Nakakunot ang noo ko habang tinitingnan ang kasama na pinsan ni Nik. I already packed my things for a week. Magbabakasyon kami sa mansion ng mga Montepalma. Nakangiti ang pinsan niya na si Johann. Pinagmamasdan ko na si Nik na walang imik na nakaupo sa sofa.
“Your coffee taste good,” si Johann habang inangat niya pa ang mug para mapakita kay Dad. Ngumiti naman si Dad sa kaniya at tumango. “I’m deeply sorry for coming with him right now. I was so excited when he told us that he was going to bring a woman to our place.”
Nik gave him a sharp gaze. “Will you shut up?”
“Why? I was making sure you are not bluffing.”
“Why would I lie about it?”
Johann shrugged. “I don’t know, dude. Sometimes I want proof because a cousin like you is telling me some lies and a f*****g fairytales.”
Hindi ko na mapigilan hindi mapangisi dahil sa kanilang dalawa. Para ngang biyernes santo iyong mukha ni Nik nang makita ko sa sila sa garage dahil kasama niya raw iyong makulit niyang pinsan.
Humigop ng kape si Johann habang nakatingin kay Nik tila ba nang-iinis pa sa kaniya ng husto. Nik released a heavy breath. Halatang stress siya sa kaniyang pinsan.
“Where is your mansion exactly in Batangas?” Dad probed.
Umupo ng tuwid si Nik. “Uhm our ancestral mansion is located in Calatagan near the beach. We have our own private beach that is exclusively for our family. I’m gonna bring her there and my other cousins are also there.”
“Great. I hope my daughter will have fun there.” Bigla naman binaba ni Dad iyong dyaryo habang pinagmamasdan ako. “Do some activities so she can experience things she didn’t experience when she was a teenager.”
“Dad,” I called. Nanlalaki ang mata ko sa kaniya dahil nakakahiya sa dalawang bisita. “I’ll be fine. I’m a grown woman.”
“Okay, I understand. You can now go.”
Tumango ako at binuhat ko na iyong duffel bag ko. Mabilis na nagpaalam si Nik kay Dad hanggang sa lumapit siya sa akin. Kinuha niya sa kamay ko iyong duffel bag at lumabas na kami ng bahay. Nakaparada ang Mercedes Benz sa garahe.
“Where is your Mclaren?” I asked.
“I leave it in my condo. I used this car because this asshole is gonna ride with me. I don’t have a choice though,” he replied. Nilagay niya na iyong gamit ko sa compartment at pinagbuksan niya na ako ng pintuan sa shotgun side. “Hop in, mon amour.”
I smiled. “Thanks.”
“How about me? Are you not gonna open a door for me?” si Johann habang tinuturo ang kaniyang sarili. Nawala iyong matamis na ngiti sa labi ni Nik nang tingnan niya ang pinsan. “Useless asshole…”
“Stupid motherfucker,” Nik hissed.
Lumitaw ang malaking ngiti sa labi ko hudyat natatawa na ako sa kanilang dalawa. Kanina kasi pinipigilan ko dahil kasama ko si Dad. Sumakay na ako sa sasakyan niya at sinuot ko na iyong seatbelt. Si Johann naman ay pumasok na rin sa likod at ngumiti pa siya sa akin.
“How did you meet that asshole?” Johann inquired.
I chuckled. “I am their new producer of medicines and necessities in their hospital. Basically, I met him in our first meeting.”
“Woah! Do you know that he always talks about yo—”
Bigla siya dinuro ni Nik. “Damn you. You have a f*****g big mouth!”
Tinikom na lang ni Johann iyong bibig niya pero may multong ngiti pa rin sa kaniyang labi. Napabuntong-hininga siya habang binubuhay iyong makina. Hindi makatingin sa akin si Nik parang nahihiya siya sa sinasabi ni Johann.
Habang bumabyahe na kami palabas ng subdivision ay nakatuon naman ang atensyon ni Johann sa kaniyang phone. May mga times na napapangisi siya parang may kausap na babae.
“Can you connect me to bluetooth? It’s too quiet. I wanna hear some music,” ani Johann.
Umirap si Nik. “Hindi ka ba talaga mananahimik?”
“Please? I know gusto rin ni Sianna na makinig ng music.”
Umigting ang panga niya habang binubuksan iyong stereo para i-connect siya. Alam kong papatugtog siya sa Spotify. Okay lang naman iyon para maaliw din ako habang nakatanaw sa labas. Tsaka ang boring din kasi traffic pa sa Manila bago pa kami makarating sa Batangas.
Mabuti na lang maayos iyong music taste ni Johann sa Spotify. May mga music lang na tungkol sa s*x kaya napapairap sa hangin si Nik habang nagmamaneho. Nilagay ko iyong takas na buhok sa likod ng tenga ko habang pinagmamasdan siya.
