Chapter 6

3416 Words
"She still finds time to paint, Glace." Si Mrs. Palma na ang sumagot. "It's her hobby." Tumango ako at pinilit ang sariling ngumiti. "That's good to hear, hija. We fund exhibits here in Manila, maybe you and Casidy can put some of your works there." Sumulyap ako kay Mrs. Palma dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Alam kong ayaw nilang maikumpara si Casidy sa akin kaya kailangan kong tanggihan ang offer na iyon, kaya lang ay hindi ko alam kung paano. "Uhm..nasa Naujan po ang mga paintings ko kaya baka wala po akong madala sa exhibit niyo." Iyon lang ang naisip kong pwedeng dahilan. "We can pay someone to deliver them here, A. Don't worry about it." Ngumiti sa akin si Casidy. Sa halip nga lang na matuwa ay kinabahan pa ako sa suggestion niya. Sumulyap ako kay Mrs. Palma sa takot na baka magalit siya kung mangyayari iyon. Kaya lang ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita pa nang nagsimula na sila ulit mag-usap tungkol sa ibang bagay. Huminga ako nang malalim at bumaling na sa pagkain ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana kaya hindi ko na iyon halos naubos. Gusto ko nang umalis at magkulong nalang sa kwarto ko, kaya lang ay nakakahiya naman kung gagawin ko iyon. Umiinom ako ng tubig nang natanaw si Rivers sa harapan ko, nakakunot ang noong habang nanonood sa akin. Sa tabi niya ay nagsasalita si Casi at hindi ko alam kung nakikinig ba siya o hindi. Nag-iwas ako ng tingin, hindi kumportable sa panonood niya sa akin. Buong dinner yata ay hindi ako makatingin nang diretso sa kanila dahil nararamdaman ko ang mabibigat niyang titig. Nakahinga lang ako nang maluwag nang nag-ayang lumipat si Mr. Palma sa sala para doon uminom ng wine. Tumayo ako nang tumayo na rin sila. Iyon nga lang ay wala na akong balak sumunod pa. Lumapit ako kay Casidy nang saglit siyang nahiwalay kay Rivers. "Casi, mauuna na ako. Inaantok na ako. Napagod ako sa training kanina." "Are you sure? We'll eat ice cream on the pool side, kasama ang magkakapatid." Sumulyap ako sa tatlong lalaking kinakausap na ngayon ni Mrs. Glacier. "Don't you find the twins attractive?" Kunot-noo ko siyang nilingon. "Kambal sila?" Ngumiti siya pero hindi ko gusto ang ngiting iyon. "Ice and Ace are unidentical twins. They're two years younger than Rivers, meaning..we're on the same age." Nanatili ang titig ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay may gusto siyang iparating sa huli niyang sinabi. Tumawa siya. "I mean..I saw what Ice did for you earlier. Who knows? Baka type ka niya?" Huminga ako nang malalim kaya lalo lang siyang natawa. Kumapit siya sa braso ko at bumulong. "But what if he likes you? Hindi mo ba siya magugustuhan?" "Casidy.." saway ko. "Nakakainis ang mga Altamirano, 'no? Look at them all being so good-looking." Sumulyap ako sa tatlong lalaki. Totoo naman na gwapo sila, matangkad, malakas ang dating. Pare-parehong may kung ano sa kanila kapag ngumingiti—nakakaloko, nakakainsulto na hindi ko maipaliwanag, iyon ang pagkakaiba nila sa ibang lalaking kilala ko. At iyon din siguro ang dahilan kaya mahirap silang basahin—kasi hindi mo alam kung bakit sila nakangiti sayo. At siguro dahil mas matanda si Rivers ng dalawang taon kaya mas kakaiba ang nakikita ko sa kaniya. Bukod sa nakalalamang siya sa pisikal na itsura ay may kung ano pang mas