike at hinawakan ang mga kamay ni Katrina. Sa takot kong saktan ako ni Katrina ay nagdesisyon akong umalis. Tumakbo ako papalayo hanggang sa narating ko ang malaking gate.
“Huwag ka nang babalik dito! Kahit kailan!” sigaw ni Katrina na puno ng panggigigil.
Natanaw ko na lang sa malayo si Mike na pinapanood akong lumabas ng gate. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot. Aminado akong mali ang ginagawa namin at ayaw ko nang palawigin iyon. Nagising na ako sa katotohanan at nauntog sa reyalidad na may pandidiri sa aking sarili.
Kung hindi lang sana puro paghihirap ang naranasan ko ay wala ako sa ganitong posisyon ngayon. Kasalanan ito ng mga magulang ko dahil iniwan nila ako sa aking tiyahin at tiyuhin na walang iniisip kun'di puro pera. Bata pa lang ako ay pinagtrabaho na nila akong katulong sa kanilang kumare at kumpare.
Hindi libre ang pagpapaaral nila sa akin dahil may kapalit. Ang ina ko raw ay nagpunta ng abroad upang matustusan ang aking pag-aaral ngunit hindi na ito nagsulat pa kaht kailan. Wala na rin silang balita. Ang aking ama naman ay nambabae at hanggang sa mabuntis niya ang kalaguyo. Nagdesisyong iwanan ako nang tuluyan sa aking tiyahin na walang anak.
Nagbuo sila ng bagong pamilya at tuluyan akong kinalimutan. Lumaki akong kulang sa pagmamahal. Para bang kasalanan ko ang lahat dahil nahihirapan silang buhayin ako. Kapalit niyon ay sa murang edad ay natuto na akong kumita ng pera. Nagbabanat ng buto upang tulungan sila sa mga gastusin sa bahay.
Nagtatakbo ako palayo sa mansyon ni Mike. Magkasintahan sina Mike at Katrina. Pareho kaming nag-aaral sa kolehiyo. Working student ako at isa na si Katrina sa tumutulong sa akin. Mayaman silang pareho at anak ng bilyonaryo si Mike. Dati ay pangarap ko lang si Mike. Abot kamay ko na nga siya, pero kasintahan siya ng aking pinakamatalik na kaibigan. Hanggang doon na lang.
Ang hindi ko lubos maisip ay paano ako pumayag sa gusto nilang dalawa. Dahil may kamahalan ang tuition fee sa unibersidad na pinapasukan ko ay inalok ako ni Katrina ng part time. Part time na kikita ako ng malaki. Trabahong pagsasaluhan namin si Mike. Ang makamundong pangarap ni Katrina ay napunan ko. Kung hindi ko lang sana kailangan ng malaking halaga ay hindi ko iyon papatusin.
Gusto kong makapagtapos upang may maipagmalaki ako balang-araw sa tiyahin ko na siyang nagpalaki sa 'kin. Habang naglalakad nang marahan at yakap ang aking sarili ay may humintong sasakyan sa tabi ng kalsada. Napahinto ako at pinagmasdan ang nagmamaneho sa loob ng kotse. Bumaba ang salamin ng bintana sa driver seat.
“Andrea, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Juno at binaba ang suot niyang shade.
“B-Bob?”
Bumaba si Bob at nilapitan ako. Inalalayan niya ako at pinasakay sa kotse niya. Matalik na kabigan ni Mike si Bob. Pareho silang anak ng mga bilyonaryong negosyante. Kapwa anak ng nga CEO sa isang malaking kompanya. Naging kaibigan ko na rin si Bob dahil kay Katrina.
Nang makapasok ako sa loob ay siya na ring pagsara ng pinto ni Bob. Umikot sya sa harapan at nagmadaling buksan ang pinto ng driver seat. Pumasok si Bob at nakatingin sa aking umupo. Bakas sa mukha ni Bob ang pag-aalala.
“Bakit ka naglalakad nang mag-isa rito at gabi na?”
“N-nag-away kami ni Kat...”
Hindi ko na napigilan ang bumuhos ang luha. Umiyak ako nang umiyak dahil sa katangahan ko ay nasira ang pagkakaibigan namin. Naramdaman ko na lang ang paghaplos ni Bob sa aking hita at lumapit siya. Niyakap niya ako at binalewala ko iyon. Niyakap ko na rin siya nang mahigpit upang maibsan ang sakit sa puso ko na aking nararamdaman.
“Sshh... tell me what happen, Andrea. Gusto mo bang dalhin kita sa lugar na makakalimot ka? Ihahatid din kita sa inyo.”
Tumango na lang ako at lumingon sa bintana habang pinagmamasdan ang paglayo ng kotse na sinasakyan ko ngayon sa village kung saan nakatira si Mike.