I don’t know if I’m the only one who’s attracted to him whenever he’s mad or irritated. Gustong-gusto ko kasi iyong kilay niya. Ang kapal at maganda naman iyong arch. Nakakagwapo lalo tingnan sa kaniya. Kaya nang lingunin niya ako ay napawi iyong inis sa mukha niya. I gave him a small smile.
Lumakbay naman ang kaniyang kamay papunta sa binti ko. I chewed my lips when I felt my heart racing in my chest. Damn it. I want my heart to calm down.
“You’re so beautiful,” he mouthed.
Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niya. Iniwas ko iyong ngiti ko pero tinatago ko lang sa kaniya iyong ngiti at pamumula ng pisnge ko. Kahit kailan talaga si Nik. Kahit kasama na iyong pinsan niya ay lumalandi pa rin sa akin.
I can’t help but to smile. His touch sends comfort to my system. Nakaramdam ako ng antok kaya sumandal ako sa kinauupuan ko habang nakapikit. Narinig ko na lang na hininaan ni Nik iyong tugtog.
Going to Batangas is a long drive. Kapag bumabyahe kami ni Dad ay palagi ako natutulog imbes na ma appreciate iyong nature at iyong view. Kapag kasi bumpy ride ay mas lalo ako inaantok. Mas okay na iyong antukin sa byahe kaysa sa nagsusuka.
Nagising na lang ako na may narinig ako na nagbabangayan na naman. Pagdilat ko ay nasa drive thru kami. Napa ayos pa ako ng upo habang kinukusot iyong mata ko. Biglang natahimik iyong dalawa. Lumapit pa si Johann habang nakangiti sa akin.
“Hello, sunshine! Nagugutom na kasi ako kaya nasa drive thru tayo,” ani Johann. Tinapik niya pa iyong balikat ni Nik. “My meal is on you, okay? I forgot to bring my cash.”
“f*****g asshole,” Nik murmured.
“Dude, I can hear you.”
Kinagat ko iyong labi ko habang naramdaman na kumalam na rin ang sikmura ko. Tinulak niya iyong noo ni Johann para manahimik na sa likod. Tumikhim muna si Nik bago siya lumingon sa akin.
“What do you want to order?” Nik asked. Ang lambing ng boses niya at ang husky. “I know you are hungry. Para kumakain tayo habang bumabyahe papunta sa Calatagan.”
“Chicken burger, fries and sundae will do,” I responded.
“Okay. Got it.” Kumindat siya sa akin at hinahanda niya na iyong wallet niya.
“Uhm. Hindi mo ba tatanungin iyong order ko?” si Johann na nagtatampo pa sa likod. Humalakhak ako habang pinapanood iyong dalawa. “Anyway, mine will be ten pieces of nuggets, hamburger, fries, and I wanna try the coke float. Oh! Kindly add the apple pie because it is one of my favorites. Thanks.”
Inis siyang nilingon ni Nik. “f**k you.”
Kapagkuwan nakapag order na kami ng lunch namin kasi maaga kami naka alis kanina sa bahay. Tahimik akong kumakain sa shotgun seat. Si Nik naman ay seryoso na nagmamaneho. Napansin ko iyong pagkain niya sa gilid.
Si Johann naman ay kumakain sa likuran habang nakangisi. Isa siyang Montepalma pero mahilig pala siya mamburaot sa pinsan niya. Magandang lalaki rin si Johann kaya nasisiguro ako na babaero rin ang isang ito. Kapag tiningnan mo siya ay halatang mayaman.
Hanggang ngayon hindi pa rin nakakakain si Nik kasi nagmamaneho pa rin siya. Kumuha ako ng fries at nilapit iyon sa bibig niya. Bahagya pa siya nagulat sa akin.
“Hindi ka pa kumakain…” I said, sheepishly.
“Thank you, mon amour,” he replied.
Kinain niya na iyong fries na pinapasubo ko. Gano’n ang ginagawa ko kasi naawa ako dahil baka malipasan pa siya ng kain. Nakita ko ang panunuya sa tingin ni Johann habang pinapanood kami. Nakangiti na lang ako habang ang atensyon ko ay na kay Nik para makakain lang siya habang nagmamaneho.
Talagang inaasikaso ko siya. Kaya nakangisi na sa akin si Nik habang nagmamaneho. Nawala na iyong inis sa ekspresyon niya dahil sa pinsan. Gumaan naman ang loob ko kasi masaya si Nik.
Kinuha ko iyong napkin para punasan iyong dumi sa gilid ng labi niya. Kumakalabog na naman ang puso ko nang mapatitig siya sa akin. Napalunok ako habang nangingig ang kamay. Mabuti na lang nakahinto ang sasakyan.
“Thank you,” he whispered. Lumapit siya bahagya para hagkan iyong noo ko.