mabigat, mas madilim at mas hindi ko mawari sa kaniya. Napakurap ako nang nakitang sumulyap siya sa amin ni Casi at nahuli niya akong nakatitig. Mula sa pagiging seryoso ng mukha niya ay nag-angat siya ng kilay at umambang lalapit. Bumaling ako agad kay Casi para sana magpaalam na at makalayo bago pa lumapit si Rivers pero ayaw niyang bumitiw sa braso ko. "Hi!" Huminga ako nang malalim nang na-realize na nakalapit na siya nang tuluyan. Sinikap kong huwag siyang tignan sa mukha kaya bumaling ako sa dalawang kapatid niya na palapit na rin sa amin. "Sorry, Casidy, we can't stay longer. We need to pick up Heather from her friend's birthday party." Si Ace iyon. "Rivers will stay though, sasamahan ka." Kumindat si Ice kaya natawa si Casidy. "Oh it's alright. We can have dinner again next time with Heather. Mag-ingat kayo." Tumango ang dalawa. Nagulat ako nang bumaling sa akin si Ice at ngumiti. "Nice meeting you, Amethyst." Nakita ko ang pagngisi ni Casidy na parang gustong iparating sa akin na tama ang sinabi niya kanina. Tipid akong ngumiti kay Ice at tumango. "Nice to meet you din." Lumapit sila sa mommy't daddy ni Casi para magpaalam. Huminga naman ako nang malalim bago pilit kumalas kay Casi. Ngayon hindi na siguro kailangan sumama pa ako sa kanila ni Rivers. Para sa kanilang dalawa na ang oras na ito. "Mauuna na ako," paalam ko. Tumawa si Casi, nanunukso pa rin. "Alright. Just get some ice cream from the fridge if you want some. I asked them to buy mint chocolate earlier, since pareho niyong gusto 'yon ni Rivers." Tumango ako at pinilit ang sariling huwag nang sumulyap sa katabi niya. "Excuse me.." Tumalikod na ako at agad na umakyat sa hagdanan. Tsaka palang yata ako nakahinga nang maluwag nang nasa kwarto na. Hindi na ako bumaba para kumuha ng ice cream kahit na gusto ko rin kumain. Humiga na ako sa kama pagkatapos maghilamos at mag-toothbrush. Pakiramdam ko ay doble ang pagod ko sa araw na iyon dahil sa sobrang awkward na dinner kaya naman nakatulog din ako agad. Nagising ako kinabukasan at nadatnan sa sala ang mga event planner at organizers na naghahanda para sa nalalapit na debut ni Casi. Sobrang daming tao at abala silang lahat. Hindi na rin yata napansin ni Casidy ang pagbaba ko dahil sa mga kausap. Dumiretso ako sa kusina para doon na kumain ng almusal. Tahimik doon kumpara sa sala kaya medyo nagtagal ako. Halos kakatapos ko lang hugasan ang pinagkainan nang tumawag si Shaun. "Hello?" sagot ko. "Hi, A, good morning!" Umupo ako ulit sa harap ng kitchen island. "Good morning!" "Are you busy today? Can you accompany me?" "Hmm..wala naman akong gagawin. Pero busy si Casidy para sa debut preparations." "Then..ikaw nalang?" Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita. "Ayos lang sa akin. Saan ba?" "We'll be playing basketball with my cousins. Just here in our village. Sunduin kita." "Sure! Sinong kalaban niyo?" "Hindi ko natanong 'e." "Sige. Anong oras ba? Maliligo muna ako." "You still have time. I'll pick you up." Nagpaalam kami sa isa't-isa at umakyat na rin agad ako sa kwarto para maligo at magbihis. Shorts at hoodie ang suot ko nang natapos. Itinali ko lang din ang buhok ko bago bumaba na para sana magpaalam kay Casi, pero hindi ko naman siya nakita sa sala. Ang sabi ng kasambahay ay umakyat daw sa kwarto para mag-fit ng gowns kaya hindi ko na inistorbo. Nag-text nalang ako na lalabas saglit bago tuluyang lumabas ng bahay dahil tumatawag na rin si Shaun. "Hi!" Agad niyang binuksan ang pintuan sa front seat nang nakalapit ako. Ngumiti ako at tinignan ang suot niyang jersey. Isa iyon sa mga jersey na ginamit niya sa Naujan. Mahilig din kasi siyang sumali sa mga liga roon. "Hindi na ako pumasok. Nagsabi ka naman kay Casi, diba?" tanong niya nang pareho na kaming nakasakay. "Nag-text ako. Busy pa kasi siya. At okay lang din na hindi kana pumasok, wala naman sila Mr. at Mrs. Palma. Si Casi lang at mga organizers ang naroon." Tumango ito at nagsimula nang mag-drive. Dumaan pa muna kami sa isang coffeeshop at binilhan niya pa ako ng frappe kahit na hindi naman ako nag-request. Para lang daw hindi ako mainip doon kung sakali. Ilang minuto lang din ay nakarating kami sa covered court ng village nila. Nakita ko agad na marami-rami ang mga taong naroon. Akala ko ay simpleng game lang kaya nagulat ako. "My cousins are here. I'll introduce you to them." Tumango ako at sumunod naman sa kaniya sa bleachers. Nilingon kami agad ng mga lalaking naroon. "Oh, this must be Amethyst!" Tipid akong ngumiti sa kanila. Inakbayan naman ako ni Shaun. "This is Amethyst," pakilala niya sa akin sa limang lalaking naroon. "A, this is Real, Maynard, Erwin, Jayson, Arvin, and Jerald. They're my cousins." "Nice to finally meet you, A." Ngumiti ako at tumango naman sa kanila. Mayroon pa silang kasamang dalawang lalaki na naka-jersey rin, pero hindi na sila ipinakilala ni Shaun sa akin. Pinaupo niya ako sa tabi ng isang babae na ipinakilala niyang si Jhersie, girlfriend ng pinsan niyang si Jayson. "You'll be fine here, right?" tanong niya. Tumango ako at magsasalita pa sana nang natanaw ko ang pagdating ng nagtatangkarang mga lalaki sa kabilang side ng court. Napalunok ako nang namukhaan ang lalaking may suot na black jersey na may numerong 17. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nandito rin siya? At maglalaro siya? Nilingon ni Shaun ang tinitignan ko at nang na-realize na nakita ko na si Rivers ay bumaling siya ulit sa akin. "Kanina ko lang din nalaman na kasama pala si Rivers. Kalaban namin sila." Napakurap ako. "Naglalaro pa siya sa ganito?" Nagkibit-balikat si Shaun. "My cousins told me that they frequently join basketball games outside school." Tinignan ko ang mga kasama niya pero wala namang pamilyar sa mga iyon mula sa varsity. Isa-isa kong tinitignan ang mga mukha nila nang biglang nagtama ang paningin naming dalawa. Napakurap ako at napaiwas agad ng tingin. Napainom ako sa hawak kong frappe. "I'll leave you here with Jhersie, is that okay?" Yumuko si Shaun at tinignan ang mukha ko. Tumango naman ako. "Okay na ako rito." Ngumiti siya. "Alright." Kinurot niya ang pisngi ko. Ilang sandali pa muna akong nanood sa kanila ng mga ka-team niya na nag-uusap yata para mag-strategize, bago sumulyap ulit sa kabilang team para lamang makitang nakatingin pa rin sa akin si Rivers. Nasamid tuloy ako sa iniinom na frappe kaya nagulat ang katabi ko. "Are you okay?" Nahihiya akong tumango. "Ah oo, sorry.." Dahil doon ay hindi na ako ulit tumingin sa kabilang team hanggang sa tuluyan nang nag-start ang laro. Si Real ang katapat ni Rivers na nag-jump ball pero dahil sobrang tangkad ni Rivers ay nakuha agad ng team nila ang bola. Nagtilian ang mga babaeng nanonood at doon ko lang