My cheeks burned. “Y-You’re welcome…”
Mabuti na lang nang lingunin ko si Johann ay nakapikit na lang siya. Nakahinga ako maluwag dahil natutulog siya kasi baka asarin niya pa kaming dalawa. Umandar na ulit iyong sasakyan at hindi ako makatingin ng diretsyo sa kaniya.
Hindi ako masyadong caring sa tao after namatay si Mom. Parang kusa kumilos iyong sistema ko para pagsilbihan si Nik.
Nakarating na kami sa malaking gate na may nakaukit na malaking ‘M’ sa bakal. Napauwang ang labi ko nang pumasok kami sa puting mansyon. May fountain sa gitna at maraming puno sa gilid.
“Oh, nandito na pala tayo,” si Johann na kakagising palang. “Excited akong magpa tan mamaya! Marami rin chicks dito e.”
“Shut your mouth! Kasama natin si Sianna!” ani Nik.
“Oops! Sorry!” Napakamot sa ulo si Johann habang napapatingin sa akin. “Loyal iyan sa’yo! Hindi siya mambabae kasi nagbag—”
“Damn you!” Nik interjected.
Pinarada na ni Nik iyong sasakyan sa garahe. Nauna bumaba si Nik at tumakbo siya papunta sa side ko para pagbuksan ako ng pintuan. Nakangisi siya habang nilalahad ang kamay sa harapan ko. Hinawakan ko iyong kamay niya at bumaba na ako sa sasakyan.
Bumaba na rin si Johann kasi sumisipol na siya habang naglalakad papasok ng mansyon. Napailing na lang ako at binalik ko iyong atensyon ko sa kaniya.
He brought my hand to his lips and he kissed my knuckles. Namula na naman ang pisnge ko dahil sa ginawa niya. Sabay na kami naglakad papunta sa loob ng mansyon. Naririnig ko na may kausap na si Johann kasi ang lakas ng boses nila.
Napansin ko agad na kausap ni Johann ang isang mestiza na babae. Bigla niya niyakap si Johann at tumitili. Bigla napadpad ang tingin sa amin ng dalawa. Nakaramdam agad ako ng kaba sa dibdib.
“Oh! Siya na ba si Sianna?” The woman pointed her finger at me. Naglakad na siya palapit sa akin habang nakangiti. “Hello! I’m Maih pala! I’m their cousin. Palagi kang nababanggit sa amin ni—”
“Stop it right there, Maih,” si Nik na halatang nahihiya na sa akin kasi nilalaglag na siya ng mga pinsan niya. “Come on. Let’s head to the patio first.”
Humalakhak si Maih. “Alright. Tara na!”
Naglakad na kami papunta sa patio. Maraming mga antique na gamit ang pamilya ni Nik. Tapos napansin ko pa iyong mga paintings na nasa mga pader. Halatang luma na iyong portrait pero hawig niya si Johann.
Nik leaned in. “That’s my grandfather. He was twenty-two at that time.”
“Woah. He looks like Johann,” I commented. Napatingin ako sa magandang babae na nasa portrait din. “I assume that is your grandmother?”
“Yeah. She is so beautiful, right?”
“Heck yeah. You kinda look like her.”
Nik chuckled. “Kamukha ni Dad si Lola kaya hawig ko siya. Pero si Lolo kamukhang-kamukha niya si Johann nung binata pa.”
My lips parted in awe. Siguro kung titingnan ko si Johann ngayon parang nakikita ko lang iyong binata na version ng Lolo nila. Maraming maid na nag-aasikaso nang mapadpad kami sa outdoor patio. Malapit ang patio nila sa swimming pool at may dalawang lalaki na nandoon.
“Hoy! Umahon na kayo diyan kasi nandiyan na iyong bisita natin!” si Maih.
Umahon naman iyong dalawang lalaki at parehas silang moreno. Damn it. Lahat ba ng mga Montepalma ay magagandang lahi? Umupo naman si Johann sa lamesa habang umiinom ng orange juice.
“Miss ko na kayo!” si Johann.
Sumimangot naman ang isa. “Hindi ka namin miss!”
“Wow. Baka nakakalimutan mong kapatid kita?”
“Shut up. It was so peaceful nung hindi ka pa dumadating e.” Inirapan niya si Johann at napaharap siya sa akin. May towel sa balikat niya at tumutulo pa ang butil ng tubig sa buhok niya. “Hello, I’m Hansen. You must be Sianna?”
Tumango ako. “It’s nice to meet you, Hansen.”
“My name is Valdus. I live here in Calatagan,” si Valdus habang nilalahad ang kamay sa akin. Nakipagkamayan naman ako sa kaniya. “I hope you enjoy staying here for vacation.”
“Ang daya niyo naman. Hindi kayo nagwelcome sa akin ng ganiyan!” Johann snapped.