na-realize na baka kaya maraming tao ay dahil gwapo ang mga naglalaro. Mapuputi at matatangkad, may mga itsura pa ang players ng parehong team, kaya hindi nakakagulat na maingay ang audience. Tuwing napupunta kay Rivers ang bola ay siguradong nashu-shoot niya iyon at pagkatapos noon ay nabibingi nalang ako sa hiyawan. May mga nagchi-cheer din naman kay Shaun pero nakakagulat na sarili nila itong village pero mas marami ang nanonood para sa kabilang team. Nakuha noong number 4 sa kabila ang bola at tumira agad ng three points. Naghiyawan ang mga babae kaya napatakip ako ng tainga. "Dashiel Zamora, three points!" sigaw ng announcer. Dikit na dikit ang laban nila at halatang mainit. Ilang beses na nagkabanggaan ang mga players. Noong una ay ayos pa hanggang sa magulat ako nang nagkabanggan sila Rivers at Shaun at nauwi iyon sa pisikalan. Napatayo ako nang natigil ang laro. Agad hinila ng mga pinsan niya si Shaun samantalang wala namang umawat sa nakangising si Rivers. "A-Anong nangyari?" tanong ko kay Jhersie. "Ang init ng ulo ng dalawang 'to. Kanina pa sila nagkakabanggaan." Sinundan ko ng tingin si Shaun nang mag-time out sila at inilabas siya. Nagdesisyon akong lumapit pero dahil nakaharang yata ako sa mga nanonood sa likod ay bigla nalang may tumulak sa akin. "Tabi nga! Haharang-harang ka!" Napaupo ako agad sa gulat at pagkakawala ng balanse. Agad naman akong dinaluhan ni Jhersie. "Oh my, are you okay?" tanong niya nang nakita ang sugat sa tuhod ko nang pinatayo niya ako. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga nanonood sa bandang iyon. Tinignan ko ang babaeng tumulak sa akin pero inirapan niya lang ako. Iyon nga lang, nagulat nalang ako nang may lumipad na bola at tumama iyon pader sa likod noong babae. Napatili sila sa gulat at napalingon naman ako. Nakatayo roon si Rivers, nakatagilid ang ulo at may nakakalokong ngiti. Alam ko agad na siya ang may gawa noon. "Sorry, the ball slipped.." Anong ginagawa niya? Paano kung tinamaan niya yung babae? "Are you okay? May sugat ka?" Natatarantang lumuhod si Shaun sa harapan ko para tignan ang tuhod ko. "A-Ayos lang ako.." Hindi ko alam kung sino sa kanila ni Rivers ang titignan ko. Napailing si Shaun, hindi nakikinig sa akin. Tumayo siya at bumaling sa mga pinsan niya. "We'll go ahead, kayo na ang tumapos sa laro." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan na akong maglakad paalis doon. "Shaun, okay lang ako.." sabi ko dahil nahihiya ako sa nangyayari. Lahat ng naroon ay nanonood sa amin. "Dapat hindi na kita sinama. I didn't know this place will be crowded." Mukha siyang iritado, siguro dahil na rin sa away nila ni Rivers. "Ano bang nangyari? Bakit bigla nalang kayong nag-away ni Rivers?" "Hindi ko alam kung anong problema niya." Huminga ako nang malalim. "Uuwi na tayo?" "Yeah, let's treat your wound. Aawayin ako ni Casidy kapag nakita niya 'to." "Hindi naman masakit. Nahihirapan lang akong maglakad dahil nasa tuhod ang sugat pero ayos lang ako." "I don't want to play anymore. I'm pissed. I want to wipe that smirk off River's face." Nakarating kami sa sasakyan niya at ginamot niya agad ang sugat ko gamit ang first aid kit niya roon. "Huwag na nating sabihin kay Casi ang nangyari, ha?" sabi ko dahil alam kong magagalit iyon. Una, magagalit siya dahil hindi namin siya isinama, lalo't nandoon pala si Rivers. Pangalawa, magagalit din iyon sa sugat ko. At pangatlo, magagalit siya kay Shaun para sa lahat. "She needs to know that that man is not good for her. I've been hearing a lot of things about him." Napakurap ako. "T-Tulad ng?" Huminga siya nang malalim. "I know you know what I mean, A. Everyone knows that he's an asshole, imposibleng hindi mo pa iyon narinig." Napalunok ako. "Sasabihin mo ba kay Casi?" Umiling siya. "I'm sure she's aware of that. She's the one who's been living here in Manila for a long time. She knows everything and she's probably just keeping a blind eye." "Gustong-gusto niya si Rivers. Kahit ayaw kong masaktan siya alam kong wala rin tayong magagawa kaya hayaan na natin siya, Shaun." Tumawa siya at napailing. "Let's go. Ihahatid na kita pauwi." Huminga ako nang malalim at tumango. Mabuti nalang at busy pa rin si Casi nang nakauwi ako. Hindi niya napansing umalis ako at nakauwi na. Naligo ako at nagbihis sa kwarto at pagkatapos ay saka lang ako bumaba para tignan kung abala pa rin si Casi. After lunch na umuwi ang mga bisita niya. Nakasabay ko pa silang kumain. Pagod na siya nang nag-hapon kaya hinayaan ko nang magpahinga. Kinabukasan naman ay nagpasama siya sa mall kaya doon na rin naubos ang oras namin sa weekend na iyon. From: Casidy My professor at 11AM won't be coming to class. Sabay na tayo mag-lunch Saktong kakatapos lang ng huling klase ko bago ang lunch nang nabasa ang text ni Casi. Inayos ko ang mga gamit sa bag bago nag-reply sa kaniya. To: Casidy E si Shaun? From: Casidy Meron siyang klase 'e. I'll just wait for you at the cafeteria Hindi na ako nag-reply at nagmadali nalang na pumunta sa cafeteria. Mag-isa lang akong kumakain ng lunch sa mga nakalipas na linggo at nagkakaroon lang ng kasama kapag nandiyan sila ni Shaun, kaya naman natutuwa ako lagi kapag may ganitong pagkakataon, ngayon lang yata hindi nang natanaw kong hindi nag-iisa si Casidy sa table. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at bumagal ang mga hakbang ko. Kita ko agad ang mga mata ni Rivers na nanonood sa akin habang naglalakad palapit. "Hi!" Nakangiting bungad sa akin ni Casi. Tipid akong ngumiti sa kaniya at umupo na sa upuan sa harap nilang dalawa. "Rivers will join us. Lunch break niya rin 'e." Tumango ako nang hindi tumitingin. "I'll buy your food, what do you want?" Narinig kong tanong niya habang kinukuha ko pa ang wallet sa bag. "Hmm..I don't know what's in the menu. Can you choose for me?" sagot ni Casi. "Yeah, sure. How about you?" Nagulat ako nang bumaling siya sa akin. "Ako na ang bibili ng sa akin." "It'll be faster if I buy our food." Nahihimigan ko nanaman ang tonong hindi ko gusto. "He's right, A. Pareho nalang tayo ng order? Siya nalang ang mamimili." Huminga ako nang malalim at wala nang nagawa. "Sige.." Inabot ko sa kaniya ang five hundred pesos na kinuha ko sa wallet. Nag-angat lang naman siya ng kilay na parang naghahamon sa perang ibinibigay ko. "Bayad ko.." Tumawa siya. "I don't let girls pay." Gusto kong mag-angat din ng kilay. Kasama ba iyon sa mga tactics niya? Ilibre ang mga babae niya? Parang gusto kong ipilit na kunin niya ang bayad ko kaya lang ay ayaw kong makahalata si Casidy kaya sa huli ay tumango nalang ako. "He's a gentleman, right?" Ngiting-ngiti si Casi nang nakaalis na si Rivers para um-order. Wala naman akong masabi. "By the way, he told me that you accompanied Shaun to a basketball game last Saturday." Sumimangot siya. "Hindi niyo ako niyaya. Naglaro pala sila." At sinabi niya pa talaga iyon kay Casi? "Sorry, busy ka kasi. At umuwi din kami agad dahil nagkagulo sa game." Kumunot ang noo niya. Nagulat ako dahil mukhang hindi naman iyon nabanggit ni Rivers at ako pa ang nagkamali ngayon. "What happened?" Huminga ako nang malalim at mabilis na nag-isip ng idadahilan. Ayoko namang sabihing nagka-initan si Rivers at Shaun dahil sigurado akong kakampihan niya si Rivers at aawayin niya si Shaun. "Nagkainitan ang mga players kaya nawalan ng ganang maglaro si Shaun." Umirap ito sa kawalan. "Tsk! What a loser. Inumpisahan tapos hindi tatapusin." "Masyado rin kasing maraming tao at alam mo na..hindi ako kumportable." "He shouldn't have brought you there." "Ayos lang naman." "Next time, huwag ka nang sumama kung wala ako. Sinong kasama mo sa bleachers?" "Uhm nandoon naman ang girlfriend ng pinsan niya." Nagulat siya. "Pinakilala kana niya sa mga pinsan niya?" Kunot-noo akong tumango. Ngumisi siya at napailing kaya medyo naguluhan ako. Hindi na nga lang ako nakapagtanong pa nang mabilis din nakabalik si Rivers kasunod ang isang service crew na nagdala sa pagkain namin. "What did you order?" tanong ni Casi pero nakita ko na kung ilang pagkain ang naroon sa tray. "I don't know what you want so I ordered a few." Hindi makapaniwala ko siyang tinignan dahil pang-limang tao yata ang inorder niyang pagkain. Tumawa si Casidy. "Oh gosh..paano natin ito uubusin?" "Just eat until you're full." Huminga ako nang malalim at kumuha na ng pagkain. Sinadya ko nalang sobrahan dahil ayaw kong itapon nalang ang mga matitira. Mabuti nalang at nakakain ko naman ang lahat ng inorder niya dahil hindi naman ako mapili sa pagkain. Tahimik akong nag-umpisang kumain habang kinakausap naman ni Casi si Rivers tungkol sa kung anu-anong bagay. Nakikinig lang naman ako sa kanilang dalawa. Gusto ko nalang din matapos agad para sana iwan na sila at nang magkaroon sila ng sariling oras, kaya lang ay naunahan pa akong magpaalam ni Casidy. "I'll just go to the washroom. Dito ka muna, A." Tumango ako at wala nang nagawa. Inabala ko nalang ang sarili sa pag-inom ng tubig. Iwas na iwas ako na magkasalubong ang mga mata namin ni Rivers pero dahil magkaharap kami ay sobrang hirap noon, lalo pa kung ramdam mo ang paninitig niya at rinig mo ang mahinang pagtawa niya. Iritable na ako agad sa tono niya kaya agad ko siyang nilingon. Umangat ang kilay niya nang nakuha ang atensyon ko. Nakasandal siya sa upuan at manghang nakatingin sa akin. "Ano bang problema mo?" Mapagpasensya akong tao pero hindi ko alam kung bakit napipikon ako sa kaniya. Nagkibit-balikat siya. "Nothing.. Aren't you the one who has something against me?" Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan. Naiirita ako kasi hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Naiirita ako kasi hindi ko alam kung bakit tumatawa siya. Iniinsulto niya ba ako o ano? "You're looking at me like I'm a murderer." Pilit kong inalala ang nangyari noong nakaraan sa shower room. Ayokong magpadala nanaman sa iritasyon na nararamdaman kaya sa halip na patulan pa ang pang-aasar niya ay uminom nalang ako ulit ng tubig at nagpanggap na wala akong nakikita o naririnig. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD